AUGUST 29
Modern
Komiks
Taon 2 Blg. 31, Agosto 29, 1967 Tampok sa taklob-pahina si “Captain Modern” na kathang-isip ni Jul Calixto at iginuhit ni Al Sanchez. |
Agosto 29 sa Kasaysayan ng Pilipinas
Noong Agosto 29, 1898, Hinalinhan ni Heneral Elwell Otis si Heneral Wesley Merritt bilang American military governor ng Pilipinas. Si Otis ay nakilala sa kasaysayan sa paggawa ng mga kalupitan at kabuktutan laban sa mga mamamayang Filipino nang panahon ng Philippine-American War.
o O o
Ika-29 ng Agosto, 1981, nang maging World Junior Lightweight boxing champion si Rolando Navarrete matapos niyang mapatulog ang Ugandan-born na si Coenelius Boza-Edwards.
o O o
Napasama si Eugene Torre sa grandmaster candidate match sa Mexico noong Agosto 29, 1982. Si Torre ang kauna-unahang Filipino at Asyano na naging grandmaster sa chess.
o O o
Personalities and celebrities born on August 29:
1862 – Candido Tirona, revolutionary general, Secretary of War of the Magdalo Council and hero of the Battle of Binakayan – in Kawit, Cavite (d. November 10, 1896).
1930 – Caloy Loyzaga (full name Carlos Matute Loyzaga), basketball player known as the “Big Difference” – in Manila (d. January 27, 2016).
1935 – Luis Robredo Villafuerte Sr, politician – in Camarines Sur.
1954 – Neptali Medina Gonzales II, politician – in Mandaluyong City.
1958 – Chito Loyzaga (full name Joaquin Cuerva Loyzaga), basketball player – in Manila.
1988 – Iwa Moto (real name Aileen Quinodo Iwamoto), actress and model – in Tagum City Davao del Norte.
Iwa Moto on the covers of MOD (July 24, 2006), UNO (January 2008), FHM Philippines (September 2008) and Playboy Philippines (August 2012). |
Ang “Bondying”
Ang katha ni Mars
Ravelo na “Bondying” tampok sa taklob-pahina ng Pilipino Komiks Blg. 163 (Agosto 29, 1953) |
Kakaiba sa lahat ng mga karakter sa komiks ang “Bondying” na likhang-isip ni Mars Ravelo. Ito ay kuwento tungkol sa isang taong lumaki na ang pag-iisip at pananalita ay nanatiling sa isang batang paslit, na bagama’t inosente ang pagkukuro ay may natatanging talino at katusuan. Ito ay dahil sa pagpapalaki ng kaniyang lola. Karaniwang tampulan ng katatawanan ang mga pangyayaring pumapalibot sa kapaligiran niya, lalo na ang hawak niyang napakalaking mamador. Datapuwa’t may drama ring aantig sa puso ng mga mambabasa.
Ayon mismo kay Ginoong Ravelo, isa ang Bondying sa limang pinaka-paborito niyang obra. Maganda ang pagkakasulat ng kuwento na may naiibang kiliti na sinubaybayan ng mga mambabasa. Una itong lumabas sa mga pahina ng Pilipino Komiks Blg. 161 noong Agosto 1, 1954. Ito ay iginuhit ni Elpidio Torres.
Mula sa panulat ni Ravelo, ilang pelikula rin ang ginawa na kinatampukan ng karakter na si Bondying. Ang una ay ang Bondying (1954) na tinaguriang “Ang
Batang Laki sa Nuno.” Ito ay isinapelikula ng Sampaguita Pictures sa ilalim ng direksiyon ni Armando Garces at pinagbidahan ni Fred Montilla. Nasundan ito ng Tatay na si Bondying (1955) na si Fred Montilla pa rin ang gumanap sa pangunahing papel. Taong 1973 nang lumabas ang Ato Ti Bondying na pinatnugutan ni Celso Ad. Castillo, kung saan si Jay Ilagan naman ang gumanap na Bondying. Ang huli ay pinagbidahan ni Jimmy Santos – ang Bondying: The Little Boy (1989) – kung saan ang screenplay ay isinulat ni Jose Javier Reyes at ginawa sa ilalim ng direksiyon ni Mike Relon Makiling.
o O o
“Rogel Maglaya”
Isang masalimuot na kuwento ng iba’t-ibang pakikibaka ang kathang-isip ni Damy Velasquez sa katauhan ng karakter na si “Rogel Maglaya”. Ito ay iginuhit ni Celso Trinidad at unang lumabas kasabay ng unang isyu ng Pinoy Komiks noong Mayo 23, 1963.
Ang nobelang-komiks
na “Rogel Maglaya” na kathang-isip ni Damy Velasquez at iginuhit ni Celso Trinidad, tampok sa Pinoy Komiks Blg. 8 (Agosto 29, 1963). |
o O o
Si Anne Curtis,
tampok sa taklob-pahina ng Gadgets 10th Anniversary issue (August 2010). |
Si Anne Curtis ay 12-anyos lamang nang siya ay madiskubre na maging artista. Ito ay habang nagbabakasyon siya sa Pilipinas galing ng Australia kung saan sila naninirahan ng kaniyang mga magulang. Si Anne Curtis ay anak ng isang abogadong Australian na nagngangalang James Curtis-Smith at ni Carmen Ojales, isang Filipinang may dugong Kastila.
Noong 2010, dalawang pelikula ang nilabasan ni Anne Curtis kung saan mga ex-boyfriends niya ang naging katambal niya, si Sam Milby sa pelikulang Babe, I Love You at si Richard Gutierrez sa pelikulang In Your Eyes, kung saan napili siyang Best Supporting Actress sa 29th Luna Awards.
o O o
No comments:
Post a Comment