Sunday, November 25, 2012

November 25


Mga komiks (comics) na lumabas sa buwan ng Nobyembre


NOVEMBER 25
CRAF Klasix Taon 1 Blg. 20 Nobyembre 25, 1964
Tampok sa taklob-pahina ang “Marko Bandido”
na isinulat nina Francisco V. Coching at Medy Tarnate na iginuhit ni Federico Javinal

Nobyembre 25 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Nobyembre 25, 1910, ang Insular Life Assurance Company, ang kauna-unahang Insurance company na pagmamay-ari ng Filipino, ay itinatag sa Echague, Quiapo, Manila, nina Antonio Ma. Barretto at Leon Mooser.
                                                          o     O     o

          Ang pagsusulit sa kauna-unahang National College Entrance Examination (NCEE) ay sinimulang ay ginanap noong Nobyembre 25, 1973. Ito ay naging isang napakainam na panunutunan ng pagbabatayan ng mga mag-aaral, at maging ng mga educational institution, sa pagkuha ng tamang academic courses. Dahil dito, tumaas ang kalidad ng mga nagtatapos sa mga kolehiyo at pamantasan. Datapuwa’t inalis ito sa pamamagitan ng Republic Act No. 7731 noong Hunyo 1, 1994.
                                                          o     O     o


MUKHA NG NAKARAAN
Ang taklob-pahina ng ika-10 anibersaryo ng Life Magazine (November 25, 1946),
sampung taon matapos bilhin ng Time Magazine founder na si Henry Luce
ang general interest publication na ito noong 1936.
Nagkaroon ito ng bagong anyo nang muli itong ilunsad noong November 23, 1936
(ang orihinal na Life ay itinatag noong January 4, 1883).
Ito ang pangatlong babasahing magazine na inilimbag ni Luce bukod sa Time at Fortune.


Personalities and celebrities born on November 25:
1868 – Moises Salvador, Mason, propagandist and martyr – in San Sebastoan, Manila (d. January 11, 1897).
Lilia Dizon (together with Teody Belarmino) for the film
Tininti del Barrio on the the cover of Ilang-Ilang Magazine
June 8, 1950 issue.














1928 – Lilia Dizon (real name Carolina Dizon Strauss), Filipino-American actress – in Pampanga.











1934 – Jose T. Almonte, military man and government official – in Albay.
Vince Hizon on the cover of Celebrity World Magazine
July 15, 1996 issue











1970 – Vince Hizon (full name Vicente Paul Bowie Hizon), Filipino-American basketball player, television host and product endorser – in Orange County, California.











Isang nakapanglulumonmg eksena matapos
ang pagputok ng bulkang Nevado del Ruiz
sa Colombia, tampok sa taklob-pahina ng
Time Magazine November 25, 1985 issue.

Larawang Tribiya
          Noong Nobyembre 13, 1985, pumutok ang bulkang Nevado del Ruiz sa Colombia. Bagama’t di gaanong kalakasan ang pagputok, natunaw ang yelo sa tuktok at paligid ng bulkan na lumikha ng pagragasa ng lahar na lumamon sa bayan ng Armero at kumitil ng humigit-kumulang 25,000 katao. Maraming namatay na tao dahil sa pagwawalang-bahala ng national at local government sa mga babalang ibinigay ng mga siyentista.
          Ang trahedyang naganap sa Armero, Tolima, Columbia, kung saan halos nabura ito sa mapa dahil sa pagragasa ng lahar na sanhi ng pagputok ng bulkang Nevado del Ruiz noong Nobyembre 13, 1985, ay nakatala bilang “second deadliest volcanic disaster in the 20th century.”
                             o     O     o

No comments:

Post a Comment