Thursday, November 8, 2012

November 8


November issues of different magazines
 
NOVEMBER 8
Entertainment Weekly Nobyembre 8, 1996
On the Cover: Mel Gibson and Rene Russo for the film Ransom


Nobyembre 8 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Nobyembre 8, 1936, ang bayan ng Iloilo (na kabisera ng lalawigan ng Iloilo) ay idineklarang isa ng lungsod sa pamamagitan ng Commonwealth Act 158.
                                                          o     O     o

          Ang Metro Manila Commission ay itinatag noong Nobyembre 8, 1975 sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 824 upang pangasiwaan ang pagpapaunlad sa mga pamayanan ng National Capital Region. Ang noon ay Unang Ginang Imelda R. Marcos ay nagsilbing una nitong pinuno.
                                                          o     O     o


MUKHA NG NAKARAAN
Ang Hollywood actress na si Carole Lombard,
tampok sa taklob-pahina ng vintage Screen Guide November 1937 issue.


Personalities and celebrities born on November 8:
1932 – Tony DeZuñiga, comics artist, illustrator and co-creator of Jonah Hex (with John Albano) – in Manila (d. May 11. 2012).

1969 – Gardo Versoza (real name Mennen Torres Polintan), actor and film producer – in Manila.
Lauren Young on the cover of Garage Girl Magazine
Spring 2011 issue (contributed by R. L. Q. Ramos).









1993 – Lauren Anne Young, American-Filipino actress and model – in Alexandria, Virginia, U.S.A.











Si Greta Garbo tampok sa taklob-pahina ng Life Magazine
November 8, 1937 issue.

Larawang Tribiya
          Ang Swedish Hollywood actress na si Greta Garbo (tunay na pangalan Greta Lovisa Gustafsson, 1905-1990) ay apat na beses nanominado sa Academy Awards  subalit hindi siya pinalad na magwagi kahit minsan. Nominado siya noong 1930 para sa dalawang pelikula, Anna Christie at Romance, subalit si Norma Shearer ang nagwagi (para sa pelikulang The Divorcee).
          Noong 1937, muli siyang nominado para sa Academy Best Actress Award para sa kaniyang pagganap sa pelikulang Camille. Si Louise Rainer naman ang nagwagi (para sa pelikulang The Good Earth). Ang huli niyang nominasyon ay noong 1939 para sa kaniyang pagganap sa Ninotchka, kung saan paborito siyang manalo, subalit bigo pa rin siya at si Vivien Leigh ang nagwagi (para sa Gone With the Wind). Noong 1954 binigyan siya ng “Honorary Academy Awards.
                             o      O     o












No comments:

Post a Comment