April 3
Ang unang labas ng Pogi Magazine for Men, (Abril 3, 1969). |
Ang Pogi Magazine for Men ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Abril 3, 1969. Bagama’t ito ay naglalaman ng mga sexy pictures, mga sanaysay at kuwentong komiks tungkol sa sex at sexuality, hindi bulgar o malaswa ang pagsasalarawan at ilustrasyon nito katulad ng mga tinaguriang “bomba” o x-rated komiks at magazines. Ito ay pinatnugutan nina Ted Tenorio (Editor) at Mars Ravelo (Editorial Director) na manapa’y ang layunin ay labanan ang paglaganap ng mga malalaswang babasahin na inilalathala ng mga “underground” publications.
Tampok sa magazine na ito ang mga kuwentong komiks na “Sa Bawat Saglit... Sindak” (sinulat ni Mars Ravelo at iginuhit ni Mar T. Santana), “Uhaw” (Deo Villegas at Elmer Esquivias), “Big Bernard” (Ric Torres at Arnie Dominguez), mga comedy strips na “Dumb Dora” (Deo C. Gonzales at Vir Aguirre), “Dr. Ispongklong” (Ted Tenorio at Bert Sarile) at “Ngisi” (Al Magat), at mga wakasang kuwentong “Hayok” (Virgilio N. Mateo at Vic R. Geronimo) at “Bitag” (Dante Castel at Vic R. Geronimo)..
Tampok sa magazine na ito ang mga kuwentong komiks na “Sa Bawat Saglit... Sindak” (sinulat ni Mars Ravelo at iginuhit ni Mar T. Santana), “Uhaw” (Deo Villegas at Elmer Esquivias), “Big Bernard” (Ric Torres at Arnie Dominguez), mga comedy strips na “Dumb Dora” (Deo C. Gonzales at Vir Aguirre), “Dr. Ispongklong” (Ted Tenorio at Bert Sarile) at “Ngisi” (Al Magat), at mga wakasang kuwentong “Hayok” (Virgilio N. Mateo at Vic R. Geronimo) at “Bitag” (Dante Castel at Vic R. Geronimo)..
Ang unang labas ng nobelang komiks na “Uhaw” na isinulat ni Deo Villegas at iginuhit ni Elmer Esquivias. |
Ang Dr. Ispongklong ni Ted Tenorio at Bert
Sarile
Ang
komiks comedy series na “Dr. Ispongklong,” na nilikha ni Ted Tenorio at
iginuhit ni Bert Sarile at unang lumabas sa Pogi Komiks noong Abril 3, 1969,
ay puno ng nakakatawang kuwento ng mga kalokohan ng pangunahing karakter na si
Dr. Ispongklong at ng mga tao sa kaniyang paligid. May temang seksuwal ang
kuwento na angkop sa Pogi Komiks. Si Dr. Ispongklong, ay isang
manggagamot (kuno) na laging naka-pipa na may dalawang sigarilyo, may nakakabit
na light reflector sa kaniyang noo, at laging may hawak na stethoscope. May
pagkahilig din sa mga seksing babae ang doctor na ito.
Ang unang labas ng Dr. Ispongklong. |
Kaya ang
ibig sabihin ng “ispongklong” ay “taong walang maisip na matino” na siyang
karakter ni Dr. Ispongklong.
o O
o
Ang
Dumb Dora ni Deo C. Gonzales at Vir Aguirre
Ayon mismo sa pagkakalarawan ni Deo C.
Gonzales, si “Dumb Dora” ay isang babaeng may pinagsama-samang katangian nina
Cleopatra, Mata Hari at Marilyn Monroe, na dinagdagan ng saksakang katangahan.
Siya ay “sidekick” at “girl-Friday” ni Singko Nire, Agent 7-11, isa namang sikret
edyent na saksakan ng lakas ang hangin sa utak, subali’t pinakyaw na yata lahat
ng uri ng kabugukan. Ang nakatutuwang comedy series na ito ay kasabay ring
lumabas ng unang isyu ng Pogi.
Ang unang labas ng Dumb Dora. |
o O
o
Events that happened on April 3
1823 – The cornerstone of the Intendencia (now occupied by the Central Bank of the Philippines) was put in place.
1942 – Lt. Gen. Masaharu Homma (1887-1946) was executed for his crimes and atrocities specifically during the Bataan Death March.
Personalities and celebrities born on April 3:
1867 – Jose Albert, doctor, scientist, delegate to the Malolos Constitution and member of Emilio Aguinaldo’s cabinet – in Manila (d. August 13, 1946).
1939 – Lino Brocka (full name Catalino Ortiz Brocka), film director, Ramon Magsaysay awardee (1985) and National Artist for Cinema – in Pilar, Sorsogon (d. May 21, 1991).
1943 – Subas Herrero (real name Ricardo Jaime Wright Herrera), actor-comedian – in Manila (d. March 14, 2013).
Picture Trivia
Special Report: “Frontiers
of the Mind,” on the cover of New Scientist (April 3, 2010). |
The average weight of the human brain
is 1.4 kilogram, but its functions and capacity can far exceed any computer
ever built. Up to now, no scientist can claim that he knows exactly everything
about the human brain. It is the only human organ that cannot be transplanted
or replaced.
Many have tried to measure the
capacity of the human brain. Oftentimes, it is compared to a computer.
According to Hans Moravec, who is renowned for his research in the field of
robotics and artificial intelligence, the human brain can process 100 trillion
instructions per second. Moravec based this in the brain’s capacity to process
image inputs from the retina of the eyes. By his estimate, based on
technological standard and advancement today, the computer maybe able to exceed
the human brain’s capacity by the year 2030.
If it were possible to build a computer today identical to the human brain, with all its functions and capacity, it is estimated that the computer will be bigger than the land area of Metro Manila!
If it were possible to build a computer today identical to the human brain, with all its functions and capacity, it is estimated that the computer will be bigger than the land area of Metro Manila!
o O o
No comments:
Post a Comment