Monday, December 3, 2012

December 3



DECEMBER 3
Super Heroes 5-Star Comix Taon 1 No. 20, Disyembre 3, 1993
Tampok sa taklob-pahina ang “Jurassic Terminators” nina Primus Inter Paras at Lan Medina


UNANG LABAS
Ang unang isyu ng Pioneer Komiks
tampok ang nakatutuwang kuwento at karakter
na si “Goro (Ang Kapereng Mahiyain)” na nilikha
nina Mars Ravelo at Rex Guerrero.
Ang Pioneer Komiks ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Disyembre 3, 1962. Ito ang pangalwang komiks, sumunod sa Kislap Komiks, na inilimbag ng Graphic Arts Service Incorporated sa ilalim ng pamamatnugot ni Ramon Marcelino.

















Disyembre 3 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Disyembre 3, 1621, nagsimula ang himagsikan sa lalawigan ng Bohol na pinamumunuan ng babaylang tinatawag sa pangalang Tamblot, laban sa pagmamalabis ng mga paring Jesuit. Nang mabigo ang mga misyonaryong Kastila na himukin ang mga katutubo sa Bohol na magpabinyag sa ilalim ng Katolisismo, ginamitan nila ang mga katutubo ng dahas at pagmamalabis. Dito hinamon sila ni Tamblot na patunayan ang lakas ng pananampalataya ng mga dayuhan. Nagbigay ng dalawang hamon si Tamblot sa mga paring Jesuit. Una ay magpalabas ng sinaing at alak sa isang piraso ng kawayan at ang ikalawa ay magpaulan sa katanghaliang-tapat. Nagawang gawin ni Tamblot ang mga ito samantalang nabigo naman ang mga pari. Pinagbintangan si Tamblot na gumagamit ng panlilinlang sa unang pagsubok, samantalang sa ikalawa ay kampon daw siya ng demonyo. Dalawang ulit na sinalakay ng mga Kastila kasama ang mga Cebuano ang Bohol subalit naitaboy sila ng mga katutubong pinamunuan ni Tamblot. Nagtagumpay lamang ang mga Kastila nang pataksil na pinaslang si Tamblot ng isang nakikipamayang pari sa Loboc, Bohol.
                                                          o     O     o


GLIMPSE FROM THE PAST
A portrait of Hollywood actress Elissa Landi (real name Elizabeth Matie Christine Kuhnelt, 1904-1948)
that rose to fame during the 1920s and 1930s,
on the cover of vintage The New Movie Magazine (December 1931).
 
Personalities and celebrities born on December 3:
1871 – Mamero Natividad, revolutionary general – in Bacolor, Pampanga (d. November 9, 1897).
1897 – Elisa Rosales Ochoa, first woman elected to Philippine Congress – in Butuan, Agusan (now part od Caraga Region) (d. September 20, 1978).
1912 – Salipada Pendatun, guerrilla leader, politician and legislator – in Pagalungan, Maguindanao (d. June 27, 1985).
1922 – Linda Estrella (real name Consuello Vera Rigotti), Italian-Filipina actress – in Pandan, Catanduanes (d. February 18, 2012).
1924 – Francisco Sionel Jose, fictionist, editor and Ramon Magsaysay Awardee – in Rosales, Pangasinan.
1937 – Paquito Gonzales (full name Francisco Enriquez Gonzales), komiks artist – in Caloocan (then part of Rizal Province). (d. July 3, 1972).
1961 – Ronnie Ricketts (full name Ronald Naldo Ricketts), actor and government agency official – in Manila.
1976 – Bernard Palanca (full name Bernard Revilla Palanca Jr), actor.
Bernard Palanca (with Vanessa del Bianco)
on the cover of Mr. & Ms. (May 5, 1998).
 
1981 – Liza Lapira, Filipino-American actress – in Queens, New York.

1992 – Jessy Mendiola (full name Jessica Mendiola Tawile), actress, model, dancer and television host – in United Arab Emirates.
Jessy Mendiola
on the cover of Speed (October 2011).

Ang Miss Philippines Earth na si Tamera Szijarto
tampok sa taklob-pahina ng MOD (December 3, 2004).
Picture Trivia
          Ang Hungarian-Filipina na si Tamera Marie Lagac Szijarto ang nagwaging 2004 Miss Philippines Earth. Sa Miss Earth Beauty Pageant na ginanap sa Manila noong October 24, 2004, napabilang siya sa top 8 finalist, ang kauna-unahang Miss Philiipines Earth na nakapasok sa finals. Si Priscilla Meirelles ng Brazil ang nagwaging Miss Earth ng taong yaon.
                         o     O     o








No comments:

Post a Comment