DECEMBER 17
Prime Weekly Edition Vol. 2 No.44, December 17, 1987
On the Covers: Aurora Reyes Sta. Ana
|
Disyembre 17 sa Kasaysayan ng Pilipinas
Noong Disyembre 17, 1976, Ang National Academy of Science and Technology (NAST) ay itinatag sa pamamagitan ng Presidential Decree Nos. 1003 at 1003-A upang mabigyang pagkilala ang mga mahalaga at katangi-tanging gawa at tagumpay sa larangan ng agham at teknolohiya. Ang NAST ay inaatasang magbigay ng pinakamataas na gawad-parangal bilang “National Scientist” sa mga karapat-dapat na Filipinong siyentista.
o O o
SULYAP SA NAKARAAN
Isang ilustrasyon ni Danny Tolentino na “May Diwa ang Pag-ibig sa Likod ng Pasko”
para sa Rex Komiks (Disyembre 17, 1979). |
Personalities and celebrities born on December 17:
1856 – Graciano Lopez Jaena, propagandist, orator and first editor of La Solidaridad – in Jaro, Iloilo (d. January 20, 1896).
1954 – Toto Mayo (full name Manolito Tolentino Mayo), cubism artist and sculptor – in in Lipa City, Batangas (d. May 4, 1983).
1969 – Michael V. (real name Beethoven del Valle Bunagan), actor-comedian, singer, composer, director and parodist – in Lamboon, Irosin, Sorsogon.
1976 – Ethel Booba (real name Ethel Gabison), actress-Comedienne and singer – in General Santos City.
Ethel Booba
(together with Paolo Bediones) on the cover of Mr. & Ms. (December 28, 2004). |
1978 – Manny “Pacman” Pacquiao (full name Emmanuel Dapidran Pacquiao), eight-division world boxing champion and Sarangani congressman, in Kibawe, Bukidnon.
Manny Pacquiao
on the covers of Time Asia Edition (November 14, 2009) and Newsweek (November 7, 2011) |
1987 – Sassa Jimenez, fashion designer – in Manila.
MANNY “PACMAN” PACQUIAO:
Mga Kaalaman Tungkol sa Pambansang Kamao
Nagtapos si Pacquiao ng Elemetarya sa Saavedra Saway Elementary School sa General Santos City, pero huminto siya sa pag-aaral ng high school dahil sa lubhang kahirapan. Noong 2007, pinagkalooban siya ng high school diploma ng Department of Education matapos niyang ipinasa ang High School Equivalency Exam.
o O o
Sa edad na 14 anyos, si Pacquiao ay lumuwas ng Maynila at nagsimulang mag-boxing sa amateur. Nagsimula naman ang professional career niya sa edad na 16 anyos. Siya ay tumitimbang lamang noon ng 104-106 pounds.
o O o
Alam niyo ba kung sa anong weight division nagsimula ang professional career ni Manny Pacquiao? Ito ay sa Light Flyweight Division noong mid-1990s, sa timbang na 106 pounds. Mula sa timbang na Light Flyweight umakyat na ng mahigit 40 pounds ang timbang ni Pacquiao na huling napagwagian ang titulo sa Super Welterweight (o Light Middleweight) Division sa catch weight na 150 pounds noong Nobyembre 13, 2010.
o O o
Ang una niyang nakalaban bilang isang professional boxer (January 22, 1995) ay si Edmund “Enting” Ignacio, na kaniyang tinalo sa pamamagitan ng unanimous decision.
o O o
Ang unang pagkatalo ay tinamo naman ni Pacquiao sa isang kapuwa Filipino – si Rustico Torrecampo – nang siya ay mapatumba nito sa ikatlong round noong Pebrero 9, 1996. Si Torrecampo rin ang masasabing tanging boksingero, maliban kay Juan Manuel Marquez, na naka-knockout kay Pacquiao.
o O o
Sa Flyweight Division ng WBC nakuha ni Pacquiao ang kaniyang unang world boxing title, nang pabagsakin niya si Chatchai Sasakul sa ikawalong round noong Disyembre 4, 1998. Buhat noon, napagwagian na niya ang titulo sa walong weight division, isang kaganapang hindi na marahil mabubura sa kasaysayan ng boxing. Si Bob Arum ay nagwika na si Pacquiao ay “the greatest boxer that ever lived.”
o O o
Binansagan siyang “Pacman” dahil sa isa-isa niyang tinatatalo at “inuubos” (katulad ng video game na Pacman) ang mga pinakamagagaling na boksingero ng kaniyang henerasyon kabilang sina Marco Antonio Barrera, Erik Morales, Hector Velasquez, Juan Manuel Marquez, David Diaz, Oscar de la Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto, Joshua Clottey, Antonio Margarito at Suga Shane Mosley.
o O o
Ang boong pangalan ng kaniyang asawang si Jinkee ay Maria Geraldine Jamora Pacquiao. Naka-tattoo sa pagitan ng kaliwang balikat at siko ni Manny Pacquiao ang pangalan ni Jinkee at ng apat na anak nila: Jimuel, Michael, Princess at Queenie. Sa kaliwang braso naman niya, kung saan nanggagaling ang pang-knoutout niyang left hook, ay naka-tattoo ang isang bumubulusok na bulalakaw.
o O o
Si Pacquiao ang kauna-unahang Filipino athlete na itinampok sa postage stamp ng Pilipinas
o O o
Unang lumabas si Pacquiao sa pelikulang Di Ko kayang Tanggapin Dong (2000). Nagbida siya sa kauna-unahang pagkakataon sa pelikulang Lisensyadong Kamao noong December 2005.
o O o
Noong Mayo 13, 2010, si Pacquiao ay pormal na naitalaga bilang Congressman ng distrito ng Sarangani, at noon namang Mayo 19, 2017, siya ay naihalal bilang isang Senador. Pumang-pito siya sa dami ng nakuhang boto.
Paris Hilton, Jinkee
& Manny Pacquiao (Clippings taken from Philippine Daily Inquirer, August 18, 2011) |
o O o
o O o
No comments:
Post a Comment