Thursday, December 27, 2012

December 27


Mga komiks (comics) na lumabas sa buwan ng Disyembre


DECEMBER 27
Pilipino Komiks Taon 1 Blg. 15 Disyembre 27, 1947
Tampok sa taklob-pahina ang isang ilustrasyon ni Tony Velasquez


Disyembre 27 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Disyembre 27, 1897, si Heneral Emilio Aguinaldo, kasama ang 25 ibang punong rebolusyunaryo ay lumunsad patungong Hongkong mula sa Sual, Pangasinan, sakay ng ng barkong Uranus bilang pagtupad sa Kasunduan ng Biak-na-Bato.
                                                          o     O     o

          Ang Basilan ay ginawang isang lalawigan sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 356 noong Disyembre 27, 1973. Taghima ang dating pangalan ng isla ng Basilan bago ito naging bayan ng Basilan na naging bahagi ng Zamboanga del Sur.
                                                          o     O     o


MUKHA NG NAKARAAN
Ang American actor na si Clark Gable (1901-1960),
tampok sa taklob-pahina ng Screen Guide December 1938 issue.



Personalities and celebrities born on December 27:
1874 – Juan Marquez Sumulong, editor, jurist and politician – in Antipolo, Morong (now Rizal) (d. January 9, 1942).
1965 – Luisita “Luchi” Cruz-Valdez, broadcast journalist and network executive – in Manila.

1973 – Robert “Rob” Wainwright, American-Filipino basketball player – in Vallejo, California.



Tampok si Walt Disney sa taklob-pahina ng
Time Magazine December 27, 1954 issue.

Larawang Tribiya
          Ang pamosong animated-film producer na si Walt Disney (1901-1966) ay nagsimula bilang isang commercial artist. Subalit alam niyo bang pinatalsik siya sa diyaryong kaniyang pinagtatrabahuhan? Ito ay dahil ayon sa editor ng diyaryo, siya raw ay kulang sa imahinasyon at magagandang ideya.
          Ang pinakaunang cartoon character na ginawa ng Walt Disney Production ay ang Oswald the Lucky Rabbit (1928). Ito ay likha ni Charles Mintz na nagtatrabaho noon sa Disney, subalit nang lumaon ay naging pag-aari ito ni Walter Lanz.
                                o     O     o





No comments:

Post a Comment