DECEMBER 14
Mr. & Ms. Vol. 23 No. 32, December 14, 1999
On the Cover: Joyce Jimenez
|
Disyembre 14 sa Kasaysayan ng Pilipinas
Noong Disyembre 14, 1762, sinimulan ng bayaning Ilokanong si Diego Silang ang paghihimagsik laban sa mga kalupitan at pagmamalabis ng pamahalaang koloniyal ng mga Kastila at ng mga paring Katoliko sa Ilocos. Matagumpay niyang naitaboy palabas ng Ilocos Sur sina Governor Antonio Zabala at Bishop Bernardo Ustariz. Naging matagumpay sana ang paghihimagsik kung hindi siya pataksil na pinaslang ng isang nagkunwang kaibigan, si Miguel Vicos. Ang mestisong taksil na ito, sa utos ng obispong si Uztariz ay patalikod na binaril at napatay si Silang noong Mayo 28, 1763. Matapos ito, ipinagpatuloy ng kaniyang kabiyak na si Gabriela Silang ang paghihimagsik.
o O o
Ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ay binuo kaalinsabay ng 1974 Labor Code noong Disyembre 14, 1975. Ang pagpupulong ng 23 federations ng mga manggagawa upang mabuo ang samahan ay pinamunuan ni Roberto Oca Sr.
o O o
Pinagtibay ng Senado ng Pilipinas ang General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) noong Disyembre 14, 1994 sa botong 18 laban sa anim. Ang GATT ang sinasabing naging dahilang ng economic dislocation ng mga magsasaka at manggagawa sa Pilipinas. Ang mga magiting na senador na bumoto ng laban sa GATT ay sina Arturo Tolentino (KBL), Ernesto Maceda at Anna Dominique Coseteng (NPC), Wigberto Tañada (LP) and Vicento Sotto II (Laban).
Personalities and celebrities born on December 14:
1863 – Arsenio Cruz Herrera, lawyer, member of the Malolos Congess ang first mayor of Manila – in Tondo, Manila (d. April 8, 1917).
1869 – Jose Maria Asuncion, painter, journalist and sceretary of the Sociedad Internacional de Artistas – in Sta. Cruz, Manila (d. May 2, 1925).
1915 – Magnolia Welborn-Antonino (birth name Magnolia Rodriguez Welborn), senator – in Balaoan, La Union (d. July 22, 2010).
1921 – Arsenio H. Laurel, lawyer and race car driver – in Tanauan, Batangas (d. November 19, 1967).
1941 – Antonio “Tony” Santos Jr, actor and director – in Manila.
1954 – Marianne de la Riva, actress – in Camarines Norte.
1971 – Jun Limpot (full name Zanro P. Limpot Jr), professional basketball player – in Surigao del Sur.
1986 – Mark Herras (full name Mark Angelo Santos Herras), actor and dancer – in Santa Rosa City, Laguna.
1988 – Vanessa Hudgens (full name Vanessa Anne Guangco Hudgens), American-Filipino actress and singer – in Salinas, California.
Vanessa Hudgens
Allure (October 2009), and Shape (April 2011). |
1994 – Joshua Dionisio (full name Ralph Joshua dela Cruz Dionisio), actor – in Bandung, West Java, Indonesia.
Isang pagsasalarawan
kay Moses na itinampok sa taklob-pahina ng Time (December 14, 1998). |
Ayon sa Biblia, si Moses ay anak nina Amram at Jochebed na mula sa lipi ni Levi. Ang pangalan ng kaniyang lolo sa panig ng kaniyang ama ay Kohath. Upang iligtas siya mula sa utos ng paraon (pharaoh) ng Egypt na patayin ang lahat na sanggol na lalaki na ipapanganak ng mga Israelita, ipinaanod siya sa isang takbang sa ilog. Ang pangalang “Moses” ay ibinigay ng anak na babae ng paraon na “sumagip” at “nag-ahon” sa kaniya mula sa takbang na nakita niyang lumulutang malapit sa kaniyang pinagliliguan. Ang ibig sabihin ng “Moses” ay “sinagip” o “iniahon (mula sa tubig).”
Si Moses hawak ang
10 Utos ng DIYOS (“The Israelites’ First Great General”) tampok sa taklob-pahina ng Military Chronicles (December 2010) |
No comments:
Post a Comment