Wednesday, September 19, 2012

September 19


Mga komiks (comics) na lumabas sa buwan ng Setyembre


SEPTEMBER 19
Kick Fighter Action Komiks Taon 2 Blg. 86
Tampok sa taklob-pahina ang Biotrog na likhang-isip ni Jojo Ende Jr na iginuhit ni Gilbert Monsanto
(Ang scan ay padala ng isang nagpakilalang Robert Ryan Reyes)

MUKHA NG NAKARAAN
Ang “Torkwata” na likhang-isip ni Carlos Gonda (Pablo S. Gomez) at iginuhit ni Nestor Redondo,
tampok sa taklob-pahina ng Hiwaga Komiks Blg. 156 na may petsang Setyembre 19, 1956.
(Mula sa Atlas Publishing archive)


Setyembre 19 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 19, 1987, ang founder at Secretary-General ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na si Lean Alejandro ay pinaslang sa harapan ng BAYAN headquarters sa Quezon City. Dalawang araw bago ang pamamaslang, nagpahayag si Alejandro ng pambansang malawakang demonstrasyon laban sa pasismong lumilitaw di-umano sa rehimeng Cory Aquino
                                                          o     O     o

          Nagwagi ng gintong medalya ang bowler na si Arianne Cerdeña noong Setyembre 19, 1988, sa demonstration sport na bowling sa 24th Summer Olympics sa Seoul, South Korea.
                                                          o     O     o

Si Cris Valdez habang tumatanggap ng International Peace Prize Award mula kay Nobel laureate Desmond Tutu (ang larawan ay mula sa Yahoo News-AFP).
          Ika-19 ng Setyembre, ginawaran ang 13-anyos na si Cris “Kesz” Valdez ng 2012 International Peace Prize Award sa Hague, Netherlands, dahil sa kaniyang mga gawain na pagtulong sa mga kagaya niyang batang lansangan. Ang 1984 Nobel Peace Prize laureate na si Desmond Mpilo Tutu (South Africa) ang nag-abot ng award kay Valdez. Kalakip ng gawad karangalan, pinagkalooban din si Valdez ng 100,000 Euros (katumbas ng humigit-kumulang 130,000 dollars).
                                                          o     O     o

Personalities and celebrities born on September 19:
1829 – Joaquin Pardo de Tavera, lawyer, professor and member of Consejo de Administracion de Ayuntamiento de Manila – in Manila (d. March 19, 1884).
1910 – Arturo M. Tolentino, statesman, constitutionalist, lawmaker, Vice-President and “Father of the Philippine Archipelagic Doctrine,” in Manila (d. August 2, 2004).
1934 – Peping Cojuangco (full name Jose Sumulong Conjuangco Jr), politician and government official – in Manila.


Ang “Inspirasiyon” ni Mars Ravelo
Ang nobelang-komiks ni Mars Ravelo na
“Inspirasiyon,” tampok sa taklob-pahina ng
Tagalog Klasiks Blg. 110 na may petsang
Setyembre 19, 1953. (Mula sa Atlas Publishing
archive)
          Ang nobelang-komiks na “Inspirasiyon” ni Mars Ravelo ay iginuhit ni Jesse F. Santos para sa mga pahina ng Tagalog Klasiks (1953). Ito ay isinapelikula ng Sampaguita Pictures noon ding 1953 sa ilalim ng direksiyon ni Armando Garces. Tampok sa pelikula ang mga bituing sina Carmen Rosales, Norma Vales, Van de Leon at Katy de la Cruz.
                               o     O     o

















Si Kylie Minogue sa taklob-pahina ng More
Magazine September 19 – October 2, 2001
issue.

Larawang Tribiya
          Ang kilalang Australian singer na si Kylie Minogue ay nagsimula bilang isang child actress sa Australian television soap opera na Neighbours. Bilang singer, ang kaniyang unang awit na “Locomotion” ay naging “highest-selling single of the decade.”
          Sa pagtatapos ng Sydney Olympics noong 2000, inawit ni Minogue ang “Dancing Queen” ng ABBA at ang kaniyang single na “On a Night Like This.”
          Noong 2001, inilabas ni Minogue ang kaniyang ikawalong album na “Fever.” Pumaimbulog ito sa Number One sa Australia, United Kingdom at sa maraming bansa sa Europe. Umabot ito sa pangatlong puwesto sa U.S. Billboard 200. Ang lead single ng album na “Can’t Get You Out of My Head” ay naging Number One sa mahigit 40 bansa at bumenta ng mahigit limang milyong kopya. Umabot naman ito sa pang-pitong puwesto sa U.S. Hot 100 chart.
                                                               o     O     o  

No comments:

Post a Comment