Friday, December 28, 2012

December 28


Mga komiks (comics) na lumabas sa buwan ng Disyembre

DECEMBER 28
Aliwan Komiks Blg. 1171, Disyembre 28, 2011
Tampok sa taklob-pahina ang isang pagbati ng “Happy Holidays.”


Disyembre 28 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Disyembre 28, 1896, sa udyok ng mga paring Kastila, pinagtibay ni Governor-General Camilio de Polavieja (1838-1914) ng pamahalaang koloniyal ng Espanya sa Pilipinas ang hatol na kamatayan kay Gat Jose Rizal.
                                                          o     O     o


MUKHA NG NAKARAAN

Tampok sa taklob-pahina ng Picturegoer Magazine December 28, 1957, ang American actress, singer at dancer na si Mitzi Gaynor (tunay na pangalan Francesca Marlene de Czanyi von Gerber). Nakilala si Gaynor bilang isa sa mga paboritong performers sa Hollywood noong 1950s at 1960s. Siya ang madalas na umawit sa mga Academy Awards ceremonies noon. Napangasawa niya ang talent agent at public relation executive na si Jack Bean noong November 18, 1954, isang pagsasama na tumagal ng mahigit 52 taon hanggang sa pagyao ni Bean.


Personalities and celebrities born on December 28:
1963 – Rene Lopez Relampagos, politician – in Tagbilaran City, Bohol.
1971 – Benny Peter Agbayani Jr, Filipino-Samoan baseball player – in Honolulu, Hawaii.
1971 – Reynaldo “Rey” Evangelista, basketball player – in Cebu.
1974 – Jocelyn Enriquez, Filipino-American singer and dancer – in San Francisco, California.
1988 – AJ Banal (full name Alex John Campaña Banal), professional boxer – in Bukidnon.
1988 – Charlene Consolacion (full name Charlene Mae R. Consolacion), actress, singer, dancer and model – in Los Angeles, California.



Larawang Tribiya
Si Abbe Lane tampok sa taklob-pahina ng Bold Magazine
December 1957 issue.
          Sa mga hindi nakakikilala sa Jewish-American na artista at mang-aawit na si Abbe Lane (tunay na pangalan Abigail Francine Lassman), siya ang tinagurian sa Hollywood na “the swingingest sexpot in show business.”  Nagsimula si Lane bilang isang child actress sa radio at naging mang-aawit at mananayaw sa Broadway, subalit narating niya ang tugatog ng tagumpay bilang isang nightclub singer. Napangasawa niya ang Spanish-American bandeleader na si Xavier Cugat (1900-1990) noong 1952, subalit nagdiborsiyo sila makalipas ang 11 taon.
                             o     O     o





No comments:

Post a Comment