April 21
Pilipino Komiks Blg. 47, Abril 21, 1951 Tampok s taklob-pahina ang guhit ni Tony de Zuñiga Para sa wakasang kuwento na “Ang Aking Panginoon.” |
Events that happened on April 21:
900 A.D. – Date of oldest Philippine document found so far, the Laguna Copperplate Inscription, written in Kawi script.
1899 – Arrival of the Presbyterian Mission, the first group of Protestant missionaries to come to the Philippines
1989 – U.S. Army Colonel James Rowe, chief of the ground forces division of the Joint U.S. Military Advisory Group, was killed by NPA hit squad.
Personalities and celebrities born on April 21:
1972 – Nadia Montenegro (real name Nadine Montenegro), actress – in Manila.
1976 – Rommel Adducul, professional basketball player – in Tuguegarao, Cagayan.
Charlie Chaplin and his wife Oona (in front
of a welcoming poster) on the cover of
Life April 21, 1972 issue
|
Ang English comic actor, scriptwriter, film director at composer na si Charlie Chapilin (buong pangalan Charles Spencer Chaplin, 1889-1977) ang kinikilalang pinakatanyag na artista nang bago matapos ang World War I. Ang kaniyang pinaka-hindi-malilimutang pagganap ay sa pelikulang The Tramp (1914).
Una siyang nagwagi ng Academy Award sa unang paggagawad nito. Nominado si Chaplin at ang kaniyang pelikulang The Circus sa Best Production, Best Director in a Comedy Picture, Best Actor at Best Writing (Original Story), at inaasahang magwawagi, subalit sa halip ay inalis ang pangalan niya sa listahan ng mga nominado at pinagkalooban na lamang siya ng isang Special Award para sa “versatility and genius in acting, writing, directing and producing The Circus.” Sa marami pang pagkakataon hindi siya nahirang dahil marahil sa politika at dahil sa mainit ang dugo ng ilang namamahala sa Acedemy Awards sa kaniya. Ayon kay George Bernard Shaw, si Chaplin ay “the only genius to come out of the movie industry” (ang nag-iisang henyong lumitaw sa industriya ng pelikula).
Alam niyo bang isa rin si Charlie Chaplin sa nagtatag ng United Artist? Noong 1919, kasama sina Mary Pickford, Douglas Fairbank at D. W. Griffith, itinatag nila ang naturang film production outfit.
Noong 1940s, si Chaplin ay pinaghinalaang isang komunista, kaya pinaimbestigahan siya sa FBI at sa British secret service ni J. Edgar Hoover. Humantong pa ito sa paghiling ni Hoover sa Immigration and Naturalization Service na bawiin ang reentry permit sa America ni Chaplin.
Nagdesisyon si Chaplin na tumira sa Vevey, Switzerland. Noong April 1972, matagumpay siyang bumalik sa America kasama ang kaniyang asawa upang tumanggap ng Honorary Oscar. Matapos ang 43 taon, muling tumanggap ng Academy Award si Chaplin bilang pagkilala sa “incalculable effect he has had in making motion pictures the art form of this century.” Sa pagtungtong niya sa entablado ng Dorothy Chandler Pavilion, tumanggap siya ng standing ovation na tumagal ng 12 minuto, ang pinakamatagal na palakpakan sa kasaysayan ng Academy Award.
o O o
No comments:
Post a Comment