Showing posts with label Darna. Show all posts
Showing posts with label Darna. Show all posts

Saturday, August 12, 2017

Crossword Puzzles


MOD Vol. 37 Nos. 1764, 1765 & 1766, August 12, 19 & 26, 2005
On the covers: (From left to right) Angel Locsin (as Darna), Nadine Samonte & Erich Gonzales.

These I’ll never run out of – crossword puzzles!



“Remember: sow sparingly, and you will reap sparingly; sow bountifully, and you will reap bountifully.” – The Second Letter of Paul to the Corinthians 9:6, The Revised English Bible.

Saturday, May 13, 2017

Darna! The Evolution of a Superheroine


TV Star Guide (Later Atlas TV Guide), May 2005
On the cover: Constantine Maroulis and Bo Bice

This article, “Darna! The Evolution of a Superheroine” (pp. 14-15) was written barely a month after the hit GMA 7 television series Darna, which starred Angel Locsin. Had the publisher and editor used a Darna/Angel Locsin cover instead of the one above like what I suggested, the magazine would have sold like hotcakes. An updated version can be read on my blog, DARNA: The Original Filipino Superheroine. Furthermore, in The Untold Beginning of Darna.




“Many a woman shows how gifted she is; but you excel them all. Charm is deceptive and beauty fleeting; but the woman who fears the LORD is honoured.” – Proverbs 21:29-30, The Revised English Bible.



Wednesday, December 19, 2012

December 19



DECEMBER 19
Celebrity World Vol. 3 No. 176, December 19, 1994
On the Cover: Dolphy and Vandolph
 
Disyembre 19 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Disyembre 19, 1899, sa kasagsagan ng Philippine-American War, nagapi ng mga sundalong Filipino na pinamumunuan ni Heneral Licerio Geronimo ang puwersa ng mga Amerikano sa Battle of San Mateo (Rizal). Sa labanang ito, napatay ang bayani ng American Civil War na si Heneral Henry Lawton, na siyang namuno sa panig ng mga Amerikano.
                                                          o     O     o

          Si Charice Pempengco ay naging panauhin sa Ellen DeGeneres Show kung saan kumanta siya ng dalawang awit – “I Will Always Love You” at “And I am Telling You I’m Not” – na lubhang hinangaan ng mga manunood.
                                                          o     O     o


GLIMPSE FROM THE PAST
Christopher Reeve (1952-2004) as Superman,
on the cover of Films Illustrated, December 1978
(Morelos Collection).


Personalities and celebrities born on December 19:
1839 – Jose Ma. Basa, propagandist and businessman – in Manila (d. July 10, 1907).
1890 – Nemesio L. Mendiola, pioneer in plant breeding – in Angono, Rizal (d. 1983).
1896 – Geronima Tomeldon Palisoc-Pecson, suffragette, educator, social worker, first woman senator of the Philippines, and first Filipino elected to the executive board of UNESCO – in Barrio Libsong, Lingayen, Pangasinan (d. July 31, 1989)
1936 – Remgio Amador Presas, martial arts master known as the “Father of Modern Arnis” – in Hinigaran, Negros Occidental (d. August 28, 2001).

1964 – Isabel Rivas (Real Name Marilou Yap Gumabao), actress and model – in Zambales.
Isabel Rivas
on the cover of Tik At Tik (May 13, 1983).

Si Regine Velasquez bilang Darna,
tampok sa taklob-pahina ng ika-1000 isyu
ng True Horoscope (Disyembre 19, 2003).
Larawang Tribiya
       Alam niyo ba na nagsuot din ng Darna Costume ang singer-actress na si Regine Velasquez? Ang una ay noong mag-guest appearance siya bilang Darna sa pelikulang Captain Barbell (2003) na pinagbidahan ni Ramon “Bong” Revilla. Nagsuot din siya ng Darna outfit sa kaniyang The Singer and the Songwriter concert tour (2004).
Isa pang karagdagan trivia: Sa simula ng GMA-7 television series na Darna (2005) ni Angel Locsin, boses ni Regine Velasquez ang ginagamit sa tuwing sisigaw ang karakter na si Narda ng “Darna.”
                     o     O     o











Thursday, May 31, 2012

May 31



MAY 31
Puro Wakas Taon 4 Blg. 171, Mayo 31, 1993
Tampok sa taklob-pahina ang guhit ni Arnold Reña Cruz batay sa kuwento ni Ed Rejaalde Tuboran na “Love Me Tindeng, Love Me Dear.”


Events that happened on May 31:
1889 – The article “La Verdad para Todos” (“The Truth for All”) written by Jose Rizal was published in La Solidaridad. This was Rizal’s first article for the newspaper.
1968 – The first FM radio station in the Philippines, DZFX-FM, went on the air for its first broadcast.

1951 – The first Darna movie, directed by Fernando Poe Sr and starring Rosa del Rosario, was shown courtesy of Royal Films.
Rosa del Rosario starred as Darna and Mila Nimpa played the role of her alter-ego, Narda,
in the first Darna movie.

Personalities and celebrities born on May 31:
1858 – Trinidad Tecson, revolutionary worker known as “Mother of Biak-na Bato” – in San Miguel de Mayumo, Bulacan (d. January 28, 1928)
1931 – Perfecto V. Fernandez, lawyer, professor and writer – in San Fabian, Pangasinan.
1969 – Robert “Ace” Smith Barbers, politician and lawmaker.


WIKApedia
An illustration of the new meaning of the
word “interactive” on the cover of Newsweek
May 31, 1993.

          Ano ang puwedeng katumbas ng salitang “interactive,” na may makabagong kahulugang patungkol sa kalakaran sa larangan ng computer at Internet, sa salitang Filipino?
          Ang salitang English na “act” ay may tuwirang pagsasalin sa Wikang Filipino na kilos, galaw o gawa. Samantalang ang “active” kung ililiwat ay maraming katumbas na kahulugan sa Wikang Filipino: Buhay (o may buhay), kumikilos, gising, gumagalaw, gumagawa, may bisa, may pakinabang, nakikipag-ugnayan, tumutukoy, umiiral, atbp. Ang prefix naman na “inter” ay maaaring iliwat bilang katumbas ng salitang “ugnay” o “sugpong” sa isang banda at “iba” o “palit” sa kabilang banda. Isa pang katumbas nito ay ang salitang “pagitan.” Sa Wikang English, ito ay ginagamit upang ipahiwatig ang “pag-uugnayan” o “pag-iiba ng dalawa o higit pang mga bagay, gawa o pangyayari. Ilang halimbawa ay interagency (ugnayan ng mga sangay), intercourse (ugnayan sa pagitan ng mga bagay o tao), interchange (pagpapalitan sa pagitan ng mga bagay), at intermediate (pangyayari sa pagitan ng dalawang bagay).
          Sa salitang “interactive” na nangangahulugan ng kakayahang “makipagpalitang ugnayan” sa pagitan, halimbawa, ng computer at ng taong gumagamit nito, magagamit ang pagsasanib-salita ng “palit” at “ugnay” – palit-ugnay. Kaya ang pinakamalapit na pagliliwat ng salitang “interactive” ay “makakapagpalit-ugnayan.” Sa pagbuboo ng mga salita, ang maaaring ipanukala rito ay “palitugnay.”
                                                          o     O     o




“Facebook (...and how it’s redefining privacy)”
on the cover of Time May 31, 2010 issue.
Larawang Tribiya
          Umabot ng 500 million ang mga active members ng Facebook noong July 21, 2010. Sa ngayon (May 31, 2012) ay halos isang billion na ang registered users ng Facebook.
          Ang pelikulang The Social Network (2010) ay patungkol sa pagkakatatag ng Facebook. Ang script ay sinulat ni Aaron Sorkin batay sa aklat na sinulat ni Ben Mezrich noong 2009. Ayon kay Mark Zuckerberg, na founder ng Facebook, ang pelikula ay hindi makatotohanan. Walang sinoman na taga-Facebook ang nakasali sa pagbuo ng konsepto ng pelikula, bagama’t si Eduardo Saverin, isa sa mga co-founders ng Facebook, ay naging consultant sa pagbuo ni Mezrich ng kaniyang aklat.
                                      o     O     o



Sunday, May 13, 2012

May 13



MAY 13
Pilipino Komiks Blg. 77, Mayo 13, 1950
Tampok sa taklob-pahina ang pabalat na dibuho ni Fred Carillo


UNANG LABAS
Noong May 13, 1950, muling binuhay ni Ravelo ang kaniyang superheroine na si Varga sa katauhan ni Darna. Unang lumabas si Darna sa Pilipino Komiks Blg. 77, kung saan ang una niyang naging kalaban ay si Valentina, ang Babaeng Ahas. Ang legendary Filipino illustrator na si Nestor Redondo ang gumuhit ng mga unang Darna.
Una namang naitampok sa taklob-pahina si Darna sa sumunod na isyu, Pilipino Komiks Blg. 78, Mayo 27, 1950, kung saan makikita ang orihinal na costume ng pinaka-paboritong superhero ng masang Filipino.
Ang unang labas ng “Darna” na katha ni Mars Ravelo sa Pilipino Komiks Blg. 77, Mayo 13, 1950.
Iginuhit ni Nestor Redondo.

Events that happened on May 13
1942 – The seat of Philippine Commonwealth government was transferred to Washington D.C. from the Japanese-occupied Manila.


Personalities and celebrities born on May 13:
1852 – Gliceria Villavicencio, revolutionary worker – in Taal, Batangas (d. September 28, 1929).
1957 – Mar Roxas (full name Manuel Araneta Roxas II), lawmaker and politician – in Quezon City
1980 – Mau Marcel (full name Maureen Flores Marcelo), Puerto Rican-Filipina R&B soul singer – Lucena City.



MUKHA NG TUWA AT LIGAYA
Assunta de Rossi and her stepchildren, Julio and Cristina Ledesma, by Congressman Jules Ledesma,
on the cover of Mr. & Ms. Mother’s Day issue, May 13, 2003.



Ang tayabok (jade vine), na katutubong
halaman sa Pilipinas,  sa taklob-pahina ng
People & Nature May-July 1993 issue
(Larawang kuha ni Dr. Domingo A. Madulid)
Larawang Tribiya
          Ang “tayabok” or “tayaboc” na kilala sa salitang English na jade vine (pangalang agham Strongylodon macrobotrys) ay matatagpuan sa mga primary forests ng Northern at Southern Luzon at sa Mindanao. Isang nakamamanghang katangian ng halamang ito ay ang kulay-jade (mapusyaw na luntian) at mala-tukang mga bulaklak nito na nakabiting nakapumpon. Ang tayabok, katulad ng maraming mga species ng iba pang mga natatanging halaman at hayop na sa Pilipinas lamang matatagpuan ay lubhang nanganganib ng mawala dahil sa walang habas pagsira ng mga kagubatan sa bansa.
                             o     O     o









Friday, January 27, 2012

January 27



January 27
Espesyal Komiks Blg. 383, Enero 27, 1969
Tampok sa taklob-pahina si Gina Pareño bilang Darna

UNANG LABAS
Ang unang labas ng Palos Komiks
(Enero 27, 1969)
Ang taklob-pahina ay iginuhit
ni Nestor Redondo
Ang Palos Komiks na nagtatampok sa bayaning likhang-isip ni Nestor Redondo na Palos ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Enero 24, 1969 tatlong araw na nauna sa nakatatak sa taklob-pahina (cover page) nito na Enero 27, 1969. Dito unang lumabas ang “Palos Fights Back” na sinulat ni Virgilio Redondo na iginuhit naman ni Nestor Redondo. Ang komiks na ito ay inilimbag ng Ares Publications Inc.
                                                 o     O     o
















January 27 in Philippine History:
1911 – Taal Volcano erupted devastating Volcano Island and killing 1,334 persons.
1946 – First session of the Philippine Congress after World War II.
1975 – Start of the first Nuclear Reactor Operators Training Course in the Philippines.
1987 – Colonel Rolando Abadilla led rebel soldiers in the takeover of GMA Channel 7. Simultaneously, another group headed by Colonel Bertuldo de la Cruz attacked Villamor Air Base. The two groups attempted to overthrow the Aquino government but surrendered three days later.


Pinoy personalities and celebrities born on January 27:
1867 – Juan Crisostomo Soto, journalist, poet, playwright and “Father of Pampango Literature” – in Sta. Inez, Bacolor, Pampanga. (d. July 12, 1918)
 
1961 – Dina Bonnevie (real name Geraldyn Schaer Bonnevie), actress – in Quezon City.
Dina Bonnevie
on the covers of FHM Philippines (December 2001), Good Housekeeping Philippines (November 2002),
and Health Today Philippines (September 2008).

1961 – Willie Revillame (full name Wilfredo Buendia Revillame), actor, singer and game show host – in Manila.
Willie Revillame
on the cover of Yes (January 2009).


Different kinds of corals on the cover of
AgriScope (January-February 1996).
Larawang Tribiya
          Ang isang pirasong dinamita na ginagamit sa mapanirang dynamite fishing ay kayang sumira ng halos 3,000 square meter ng bahura o coral reefs, na mangangailangan ng 50 taon bago ito muling tumubo sa dating katayuan.
                                                    o     O     o





Thursday, January 5, 2012

January 5

   
January 5
MOD Filipina Vol. 22 No. 957, January 5, 1990
On the cover: Shirley Guevarra Borja


Enero 5 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Unang lumabas sa sirkulasyon ang monthly magazine na Revista Augustiniana noong Enero 5, 1881.
                                                          o     O     o

           Ang Philippine Naval Patrol, na nauna ng tinawag na Off-shore Patrol, ay pinasinayaan bilang Philippine Navy noong Enero 5, 1951.
                                                          o     O     o


GLIMPSE FROM THE PAST
American silent-film actress and occult enthusiast May McAvoy (1899-1984)
on the cover of vintage Picture Show (January 4, 1924)
holding a crystal ball with a question “What will 1924 bring to you?

Pinoy personalities and celebrities born on January 5:
1855 – Telesforo Antonio Chuidian, businessman and member of the Malolos Congress. (d. April 11, 1903).
1981 – Kyla (real name Melanie Hernandez Calumpad), singer-songwriter and actress – in Tondo, Manila.

Kyla
on the cover of Bannawag (November 30, 2015)
 
 
PARADOKSIKO

          Ang paradoksiko o paradox ay isang paglalahad na maaaring totoo kung babasahin o iisipin sa unang tingin subalit kung susuriin ay kabalintunaan o kumokontra mismo sa katotohanang inilahad.
                                                         o     O     o

          Narito ang isang halimbawa ng paradoksiko: “Ang barbero sa isang nayon ay nagsabing siya ang umaahit sa lahat ng mga lalaki na hindi nag-aahit sa kaniyang sarili sa buong nayon.” Pag-aralang mabuti ang pangungusap. Sa unang tingin, walang mapapansing kakatwa, hanggang magkaroon ng katanungan: “Sino ang nag-aahit sa barbero?” Dito magsisimula ang kontradiksyon.
          Kung hindi nag-aahit sa sarili ang barbero, kabilang siya sa mga lalaki sa nayon na hindi nag-aahit sa sarili. Samakatuwid, siya ay inaahitan ng barbero, na walang iba kundi siya mismo. Datapuwa’t hindi nga niya inaahitan ang kaniyang sarili! Kung inaahitan naman niya ang kaniyang sarili, hindi siya nabibilang sa mga inaahitan ng barbero. Datapuwa’t siya nga ang barbero!
                                                         o     O     o

          Ang pinakamatandang tala tungkol sa paradoksiko ay ang kay Epimenides (c. 600 B.C.), philosopher-poet na taga-Creta, na nagsabi na “Ang lahat ng mga taga-Creta ay sinungaling.” Ito ay nangangahulugang ang lahat ng sabihin ng mga taga-Creta ay hindi totoo. Subalit si Epimenides ay taga-Creta rin. Samakatuwid ang sinabi niya ay hindi rin totoo. Dito umiikot ang walang hanggang kontradiksyon. Ito ang tinatawag na Pardox of Epimenides, na siyang naging pundasyon ng daigdig ng Paradoksiko.
                                                         o     O     o


Ang kathang-isip ni Mars Ravelo na
“Darna at ang Babaeng Lawin”
na iginuhit ni Nestor Redondo,
tampok sa taklob-pahina ng
Pilipino Komiks (Enero 5, 1952)
Larawang Tribiya
          Sa kasaysayan ng komiks, ang katha ni Mars Ravelo na Darna ang maituturing na pinaka-popular na superhero. May mga nagsasabing siya ay kinopya lamang kay Wonder Woman, subali’t sa katotohanan ito ay kabaliktaran. Bagama’t naunang nailimbag ang Wonder Woman ni William “Charles Moulton” Marston, ang konsepto ng “Suprema: Ang Kamangha-manghang Dilag” (1939) ni Ravelo na siyang pinagmulan ng Varga at Darna ang siyang nauna.
          Si Rosa del Rosario ang unang gumanap na Darna sa pinilakang-tabing. Dalawang pelikula ang kaniyang pinagbidahan: Darna (1951) at Darna at Ang Babaeng Lawin (1952). Ang unang makapangyarihang nilalang na nakalaban ni Darna ay si Valentina, na unang ginampanan sa pelikula ni Cristina Aragon. Ang ikalawa ay ang “babaeng lawin” na ginampanan naman ni Elvira Reyes.