Monday, November 19, 2012

November 19

 
Mga komiks (comics) na lumabas sa buwan ng Nobyembre


NOVEMBER 19
Pilipino Komiks Taon 8 Blg. 221 Nobyembre 19, 1955
Tampok sa taklob-pahina ang kuwento ni Pablo S. Gomez na “Gilda”
na iginuhit ni Nestor Redondo.
 
Nobyembre 19 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Nobyembre 19, 1934, ang National Economic Protectionism Association (NEPA) ay itinatag ng mga makabayang mangangalakal na Filipino upang magkaroon ng isang samahang mangangalaga sa kapakanan ng mga produktong gawa sa Pilipinas laban sa mga produktong nanggagaling sa ibang bansa.
                                                          o     O     o




Personalities and celebrities born on November 19:
1850 –Isabelo Tampinco, wood carver and sculptor – in Binondo, Manila (d. January 30, 1933).
1859 – Isabelo Artacho, lawyer and revolutionary – in Vigal, Ilocos Sur (d. 1910).
1946 – Mon Tulfo (full name Ramon Teshiba Tulfo Jr), television host, broadcaster and journalist – in Davao City.
1962 – Diosdado “Dodie Boy” Peñalosa, world champion boxer – in San Carlos City, Negros Occidental.
1979 – Mark Anthony Caguioa, basketball player (PBA Rookie of the Year in 2001 and MVP in 2011-2012) known as “The Spark” – in San Juan, Metro Manila.



Si Nelson Rockefeller, sa kaniyang re-election sa
pagka-governor ng New York (iniisip ng mga
political expert na posible siyang makalaban ni
President John F. Kennedy sa 1964 election),
tampok sa taklob-pahina ng Newsweek Magazine
November 19, 1962 issue.
Larawang Tribiya
          Ang philanthropist, businessman, politician at naging pang-41 na pangalawang pangulo ng America na si Nelson Aldrich Rockefeller (1908-1979) ay nagkaroon ng dalawang lehitimong asawa. Ang una ay si Mary Todhunter Clark (na nakasama niya sa taklob-pahina ng Life Magazine November 17, 1958 issue) na kaniyang diniborsyo noong 1962, at si Margaretta Fitler Murphy.
          Sinasabing natigok umano si Rockefeller habang nakikipagtalik sa kaniyang katulong na si Megan Marshack sa kaniyang townhouse sa 54th Street, New York City. Noong 1979, tinanggal umano sa puwesto ni Mayor Edward Koch ang chief medical examiner na si Michael Baden matapos ilahad sa media ng Medical Examiner’s Office na namatay si Rockefeller habang nakikipagtalik kay Marshack.
                                      o     O     o










No comments:

Post a Comment