Sunday, August 26, 2012

August 26


AUGUST 26
MOD Vol. 37 No. 1766, August 26, 2005
On the Cover: Erich Gonzales
 
Agosto 26 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 26, 1896, unang iwinagayway ng mga Katipunero sa pamumuno ni Andres Bonifacio ang watawat ng Katipunan.
                                                          o     O     o

          Ipinasa ng Philippine Commission ang Act No. 854 noong Agosto 26, 1903.  Ang batas na ito ang nagpapahintulot sa mga Filipino scholars na makapag-aral sa America.
                                                          o     O     o

          Ang Communist Party of the Philippines ay itinatag ni Crisanto Evangelista noong Agosto 26, 1930. Makalipas ang walong taon, nakipagkaisa ito sa Socialist Party ni Pedro Abad Santos. Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas, binuo nila ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon (Hukbalahap) na naging pangunahing kapisanang guerilla sa Luzon. Ang partidong ito ay muling itinatag ni Jose Maria Sison.
                                                          o     O     o


          Sa araw na ito – Agosto 26, 2012 – ang Philippine basketbal team na Smart Gilas 2 ay nagwagi ng kampeonato sa Jones Cup matapos talunin ang koponan ng United Satates 76-75. Ito ang ikaapat na pagkakataon na napagwagian ng koponan ng Pilipinas ang Jones Cup; ang huli ay noong 1998.

                                                          o     O     o

Si “Juan de la Cruz”
          Alam niyo ba na ang karakter na si Juan de la Cruz ay hindi likha ng isang Filipino? Ang “Juan de la Cruz” ay pangalang-sagisag na karaniwang ginagamit para sa mamamayang Filipino gaya ng ang “Uncle Sam” ay sumasagisag sa isang Amerikano. Ginagamit din itong katumbas ng “John Doe” patungkol sa isang bangkay na lalaki na hindi kilala.
          Ang karakter na ito ay likhang-isip ng Scottish-born journalist na si Robert McCulloch Dick (1873-1961). Una niya itong nabanggit nang siya ay isang reporter na nagsusulat sa The Manila Times noong 1905, matapos madiskubre na ang pinakakaraniwang pangalang natatala sa mga police blotters at court dockets sa Manila at sa mga kalapit nitong lungsod ay “Juan.” Inangkupan naman niya ito ng apelyidong “de la Cruz” dahil sa nakita niyang pagiging relihiyoso ng mga Filipino.
          Noong August 26, 1908, unang nakita ang caricature ni “Juan de la Cruz” sa pahina Philippine Free Press na nabili ni McCulloch Dick mula kay W. A. Kincaid. Ang caricaiture, na unang iginuhit ni Jorge Pineda, ay larawan ng isang lalaking nakasuot ng salakot, camisa de chino at nakapaa. Sa makabagong panahon, napalitan ng Barong Tagalog ang kaniyang suot at nagkaroon ng tsinelas o sapatos ang kaniyang mga paa.
          Sa kasaysayan naman ng mga santong Katoliko, mayroong isang nagngangalang Juan de la Cruz na naging santo. Siya ay isang Spanish mystic na naging pangunahing pigura sa Catholic Reformation.
                                                          o     O     o

Personalities and celebrities born on August 26:
1906 – Ceferino Garcia, champion professional boxer and inventor of the “Bolo punch” – in Naval, Biliran (formerly part of Leyte) (d. January 1, 1981).

Boxer Ceferino Garcia (an illustration with a backdrop of a farmer using a bolo)
on the cover of The Ring (September 1939).
1908 – Rufino Jiao Santos, first Filipino cardinal of the Catholic Church – in Guagua, Pampanga (d. September 3, 1973).
1954 – Efren “Bata” Reyes (full name Efren Manalang Reyes), world champion professional billiards player known as “The Magician” – in Angeles City, Pampanga.
World billirards champion Efren “Bata” Reyes
on the cover of Billiards Digest (November 2006).
 
1977 – Barbie Almalbis-Honasan (born Yvette Barbra Hontiveros Almalbis), singer and songwriter – in Roxas City, Capiz.
1980 – Dorothy Delasin, American-born Filipino champion golfer – in Lubbock, Texas, U.S.A.
1988 – Niña Jose (real name Marie Claire Jose), actress and model – in Manila.
Niña Jose
on the covers of Maxim Philippines (February 2009) and Bannawag (June 4, 2012).

 
Ang Hara-Siri ni Gregorio C. Coching
Ang mala-epikong kuwentong “Hara-siri”
na isinulat at iginuhit ni Gregorio C. Coching,
tampok ang katapusang labas sa taklob-pahina
ng Tagalog Klasiks Blg. 30 (Agosto 26, 1950).
Ang kaniyang anak na si Francisco V. Coching
ang gumuhit ng taklob-pahinang ito.
          Ang mala-epikong kuwentong “Hara-Siri” ay kathang isinulat at iginuhit ni Gregorio C. Coching tungkol sa isang Muslim Sultanate noong panahon ng Madjapahit Empire sa Asia. Si Hara-Siri ay isang anak ng tulisang-dagat na Turko na naging isang malupit na sultana. Umibig siya kay Ramdit Arawari, na anak ni Sultan Marikudo, ang naghahari sa mga lupaing nasasakupan ng emperyo ng Madjapahit. Unang lumabas ang kuwentong ito sa mga pahina ng Tagalog Klasiks Blg.22 noong Mayo 6, 1950 at nagtapos noong Agosto 26, 1950.
                             o     O     o
















Christopher Reeve on the cover of
Time (August 26, 1996) during his
“heroic battle to rebuild his life and
champion the quest to cure
spinal-cord injuries.”
The Tallest Superman
          Christopher Reeve (1952-2004) is the third Hollywood actor to portray the role Superman. He first donned the costume of the “Man of Steel” in Superman (1977), which was followed by three sequels. The last, Superman IV: The Quest for Peace (1987), he directed himself. Reeve, with a height of 6’-4” (1.93-meter), is the tallest Hollywood actor to play the role of Superman.

                              o     O     o
 

 











Mia Farrow on the cover of Look
(August 26, 1969).
Picture Trivia
          American-born actress Mia Farrow (real name María de Lourdes Villiers Farrow) is the daughter of film director John Farrow and actress Maureen O’Sullivan. She was first married to singer-actor Frank Sinatra in 1966, but it lasted only two years. Sinatra wanted her to stop making the controversial film Rosemary’s Baby (1968), and instead join him in the film The detective. Farrow refused, so in the actual set of Rosemary’s Baby, Sinatra gave her their divorce papers.
                           o     O     o


No comments:

Post a Comment