Saturday, August 11, 2012

August 7


August issues of different magazines

AUGUST 7
August 07 (1995): Celebrity World Magazine Vol. 4 No. 208
On the Cover: Ballet performers Maritoni Rufino, Katrina Santos, Timothy Melady and Mario Esperanza


MUKHA NG NAKARAAN
Ang salawikaing “Matalino man ang matsing, napaglalalangan din,”
tampok bilang isa sa mga kuwentong katatawanan ni Tony Velasquez,
nasa taklob-pahina ng Pilipino Komiks Blg. 31 na may petsang Agosto 7, 1948.

Agosto 7 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Ipinasa ng National Assembly bilang batas noong Agosto 6, 1940, ang panukala na bawasan ang bilang ng taon ng elementary education sa anim mula pito base sa 12-taong pag-aaral sa "Adequacy of Philippine Education System." Tinawag itong Education Bill of 1940. Ito ay kabaligtaran ng K-12 program na ipinatupad noong Hunyo 2012.
                                                          O     O     o


Personalities and celebrities born on August 7:
1913 – Carmen C. Velasquez, National Scientist (Parasitology) and Outstanding Woman of Science in the Philippines (1975) awardee – in Bayambang, Pangasinan.
1928 – Rafael Montinola Salas, university professor, author and first executive director of the United Nation Population Fund (1969-1987) – in Bago City, Negros Occidental (d. March 4, 1987).
1933 – Alberto Gatmaitan Romulo, politician, government official and senator – in Camiling, Tarlac.
1969 – James Dranreb Belleza, actor – in Pasig.
1972 – Geronimo “Gerry” Peñalosa, champion professional boxer, in San Carlos City, Negros Occidental.


MUKHA NG PANAHON
Maaaring nakakatawa ang nakaguhit na larawan, subalit ito ang umiiral na mukha ng panahon. Dahil sa “Climate Change,” naging higit na madalas at malala ang mga bagyo at pagbaha sa buong kapuluan ng Pilipinas. Nangyayari rin ito sa buong daigdig. Maisisisi ito sa walang habas na pagtotroso, pagsira ng mga kagubatan gawa ng urbanisayon, polusyon dulot ng mga fossil fuels, paggamit ng mga kemikal na nakasisira sa ozone layer, at ang pagka-inutil ng mga pamahalaan sa daigdig upang resolbahin ang mga gawang ito.
                        o     O     o




Larawang Tribiya
Ang aktres na si Alyssa Milano (para sa
television series na Charmed), tampok sa
taklob-pahina ng TV Guide August 7-13,
1999 issue.
          Si Alyssa Milano ay gumanap bilang Phoebe Halliwell, isa sa magkakapatid na “good witches” na nagmana ng kapangyarihang lumaban sa mga kampon ng kasamaan at kadiliman sa popular ng television series na Charmed. Nanatili siya ng walong seasons (1998-2006) mula sa simula hanggang sa pagwawakas ng naturang series, at naging co-producer pa kasama ang matalik na kaibigan at co-star na si Holly Marie Combs sa ikalimang season.
                             o     O     o













No comments:

Post a Comment