Monday, November 5, 2012

November 5


Mga komiks (comics) na lumabas sa buwan ng Nobyembre


NOVEMBER 5
Tagalog Klasiks Taon 1 Blg. 9, Nobyembre 5, 1949
Tampok sa taklob-pahina ang isa sa mga “Kuwento ni Lola Basyang (Severino Reyes)
na iginuhit ni Fred Carillo


Nobyembre 5 sa Kasaysayan ng Pilipinas
                    
          Noong Nobyembre 5, 1944, (sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig) tatlong sunud-sunod na pagsugod ng mga eroplanong pandigma ng mga Amerikano ang nagpalubog sa heavy cruiser ng mga Hapon, ang Nachi, na nakahimpil malapit sa baybayin ng look ng Manila.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on November 5:
1883 – Francisco Buencamino, composer, music teacher and musical director – in San Miguel de Mayumo, Bulacan (d. October 16, 1952).
1942 – Arturo F. Valenzona, basketball player and coach.
1958 – Ronald Corveau (full name Ronald Maquilan Corveau, actor – in Manila.
1964 – Gabby Concepcion (full name Gabriel Arellano Concepcion), actor, director and businessman – in San Juan, Metro Manila.
1986 – Diane Medina (full name Maria Patricia Dianne Perez Medina), actress – in Manila.
1988 – Enchong Dee (full name Ernest Lorenzo Velasquez Dee), swimmer, actor and model – in Naga City.
Enchong Dee on the covers of Health Today Philippines August 2010 issue
and Men’s Health Philippines April 2012 issue.


Ang Marvel superhero na si Captain America
(na ginampanan ni Chris Evans), tampok sa
taklob-pahina ng Entertainment Weekly
November 5, 2010.

Larawang Tribiya
          Alam niyo ba kung sinu-sino ang mga gumanap bilang Captain America sa pelikula? Ang fictional superhero na si Captain America ay nilikha nina Joe Simon at Jack Kirby. Una itong nabasa sa Captain America Comics #1 (March 1941).
          Sinasabing napapanahon ang pagkakalikha ng Captain America dahil sa World War II kung saan uminog ang mga unang kuwento ng karakter. Ang nakikita nating Captain America sa comics, animation at pelikula ngayon ay ibang-iba sa unang pelikula noong 1944 na Captain America.
          Ang papel na superhero na ito ay unang ginampanan ni Dick Purcell kung saan ang alter-ego ni Captain America rito ay ang District Attorney na si Grant Gardner sa halip na si Steve Rogers na alam ng karamihan. Wala siya ritong kalasag at baril ang ginagamit sa pakikipaglaban.
          Sumunod na gumanap na Captain America (at ang alter-ego na si Steve Rogers) ay si Reb Brown. Ito ay sa 1979 TV series at TV movie na Captain America at Captain America II: Death Too Soon. Si Matt Salinger naman ang gumanap sa naturang papel sa 1990 pelikulang Captain America.
          Sa mga pelikulang Captain America: The First Avenger (2011) at The Avengers (2012), ang papel ay ginampanan ni Chris Evans.
                                                          o     O     o







No comments:

Post a Comment