April 29
Hiwaga
Komiks
Blg. 224, Abril 29, 1959 Tampok sa taklob-pahina ang nobelang-komiks ni Pablo S. Gomez na “Batas ng Alipin” |
Events that happened on April 29
1901 – General Manuel Tinio, leader of the Filipino forces in the Ilocos Regions, surrendered to the Americans.
1912 – The highest recorded temperature in the Philippines – 42.2 °C – was recorded in Tuguegarao, Cagayan.
1980 – The Lungsod ng Kabataan, a modern children’s complex complete with hospitals, sports and recreational facilities was inaugurated by First Lady Imelda Romualdes Marcos. Under the administration of Cory Aquino, it was renamed Children’s Medical City.
Personalities and celebrities born on April 29:
1872 – Jose Ignacio Paua, pure-blooded Chinese arms expert and general of the Katipunan who fought against the Spaniards in the Philippine Revolution and in the Philippine-American War – in Lao-na, Fujian, China (d. May 24, 1926).
WIKApedia
TIKTIK – Bilang isang pangngalan, tumutukoy ang salitang ito sa isang taong nagmamanman na ang maaaring katumbas sa salitang English ay detective, spy o secret agent. Bilang pandiwa, ginagamit ang salita upang tukuyin ang gawang pagmamanman o pag-iispiya. Ang ibong “tiktik” ay nabigyan ng ganitong katawagan dahil sa huning naririnig dito tuwing lumilitaw ito sa gabi. Sa sinaunang mga kuwento, sinasabing ang mga asuwang o lamang-lupa ay nag-aanyong “tiktik” upang magmanman sa isang sangbahayan kung mayroon sila roong mabibiktimang buntis o nagdadalang-tao. Mula rito naging kasabihan na kapag mayroong naririnig na tiktik kung gabi ay mayroong nagmamanman o “naniniktik.”
May kaugnayan din ang salitang “tiktik” sa paggalaw ng orasan. Ito rin kasi ang karaniwang tunog ng mga unang kinukuwerdasang orasan. Sa pagmamanman o paghihintay ng mga susunod na mangyayari, lumilipas ang oras, at sa isang tahimik na kapaligiran, tanging ito lamang ang maririnig na walang pagbabago.
Ang pangmasang babasahing Tiktik, Taon 13,
Blg. 31, Abril 29, 1960, tampok sa pabalat ang
kuwentong “Ninong.”
|
Sa larangan ng pangmasang panitikan, unang lumabas ang babasahing may pamagat na Tiktik noong Marso 6, 1948. Tinagurian itong “Magasin ng mga Krimen at Kasaysayan ng Paniniktik” at naglalaman ang mga pahina nito ng mga kuwento at ilustrasyon na halaw sa tunay na pangyayari at walang pasubaling naglalarawan ng mga kahindikhindik na krimeng karamiha’y may temang seksuwal. Nagkaroon pa ito ng subtitle na “Tagapagtanggol ng mga Mahal Ninyo sa Buhay.” Subalit nang lumaon, lalong umigting ang tema nitong seksuwal. Naging garapal na at lubhang malaswa ang mga guhit at kuwento na kahalintulad ng mga nababasa sa The Pearl na lumabas noong panahon ng Victorian Era sa England. Mga kuwentong patungkol sa pangangalunya, pakikiapid, fornication, incest, pedophilia at ibang pang uri ng erotika. Pansamantalang natigil ito ng ideklara ang Martial Law.
Muling lumitaw ito sa sirkulasyon bagama’t patago noong early 1980s. Inilimbag ito ng Sagalongos Publications at nilagyan ng subtitle na “Palayain ang Sining at Panitikang Pilipino.”
o O o
Larawang Tribiya
Star Wars character Yoda, for Episode II:
Attack of the Clones, on the cover of Time
April 29, 2002 issue
|
Sa tatlong prequel ng Star Wars, si Yoda ang Grand Master ng Jedi Council. Dito isiniwalat na mula siya sa lahi ng mga Lannik na ang telekinetic ability ay mayroong midi-chlorian count na 4,000,000.
Noong 1999 pinabata ang hitsura ni Yoda para sa unang pelikula sa prequel na Star Wars Episode I: The Phantom Menace. Unang ginamitan ng computer animation si Yoda sa Star Wars Episode II: Attack of the Clones (2002). Sa pamamagitan nito, higit na nabigyan ng buhay ang kaniyang mga galaw, maging sa kakaibang pakikipaglaban.
o O o
No comments:
Post a Comment