DECEMBER 7
Beloved komiks Blg. 456, Disyembre 7, 1997
Tampok sa taklob-pahina ang “Ediser Monette” ni R. Abiera M. Capistrano
na iginuhit ni Mario E. Manuel |
Disyembre 7 sa Kasaysayan ng Pilipinas
Noong Disyembre 7, 1933, ang Woman Suffrage Bill, na nagbibigay karapatan sa mga kababaihang Filipino na bumoto, ay nilagdaan ng American Governor-General na si Frank Murphy.
o O o
Isang nagngangalang Carlito Lamailig ang nagtangkang paslangin ang Unang Ginang Imelda R. Marcos noong Disyemdra 7, 1972. Nasugatan ang Unang Ginang at napatay ng mga tauhan ng security force si Lamailig.
o O o
MUKHA NG NAKARAAN
Tampok sa taklob-pahina ng Kenkoy Pocket Size Komiks Blg. 26 (Disyembre 7, 1959)
ang kuwentong “Markado” na iginuhit ni Antonio Ocampo |
Personalities and celebrities born on December 7:
1830 – Ambrosio Rianzares Bautista, lawyer, propagandist, revolutionary leader and author of the Philippine Declaration of Independence in Kawit, Cavite, in June 12, 1898 – in Biñan, Laguna (d. December 4, 1903).
1922 – Armando Goyena (real name Jose G. Revilla Jr), actor and matinee idol – in Manila. (d. March 9, 2011)
1979 – Derek Arthur Ramsay, British-Filipino actor, model, television host and frisbee player – in England.
Derek Ramsay on the covers of Men’s Health (October 2011) and People Asia (April-May 2012). |
1981 – Sonny Thoss (full name Joachim Gunther Thoss), German-Filipino basketball player – in Papua New Guinea.
1994 – Myrtle Abigail Porlucas Sarrosa, cosplayer and actress – in Barrotac Nuevo, Iloilo.
Ang Ating Planetang Earth
Ang Earth ang pang-limang pinakamalaking planeta sa Solar System na may equatorial diameter na 12,756.41 kilometers, polar diameter na 12,713.44 kilometers, volume na mahigit 1,082,513,038,500 cubic kilometers, at bigat na 6.5854 sextillion tons. Ito ay pumapaimbulog sa palibot ng Araw sa bilis na 107,825 kilometers per hour. Ang total surface area ng mundo ay humigit-kumulang 509,847,500 square kilometers kung saan mahigit 75.24 porsyento ay natatakpan ng tubig.
Ang gravity ng ating mundo ay humahawak sa mahigit 5.7 quadrillion tons ng Earth’s atmosphere sa kinalalagyan nito. Ito ang dahilan kung bakit hindi ito sumasambulat sa kalawakan. at ang daigdig ay nagkakaroon at nakapagpapanatili ng normal atmospheric pressure na 14.7 pound per square inch – at sea level – sa buong daigdig.
Kung maisisiksik mo ang buong kasaysayan ng buhay sa daigdig sa loob ng 24 oras – isang araw – ang mga tao ay hindi lilitaw hanggang sa kulang ng isang minuto bago maghatinggabi. Ang pagtala ng kasaysayan ng tao ay halos nasa 0.27 bahagi ng isang segundo bago ang ika-24 na oras!
o O o
Ang likhang-isip ni
Mars Ravelo na Pinoy superhero na si “Lastikman” na iginuhit ni Vir Aguirre, tampok sa taklob-pahina ng Aliwan Komiks (Disyembre 7, 1964). |
Alam niyo ba na ang pangalan ng unang dalawang gumanap na Lastikman ay parehong may initial V.S.? Ito ay sina Von Serna (noong 1964) at Vic Sotto (noong 2003).
o O o
No comments:
Post a Comment