Sunday, December 2, 2012

December 2


  
DECEMBER 2
MOD Vol. 37 No. 1780, December 2, 2005
On the Cover: Kristine Hermosa
 
UNANG LABAS
Ang pahayagang tabloid na Bulgar (Boses ng Masa, Mata ng Bayan) ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Disyembre 2, 1991.


Disyembre 2 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Disyembre 2, 1899, ang mga sundalong Filipino, humigit-kumulang 60 ang bilang, na pinamumunuan ni Heneral Gregorio del Pilar, ay magiting na nakipaglaban sa mahigit 300 kawal-Amerikano sa pamumuno ni Major Peyton March, sa Pasong Tirad, Cervantes, Ilocos Sur. Kung hindi sa tulong ng isang mamamatnubay na katutubo, hindi matatagpuan ang isang lihim na lagusan patungo sa kinaruroonan ng mga sundalong Filipino na naging dahilang ng kanilang pagkalupig. Nasawing lumalaban si Heneral Del Pilar, ang bayani ng tinaguriang “Battle of Tirad Pass.”
                                                          o     O     o

          Ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI) ay itinatag bilang isang partido politikal sa pakikipagkolaborasyon sa Japaneses military authority sa Manila noong Disyembre 2, 1942. Si Jorge Vargas ang pangulo ng partido samantalang si Benigno S. Aquino Sr naman ang director-general. Ang partidong ito ang pumili kay Jose P. Laurel upang maging pangulo ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Hapon.
                                                          o     O     o


GLIMPSE FROM THE PAST
The 18-year-old Sue Lyon (around four years after she made the film Lolita),
on the cover of Gent (December 1964).
Lyon was around 15 years old when the film was shown in theaters in 1962.
For her portrayal, she won the Golden Globe Award for Most Promising Newcomer – Female.
When Lyon tried to see the movie, she was not allowed to enter the theater because she was a minor.



Personalities and celebrities born on December 2:
1930 – Jesus T. Tanchanco, marketing expert, businessman, lawmaker, and Minister of Food – in Bulacan (d. April 14, 2014).
Jesus Tanchanco
on the cover of Weekend, April 22, 1984
 1945 – Lualhati Torres Bautista, award-winning novelist and screenwriter – in Tondo, Manila.
1946 – Karl Taneca Comendador, komiks artist and illustrator - in Binondo, Manila.
1975 – Ramon “Dale” Singson, basketball player – in Cebu City.


Ang “Anak ni Zuma”
Ang nobelang-komiks na “Anak ni Zuma”
ni Jim Fernandez na iginuhit ni Ben Maniclang,
tampok sa taklob-pahina ng Aliwan Komiks
(Disyembre 2, 1976).
          Isa sa pinakamahabang serye sa komiks ang “Anak ni Zuma” na tumagal ng humigit-kumulang walong taon. Ito ay likha ni Jim Fernandez at iginuhit ni Ben Maniclang para sa Aliwan Komiks (1976-1984). Ang kuwento ay pagpapatuloy ng naunang serye ni Fernandez na Zuma. Ang mga pangunahing karakter sa kuwentong ito bukod sa taong-ahas na si Zuma ay ang mga anak niya. Si Galema, ang babaeng anak ni Zuma na mayroon ding nakakabit na ahas sa magkabilang panig ng kaniyang leeg. May mabuting kalooban si Galema na taliwas sa kaniyang ama. Ito ay dahil may dugong tao siya, lumaki sa piling ng mga nag-ampon sa kaniyang sina Philip at Isabel, at nagmahal at nagkaasawa, si Morgan. Si Dino, ang lalaking anak ni Zuma na may katawang tao at ulo ng isang malaking ahas. Bukod dito, may isa pang kakambal si Galema, ang puting ahas na sa maraming pagkakataon ay katulong niya.
          Isina-pelikula ang Anak ni Zuma (1987) ng Cine Suerte Inc. bilang sequel ng naunang pelikulang Zuma na ginampanan ni Max Laurel sa ilalim ng direksyon ni Ben S. Yalung. Si Jenny Lyn ang gumanap bilang Galema at si Sonny Erang bilang Dino. Si Laurel pa rin ang gumanap bilang Zuma. Ang iba pang  kasama sa pelikula ay sina Rey PJ Abellana (bilang Morgan), Mark Gil (bilang Philip) at Dang Cecilio (bilang Isabel).
                                                          o     O     o

 

Jennifer Aniston on the cover of
TV Star (Your Cable Guide)
3rd Anniversary Issue Special
(December 2002).
Picture Trivia
          Who would not know the Hollywood celebrity Jennifer Aniston? Especially when you mentioned the TV series Friends and the films Bruce Almighty (2003) and Break-Up (2006). Do you know that she was also acclaimed for her portrayals in indie films? Among these are She’s the One (1996), Office Space (1999), The Good Girl (2002) and Friends with Money (2006).

                             o     O     o




No comments:

Post a Comment