Monday, July 30, 2012

July 30



JULY 30
Prime Weekly Edition Vol. 2 No. 24, July 30, 1987
On the Cover: Evelyne Riu Andrews
 
GLIMPSE FROM THE PAST
Actress and sex symbol Mae West
on the cover of Screen Play July 1933 issue.

Events that happened on July 30:
1860 – The port of Cebu was opened to foreign commerce.
1934 – The first constitutional convention was convened to frame up the 1935 Philippine Constitution.


Personalities and celebrities born on July 30:
1913 – Macario Peralta Jr, guerilla leader during the Japanese Occupation, lawyer, senator and secretary of national defense (January 1, 1962- December 30, 1965) – in Manila.
1922 – Aruray (real name Socorro D. Cruz) actress, comedian and dancer.
Pictures of the comedian Aruray during her early days on the pages of Hiwaga Komiks.

Ang “Maga Kuwento ni Lola Basyang” ni Severino Reyes
Ang “Pedro Matapang,” isa sa
“Mga Kuwento ni Lola Basyang”
na kinatha ni Severino Reyes,
nasa taklob-pahina ng ikalawang isyu
ng Tagalog Klasiks na lumabas
noong Hulyo 30, 1949.
          Unang nabasa sa magasing Liwayway si Lola Basyang, isang matandang babaeng nagsasalaysay ng mga kuwento sa mga nakikinig na mga bata. Ito ay nilikha ni Severino Reyes (1861-1942), sa seryeng “Mga Kuwento ni Lola Basyang” na nagsimula noong Mayo 25, 1925. Ang unang kuwento ay ang “Plautin ni Periking,” na nagsasaysay ng pakikipagsapalaran ng isang batang may mahiwagang pluta (magic flute) at lumilipad na latag (flying carpet). Halos lahat ng mga kuwento ay patungkol sa mga alamat at istoryang klasiko, at mga kakaibang romansa, kababalaghan at pakikipagsapalaran.  Karaniwang may dalawang nagtutunggaling mga karakter ang kuwento na lumalayon at sumasagisag sa kabutihan at kasamaan. Laging may kapupulutang aral sa katapusan ng kuwento. Natigil ito nang yumao si Reyes noong Setyembre 15, 1942. Umabot ng 407 ang bilang ng mga kuwento na isinaysay ng karakter na si Lola Basyang mula 1925 hanggang 1942.
          Sa pamamagitan ng anak ni Severino Reyes na si Pedrito, muling lumabas ang “Mga Kuwento ni Lola Basyang” sa mga pahina ng Tagalog Klasiks bilang mga kuwentong iginuhit (illustrated stories) sa pagsisimula sa sirkulasyon ng komiks na ito noong Hulyo 16, 1949. Unang lumabas sa Tagalog Klasiks ang kuwentong “Maryang Makiling.” Nasundan ito ng “Pedro Matapang” (Hulyo 30, 1949), “Prinsipeng Unggoy” (Agosto 13, 1949), “Ang Sirena sa Ilog Pasig” (Setyembre 10, 1949), atbp. Ang mga kuwento ay inilarawan ng mga batikang dibuhista kabilang sina Maning de Leon, Nestor Redondo, Jesus Ramos, Jess Jodloman at Ruben Yandoc.
          Si Lola Basyang ay ibinatay ni Reyes kay Donya Gervasia Guzman de Zamora, ang matriarka ng pamilyang Zamora na naninirahan sa Quiapo. Ayon kay Reyes, si Donya Basyang ay lagi niyang nakikitang nagsasalaysay ng mga kuwento sa kaniyang mga apo tuwing matatapos ang hapunan. Ang eksenang ito ang ginamit ni Reyes upang mabuo ang konsepto ng “Mga Kuwento ni Lola Basyang.”
          Simula ng 1950s, naging serye rin sa radio ang likhang ito ni Reyes. Nang lumaon, naging batayan din ito ng mga palabas sa television at pelikula.
                                                          o     O     o


Prime Minister Jawaharlal Nehru of India,
on the cover of Time (July 30, 1956).
Picture Trivia
          Jawaharlal Nehru (1889-1964) was the first prime minister of India (1947-1964). Nehru advocated the “non-alignment policy” and the unity of nations of the Third World. He is the father of Indira Gandhi (1917-1984), who followed and continued her policy in government.
                                      o     O     o

No comments:

Post a Comment