Thursday, August 2, 2012

August 2


August issues of different magazines

AUGUST 2
August 02 (1991):  MOD Filipina Magazine Vol. XXIII No. 1039
On the Cover: Patricia Heslet

Agosto 2 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Ang Monte de Piedad ay itinatag ng paring Franciscan na si Felix Huertas noong Agosto 2, 1882.
                                                          o     O     o

          Isang malakas na lindol (7.3-Magnitude), na ang epicenter ay sa Casiguran, Quezon, ang tumama sa Luzon 4:19 ng madaling-araw. Ito ay nasundan ng malakas na aftershock (5.9-Magnitude). Ang Ruby Tower sa Manila ay bumagsak dahil umano sa palpak na disenyo at sub-standard na materyales. Humigit-kumulang 270 ang namatay ay halos 300 ang nasugatan.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on August 2:
1799 – Mariano Guard Gomez, secular priest, martyr (Gomburza) – in Sta. Cruz, Manila (d. February 17, 1872).
1888 – AngelArguelles, first Filipino direcyor of the Bureau of Science (later known as the National Institute of Science and Technology) – in Batangas, Batangas (d. July 10, 1952).
1923 – Pedro Escuro, agronomist and geneticist.
1974 – Ron Josol (full name Ronald Allan Josol), Filipino-Canadian stand-up comedian – in Toronto, Ontario, Canada.

1980 – Dingdong Dantes (real name Jose Sixto Raphael Gonzalez Dantes III), actor and model – in Quezon City.

Dingdong Dantes on the cover of Men’s Health
Magazine December 2009 issue.
 

Larawang Tribiya 
Rumanian gymnast Nadia Comaneci on the covers of Sports Illustrated
and Time Magazine, both August 2, 1976 issues.
           Sa edad na 14-anyos, ang Rumanian gymnast na si Nadia Comaneci ang kauna-unahan sa kasaysayan na nakapagtala ng “perfect 10” sa Olympic gymnastics. Una niya itong nakuha noong July 18, 1976 sa uneven bars event ng team competition sa Montreal Olympics. Alam niyo ba na ang gymnastics scoreboard na ginawa para sa naturang Olympics ay walang kakayahang maglabas ng perfect score na 10.000. Haggang 9.999 lamang ang kaya nitong ilabas. Ito ay dahil sa simula pa lamang ay sinabi ng mga Olympic organizers na “impossible” ang perfect 10 score. Sa competition, ang lumabas na score para kay Comaneci ay 1.000. Sa simula ay nalito ang mga manunood, subalit nang malaman nila na si Comaneci ay nabigyan ng perfect score, sumabog ang napakalakas na palakpakan. Anim pang perfect score ang nakuha niya ng mga sumunod na events.
          Si Comaneci rin ang pinakabatang Olympic gymnast all-around champion. Hindi na mabubura ang record na ito dahil sa kasalukuyang panuntunan sa Olympics gymnastics, kinakailangang 16-anyos na ang mga kalahok bago payagang makasali.
                                      o     O     o

1 comment: