Tuesday, August 21, 2012

August 21


Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Agosto

AUGUST 21
Tagalog Klasiks Taon 5 Blg. 134
Tampok sa taklob-pahina ang iginuhit na larawan ni Pangulong Manuel Luis Quezon

MUKHA NG NAKARAAN
Sina Kirk Douglas (bilang Jim O’Connor) at Jane Wyman (bilang Laura Wingfield)
para sa film adaptation ng nobela ni Tennessee Williams na The Glass Menagerie,
tampok sa taklob-pahina ng Movie Story Magazine August 1950 issue.


Agosto 21 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 21, 1896, binago nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto ang kodigo ng Katipunan sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga numero sa mga letra.
                                                          o     O     o

          Dalawang granada ang sumabog sa Liberal Party proclamation rally sa Plaza Miranda. Sa mahabang panahon ibinibintang kay Pangulong Ferdinand Marcos ang nangyari, subalit sa pagsisiyasat ni Senador Jovito Salonga, isa sa pinakapipintagang lider ng Liberal Party, sinabi niyang walang kinalaman si Marcos sa naganap.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on August 21:
1974 – Martin Malfori Andanar, journalist, radio and television newscaster and commentator – in Quezon City.
On the left, Martin Andanar as part of TV5 “Sapul” team (2011).
On the right, Mr. Andanar with Irwin Peña, Ernee lawagan (the author) and Angelito Madrilejos
during the T.E.N. Eyeball Party (2009).


1989 – Danielle Kirsten Muriel Castaño, beauty queen (2008 Binibining-Pilipinas World) – in Glendale, California, U.S.A.



Si Bruce Boxleitner bilang Tron sa taklob-pahina
ng Empire Magazine August 2010 issue.

Larawang Tribiya
          Ang Tron (1982) ay isang American science fiction film na isinulat at idinirehe ni Steven Lisberger tungkol sa isang computer programmer na nahigop sa loob ng daigidig ng software sa mainframe computer at ang pakikipagsapalaran at pakikipag-ugnayan niya sa iba’t-ibang mga computer programs upang muling makalabas sa naturang daigdig. Nagkaroon ng “reboot” ang pelikula – ang Tron: Legacy (2010) – na muling pinatnugutan ni Lisberger. Bukod sa direktor, tanging ang mga bidang aktor na sina Jeff Bridges (bilang Kevin Flynn a.k.a. Clu) at Bruce Boxleitner (Alan Bradley a.k.a. Tron) ang kasama sa dalawang pelikula.
                                      o     O     o


No comments:

Post a Comment