Wednesday, September 5, 2012

September 5


Mga komiks (comics) na lumabas sa buwan ng Setyembre


SEPTEMBER 5
Taon 4 Blg. 109, Setyembre 5, 1953
Tampok sa taklob-pahina ang “Payaso” na likhang-isip ni Nolasco “Noly” Panaligan

Setyembre 5 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 5, 1898 unang lumaganap sa Pilipinas ang mga sipi ng King James Version ng Bibliya sa pamamagitan ng mga misyonaryong Protestante.
                                                          o     O     o

          Ang komposisyon ni Julian Felipe na Marcha Nacional Filipina, na unang pinatugtog noong Hunyo 12, 1898, ay inaring Pambansang Awit ng Pilipinas noong Setyembre 5, 1938..
                                                          o     O     o

Si Pangulong Ferdinand Marcos sa Philippine International Convention Center
kung saan ginanap ang IMF Convention (1976).
Ang Philippine International Convention Center (PICC) ay pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong Setyembre 5, 1976.

                                                          o     O     o

 
Personalities and celebrities born on September 5:
1905 – Lorenzo Sumulong, lawyer, politician and delegate to the United Nation – in Antipolo, Rizal (d. October 21, 1997).
1947 – Danny Florencio (Full name Danilo Zoleta Florencio), basketball player – in Manila.
1948 – Benjie Cleofas (full name Benjamin B. Cleofas Jr), basketball player – in Caloocan City.
1964 – Alfredo “Pido” Jarencio, basketball player.
1967 – Arnel Pineda, singer-songwriter and lead singer of the rock band Journey – in Sampaloc, Manila.
1969 – Amy Perez (full name Maria Armida Parale Perez), actress and television host – in Manila.
Amy Perez on the covers of Good Housekeeping (Philippines) November 2010 issue (courtesy of Susan Ang-Sy Dy) and Moms & Kids Vol. 12 No. 4 (courtesy of Ricael Q. Ramos).

1970 –Gilbert Remulla (full name Gilbert Cesar Catibayan Remulla), newscaster and politician – in Imus, Cavite.



Si Ernest Hemingway tampok sa taklob-pahina ng
Life Magazine September 5, 1960 issue, kung saan
unang lumabas ang kaniyang nobelang The
Dangerous Summer.
Larawang Tribiya
          Ang The Dangerous Summer ay nobelang isinulat ni Ernest Miller Hemingway (1899-1961) noong 1959-1960 na inilathala sa tatlong isyu ng Life Magazine simula September 5, 1960 (sipatin ang kalakip na larawan). Ang nobela ay tungkol sa isang torero o bull fighter na si Antonio Ordoñez, anak ng isa pang matador na si Cayetano Ordoñez, na nasa naunang nobela ni Hemingway na The Sun Also Rises (1926).
          Una namang inilimbag ng Charles Scribner’s Sons ang edited version ng 75.000-word na manuscript ng The Dangerous Summer bilang isang nobelang aklat noong June 1985. Ito ay 24 na taon matapos namayapa si Hemingway.
Ang first edition ng nobela
ni Ernest Hemingway na
The Dangerous Summer
(1985)
                               o     O     o



2 comments:

  1. Noly A. Panaligan is my father. He died in 2004 at the age of 77. He remains one of the pillars of Philippine Komiks.

    Bagwis C. Panaligan
    bagwispanaligan@gmail.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kindly give me his full birthday name (including middle name), brief info, date of birth & date of demise.

      Delete