Tuesday, April 10, 2012

April 10


April issues of different magazines


April 10
Beauty Tapusan Komiks Magazine Vol. 1 No. 36, Abril 10, 1972
Tampok sa harapang taklob-pahina ang kuwento ni Lito Aragon na “Date.”
Tampok naman sa likurang pabalat ang mga mang-aawit
na sina Jun Polistico at Mildred Ortega.

Events that happened on April 10
1905 – The electric streetcar, known as the Tranvia, was inaugurated by the Meralco.
1915 – The Independent, a weekly publication, was founded by Vicente Sotto.



Personalities and celebrities born on April 10:
1866 – Isidoro Torres, revolutionary general – in Matimbo, Malolos, Bulacan (d. December 5, 1928).
1912 – Macario Pineda, Tagalog fictionist – in Malolos, Bulacan (d. August 2, 1950).

 

Larawang Tribiya
Norman Rockwell’s illustrative painting The Coward
on the cover of Life Magazine April 10, 1919 issue
          Ang The Coward, isang likhang-obra ng American painter at illustrator na si Norman Rockwell (1894-1978), na itinampok sa taklob-pahina (cover page) ng Life Magazine April 10, 1919 issue (Tignan ang kalakip na larawan). Ito ang pang-16 na likha ni Rockwell na lumabas sa cover ng naturang magazine.
          Tinawag itong “The Coward” hindi dahil sa ang sundalong nasa obra ay isang duwag. Manapa’y makikita sa kaniyang uniporme ang mga medalyang kaniyang natanggap dahil sa kaniyang kagitingan, at may tungkod siya na nagpapahiwatig na nasugatan siya sa pakikibaka. Ang pamagat ng obra ay patungkol sa kaniyang reaksiyon sa babaeng nagtangkang humalik sa kaniya. Isa siyang magiting na sundalo na nagitla at tila nahintakutan sa biglang tangkang paghalik ng babae sa kaniya. Hindi inaasahan ng sundalo ito, at sa kaniyang pagkagulat ay nabitawan pa niya ang kaniyang sumbalilo at tungkod. Makikita naman sa babae na nakapanamit siya ng maayos at ang kaniyang pananabik na makahalik. Makikitang ang panali niya sa baywang ay nakaliyad; tanda na tumakbo siyang pasalubong sa lalaki.
          Tinatawag din ang obrang ito ni Rockwell na “Girl Kissing Soldier.”
                                      o     O     o






No comments:

Post a Comment