Sunday, September 16, 2012

September 16


September issues of different magazines

SEPTEMBER 16
September 16 (1996): Celebrity World Magazine Vol. 5 No. 262
On the Cover: Video Jockey Trey Fairley and Sophiya Haque

MUKHA NG NAKARAAN
Si Marilyn Monroe tampok sa vintage Suppressed Magazine September 1954 issue.
(Ang scan ay padala ng nagpakilalang Robert Kalingasan Judd)


Setyembre 16 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 16, 1807, sinimulan ni Pedro Mateo Abaristo and Basi Revolt sa Piddig, Ilocos Norte. Ang paghihimagsik na ito ay tumagal lamang ng 12 araw.
                                                          o     O     o          

          Sa botong 12 laban sa 11, ibinasura ng Senado ng Pilipinas noong Setyembre 16, 1991, ang “Treaty of Friendship, Cooperation and Security” na magpapalawig sana ng pananatili ng mga base militar ng mga Amerikano sa Clark (Pampanga) at Subic (Zambales). Nauna rito, napilitang lumayas ang mga sundalong Amerikano sa dalawang kampo nang grabe itong salantain ng pagputok ng Mount Pinatubo, nagsimula noong Hunyo 12, 1991.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on September 16:
1967 – Yayo Aguila (full name Maria Rosario Aguila), actress.
1969 – Jano Gibbs (full name Janno Ronaldo Gibbs), singer-songwriter, actor and comedian – in Manila.
1980 – Kitchie Nadal (full name Anna Katrina Dumilon Nadal), lead vocalist (Mojofly), singer and songwriter – in Manila.


Sex Education at Teenage Pregnancy
Ayon sa cover info ng Plain Truth Magazine
September 1986 issue, ang nasa taklob-pahina
ay isang 13-anyos na modelo na nagsasalarawan
ng isang pinaka-nakababahalang suliranin, ang
teenage pregnancy.
          Ang Sex Education ay isang malawak ng termino na tumutukoy sa pag-aaral sa human sexual anatomy, sexual reproduction, sexual intercourse, reproductive health, emotional relationship, abstinence at contraception, reproductive rights at responsibilities, at iba pang aspetong may kinalaman sa human sexuality at sexual behavior. Ayon sa global statistics, ang mga bansang walang totoo at komprehensibong Sex Education ay may higit na kaso at insidente ng panggagahasa, sexually-transmitted diseases, teenage pregnancy at abortion.
          Nakakabahala ang pagtaas ng porsyento ng teenage pregnancy dito sa Pilipinas sa mga nakaraang taon. Subalit alam niyo ba na sa America ang isang 13-taong gulang na babae ay kinakailangang papirmahin muna ang mga magulang sa isang sulat-pahintulot bago makasama sa isang school field trip. At kung pabubutasan niya ang kaniyang tainga para mahikawan ay kailangan din ang permiso ng mga magulang. Subalit sa ganitong edad ay malaya nilang nagagawang makipag-sex, at kung ang isang 13-anyos na dalagita ay nais magpa-abortion (magpalaglag ng sanggol) dahil sa di-inaasahang bunga ng kaniyang early teen promiscuities, magagawa niya ito ng hindi man lamang nalalaman ng kaniyang mga magulang. Ito ang tinatawag ng mga kritiko sa U.S. na “foolishness of American society” (kaululan ng lipunang Amerikano).
                             o     O     o


Si Sophia Loren tampok sa taklob-pahina ngLife Magazine
September 16, 1966 issue.
 Larawang Tribiya
          Si Sophia Loren ay 15-anyos lamang nang makilala niya si Carlo Ponti (1912-2007) na noon ay 37-anyos. Matapos ang walong taon, nagpakasal sila noong Setyembre 17, 1957. Ito ay bagama’t kasal pa si Ponti sa kaniyang unang asawang si Giuliana Fiastri. Nang mga panahong yaon ay wala pang diborsiyo sa Italy. Kinailangan nina Ponti at Loren na ipawalang-bisa ang kanilang kasal noong 1962 upang hindi sila makasuhan ng bigamiya. Noong 1965, nakakuha ng diborsiyo kay Fiastri si Ponti sa France, at noong April 9, 1966, ikinasal muli si Ponti at Loren at naging mga French citizens.
          Masasabing isang naiibang kuwento ng pag-ibigan ang pinagdaanan nina Ponti at Loren. Kapuwa nila binaliwala ang kanilang citizenship at ang agwat ng kanilang edad sa ngalan ng pag-ibig. Nagmahalan sila sa hirap at ginhawa sa loob ng mahigit 57 taon hanggang sa pagyao ni Ponti noong 2007. Nang tanungin si Loren kung siya ay muli pang mag-aasawa. Sumagot siya: “No, never again. It would be impossible to love anyone else” (“Hindi, hindi kailanman. Hindi mangyayaring magmahal ako ng iba.”).
                                                               o     O     o





No comments:

Post a Comment