MAY 31
Puro Wakas Taon 4 Blg. 171, Mayo 31, 1993
Tampok sa taklob-pahina ang guhit ni Arnold Reña Cruz batay sa kuwento ni Ed Rejaalde Tuboran na “Love Me Tindeng, Love Me Dear.”
|
Events that happened on May 31:
1889 – The article “La Verdad para Todos” (“The Truth for All”) written by Jose Rizal was published in La Solidaridad. This was Rizal’s first article for the newspaper.
1968 – The first FM radio station in the Philippines, DZFX-FM, went on the air for its first broadcast.
1951 – The first Darna movie, directed by Fernando Poe Sr and starring Rosa del Rosario, was shown courtesy of Royal Films.
Rosa del Rosario starred as Darna and Mila Nimpa played the role of her alter-ego, Narda,
in the first Darna movie.
|
Personalities and celebrities born on May 31:
1858 – Trinidad Tecson, revolutionary worker known as “Mother of Biak-na Bato” – in San Miguel de Mayumo, Bulacan (d. January 28, 1928)
1931 – Perfecto V. Fernandez, lawyer, professor and writer – in San Fabian, Pangasinan.
1969 – Robert “Ace” Smith Barbers, politician and lawmaker.
WIKApedia
An illustration of the new meaning of the
word “interactive” on the cover of Newsweek
May 31, 1993.
|
Ano ang puwedeng katumbas ng salitang “interactive,” na may makabagong kahulugang patungkol sa kalakaran sa larangan ng computer at Internet, sa salitang Filipino?
Ang salitang English na “act” ay may tuwirang pagsasalin sa Wikang Filipino na kilos, galaw o gawa. Samantalang ang “active” kung ililiwat ay maraming katumbas na kahulugan sa Wikang Filipino: Buhay (o may buhay), kumikilos, gising, gumagalaw, gumagawa, may bisa, may pakinabang, nakikipag-ugnayan, tumutukoy, umiiral, atbp. Ang prefix naman na “inter” ay maaaring iliwat bilang katumbas ng salitang “ugnay” o “sugpong” sa isang banda at “iba” o “palit” sa kabilang banda. Isa pang katumbas nito ay ang salitang “pagitan.” Sa Wikang English, ito ay ginagamit upang ipahiwatig ang “pag-uugnayan” o “pag-iiba ng dalawa o higit pang mga bagay, gawa o pangyayari. Ilang halimbawa ay interagency (ugnayan ng mga sangay), intercourse (ugnayan sa pagitan ng mga bagay o tao), interchange (pagpapalitan sa pagitan ng mga bagay), at intermediate (pangyayari sa pagitan ng dalawang bagay).
Sa salitang “interactive” na nangangahulugan ng kakayahang “makipagpalitang ugnayan” sa pagitan, halimbawa, ng computer at ng taong gumagamit nito, magagamit ang pagsasanib-salita ng “palit” at “ugnay” – palit-ugnay. Kaya ang pinakamalapit na pagliliwat ng salitang “interactive” ay “makakapagpalit-ugnayan.” Sa pagbuboo ng mga salita, ang maaaring ipanukala rito ay “palitugnay.”
o O o
“Facebook (...and how it’s redefining privacy)”
on the cover of Time May 31, 2010 issue.
|
Umabot ng 500 million ang mga active members ng Facebook noong July 21, 2010. Sa ngayon (May 31, 2012) ay halos isang billion na ang registered users ng Facebook.
Ang pelikulang The Social Network (2010) ay patungkol sa pagkakatatag ng Facebook. Ang script ay sinulat ni Aaron Sorkin batay sa aklat na sinulat ni Ben Mezrich noong 2009. Ayon kay Mark Zuckerberg, na founder ng Facebook, ang pelikula ay hindi makatotohanan. Walang sinoman na taga-Facebook ang nakasali sa pagbuo ng konsepto ng pelikula, bagama’t si Eduardo Saverin, isa sa mga co-founders ng Facebook, ay naging consultant sa pagbuo ni Mezrich ng kaniyang aklat.
o O o