ALAM MO BA 'TO?
(Do You Know This?)
|
Ang Buwan ng April
Ang April ay pang-apat na buwan sa Gregorian Calendar. Alam niyo ba kung paano ito nabigyan ng pangalan? Ayon sa mga etymologists, ang pangalan ng buwan ay halaw sa salitang Latin na apririre, na ang ibig sabihin ay “buksan,” dahil sa buwan na ito nagsisimulang mamukadakad at bumububukas ang mga talulot ng mga bulaklak. Kinuha rin ang pangalan ng buwan sa lumang kalendaryong Romano na Aprilis na noo’y ikalawang buwan ng taon.
Isa pang maaaring pinanggalingang etimolohiya ng pangalan ng buwang ito ay mula sa salitang Sanskrit na aparah na tumutukoy bilang “pagsunod sa hulihan” (ng unang buwan). Hiniram ito ng wikang Old French at naging avrill. Mula rito ay naging Avril ito sa Middle English. Sa Pilipino, tinatawag nating "Abril" ang buwang ito, na hiniram natin sa mga Kastila.
Ang buwan ng April ay nagsisimula sa April Fool’s Day (April 1) kung saan ang pangloloko sa kapuwa ay naging isang tila tradisyong pinahihintulutang gawin sa araw na ito.
Ang sweet pea at daisy ang mga mahalagang bulaklak sa buwan ng Abril, samantalang ang birthstone sa buwang ito ay ang diamante, ang pinakamatigas na likas na bagay na matatgpuan sa daigdig.
April 1
MOD Vol. 37,
No. 1745, April 1, 2005 On the Cover: Toni Gonzaga |
GLIMPSE FROM THE PAST
The “Early Paris Openings and Brides Number"
by Spanish portrait painter and fashion illustrator Eduardo Benito (1891-1981),
on the cover of vintageVogue (April 1, 1927).
|
Events that happened on April 1
1887 – The first issue of La Opinion, a Spanish newspaper founded by Julian de Pozo and Jesus Polanco, and edited by Carlos Peñaranda came out of the press.
1898 – Leon Kilat (real name Pantaleon Villegas) led a rebellion against the Spanish authorities in Cebu.
1901 – General Emilio Aguinaldo took the oath of allegiance to the United States.
1902 – Jose Ma. Romero founded the publication El Mercantil.
1925 – The Tribune, the first daily newspaper to use a tabloid format (half the size of a regular newspaper), was founded by Alejandro Roces Sr. It was first edited by Carlos P. Romulo
1972 – The Medicare was launched for the benefits of GSIS and SSS members.
1978 – The Philippine College of Commerce through Presidential Decree 1341 issued by President Ferdinand Marcos becomes the Polytechnic University of the Philippines.
Personalities and celebrities born on April 1:
1952 – Tirso Cruz III (full name Tirso Silvano Cruz III), actor – in Sampaloc, Manila.
Tirso Cruz II
featured in Pilipino Komiks (August
12, 1971), with Nora Aunor on the front cover and for the Coke print ad on the back cover |
1962 – Samboy Lim (full name Avelino B. Lim Jr), professional basketball player – in San Juan City.
1963 – Teddy Diaz (full name Teodoro de Villa Diaz), musician, songwriter and founding guitarist of the band The Dawn. (d. August 21, 1988)
Deliver Us From Evil
The controversial award-winning film
Deliver Us From Evil (2006). |
Ang Academy-award-nominated documentary na Deliver Us From Evil (2006) ay naglalahad ng istorya ng pedophile priest na si Oliver O’Grady. Batay sa documentary, alam ng kaniyang superior na si Cardinal Roger Mahony na si O’Grady ay isang pedophilic sexual abuser subalit hindi niya ito inilayo sa mga bata. Sa loob ng 20 taon, hindi mabilang ang mga batang biktima ng seksuwal na pang-aabuso ni O’Grady kabilang na ang isang siyam na buwang sanggol.
o O o
Noong 1984, isinara ng Stockton Police ang imbestigasyon kay O’Grady ng pang-aabuso sa mga bata nang mangako si Bishop Mahony na gagawan ng aksyon ang sumbong laban dito. Subalit hindi ito nangyari, sa halip inilipat-lipat lang ng parish si O’Grady kung saan ipinagpatuloy niya ang pang-aabuso sa mga bata. Si Mahony naman ay na-promote bilang Cardinal at ginawang Archibishop ng Los Angeles, ang pinakamalaking diocese sa U.S.
o O o
Unang nahatulan si O’Grady noong 1993 ng 14 na taong pagkabilanggo sa apat na bilang ng “lewd and lascivious acts” sa dalawang magkapatid na sina John at James Howard na kaniyang inabuso mula sa edad tatlong taong gulang.
o O o
Noong December 2006, ang Archdiocese ng Los Angeles ay nagbayad ng 60 million dollar upang i-settle ang 45 sa 500 na kaso ng pang-aabuso ng mga pedophile priests. Nang Hulyo ng sumunod na taon 660 million dollars pa ang ibinayad sa mga iba pang biktima.
o O o
Ang Deliver Us From Evil ay nagwagi ng First Place sa 2006 Los Angeles Film Festival sa kategoryang documentary film.
o O o
Ang Rogadia luzonia luzonia, isang uri ng paruparo na endemic o matatagpuan lamang sa Pilipinas, tampok sa taklob-pahina ng People & Nature (April-June 1994) |
Ang mga paruparo ay tanda ng isang maaliwalas na kapaligiran. Alam niyo ba na ang paruparo ay matatagpuan sa lahat ng sangkalupaan o continent maliban sa isa? Ito ay sa Antarctica.
Ang pinakamaraming uri ay matatagpuan sa mga tropical na lugar katulad ng Indonesia, Papua New Guinea at Pilipinas. Sa buong kapuluan ng Pilipinas ay matatagpuan ang humigit-kumulang 940 species at mahigit 1,600 subspecies ng paru-paro, na maituturing na isa sa pinakamarami sa buong daigdig.
Kabilang sa pinakamaganda at pinakamaraming kulay na paru-paro ay ang Parthenos sylvia at Idaea leuconoe, na parehong endemic o matatagpuan lamang sa Pilipinas.
Isang pang endemic species ay ang swallow-tailed butterfly na may pangalang-agham (scientific name) na Papilio chikae. Ito ay matatagpuan lamang sa mga bulubundukin ng Northern Luzon. Sa kasamaang-palad ang uring ito ay nanganganib nang maubos. Ang pinakamabigat na dahilan ay ang walang habas na pagtrotroso na siyang sumisira sa kanilang mga tirahan. Ang Papilio chikae ay nabibilang sa endangered list ng International Union for the Conservation of Nature (IUCN) at sa Appendix I ng Convention of International Trade in Endangered Species (CITES). Batay sa katayuang ito, mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli ng uri ng paru-parong ito.
o O o
Ang galing ng collections mo. Wala bang magazine cover on April Fool's Day?
ReplyDeleteBukod kay O'Grady, ang daming mga pedophile priests ngayon. Dapat sa kanila putulan para madala.
ReplyDeleteQuestion: Biblically, is the Catholic Church representative of the Babylon mentioned in the Book of Revelations?
ReplyDelete