Monday, August 20, 2012

August 20


Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Agosto


AUGUST 20
Damdamin Komiks Taon 2 Blg. 97
Tampok sa taklob-pahina ang kuwento ni Elena Patron na “Magpakailanman” na iginuhit ni Louie Celerio

UNANG LABAS
Ang Extra Komiks ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Agosto 20, 1951. Tampok sa babasahing ito ang mga kuwentong “Prinsipeng Kuba” (na isinulat ni Nardo de Dios at iginuhit ni Noly Panaligan, na siya ring nasa taklob-pahina ng unang isyu), “Barbero ng Sevilla” (isinulat ni Cris Cortez at iginuhit Antonio J. Ocampo), “Buhay ni Kuya Porong” (ni Joe La Men), “Bulaklak ng Malaya” (ni Narciso Miranda), “Bumibili ng Isang Ina” (isinulat ni Corazon Medina at iginuhit ni Tony de Zuñiga), “Doktor Sangredo” (isinulat ni Cristino Mata at iginuhit nina Juan Pangilinan at Antonio J. Ocampo), “Golem” (isinulat ni Mario del Mar at iginuhit ni Fred Alcantara), “Pompe” (ni Tony Barreto), at “Ang Paralitiko” (isinulat ni Ramon Marcelino at iginuhit ni Ruben Yandoc).
                                                          o     O     o


Agosto 20 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 20, 1882, ang makabayang sanaysay ni Jose Rizal na Amor Patrio (“Pag-ibig sa Bayan”) na isinulat niya sa ilalim ng taguring “Laong Laan” ay inilimbag sa Diarong Tagalog. Ito ay inilimbag sa dalawang wika, ang orihinal na sinulat ni Rizal sa wikang Kastila at ang iniliwat sa Tagalog ni Marcelo H. del Pilar.
                                                          o     O     o

The first Miss Universe Armi Kuusela with businessman
husband Virgilio Hilario.

          Ikinasal ang mangangalakal na si Virgilio “Gil” Hilario sa Finnish beauty queen at kauna-unahang Miss Universe na si Armi Kuusela sa Tokyo, Japan, noong Agosto 20, 1953.
                         o     O     o






 \






Personalities and celebrities born on August 20:
1939 – Fernando Poe Jr (real name Ronald Allan Kelly-Gatbonton Pou), actor, director, film producer, cultural icon and National Artist for Cinema (2006) (d. December 14, 2004).
Fernando Poe Jr (from left to right): During his twenties; with Romeo Vasquez;
on the cover of Weekly Graphic August 11, 1965 issue; on the cover of Expressweek July 13, 1978 issue; and on the poster ads (together with Ara Mina) of the film Ayos na ang Kasunod.
1939 – Mike Velarde (full name Mariano Zuniega Velarde), founder of El Shaddai Movement – in Caramoran, Catanduanes.
1953 – Cesar A. X. Syjuco, painter, poet and art critic – in Manila.
1977 – Harry Tañamor, champion amateur boxer – in Zamboanga City.



Si Elke Sommer sa taklob-pahina ng Gent Magazine
August 1964 issue.

Larawang Tribiya 
          Ang Hollywood actress na si Elke Sommer ay isang Aleman na ipinanganak bilang Baroness Elke von Schletz. Noong 1964, nagwagi siya ng Golden Globe Award bilang Most Promising Newcomer Actress para sa kaniyang pagganap bilang Inger Lisa Andersson sa pelikulang The Prize, kung saan nakasama niya sina Paul Newman at Edward G. Robinson.
                                                o      O     o





No comments:

Post a Comment