Thursday, August 23, 2012

August 23



 
AUGUST 23
Espesal Komiks Blg. 49, Agosto 23, 1954
Tampok sa taklob-pahina ang nobelanng “Milagroso”
na pinagtambalan ng dalawang alamat ng komiks na sina Nestor Redondo at Tony de Zuñiga



UNANG LABAS
Ang makabayang pahayagang El Grito del Pueblo na itinatag ni Pascual Poblete ay unang nabasa noong Agosto 23, 1899. Layon ng pahagang ito na ipahayag ang marubdob na hangarin ng mga Filipino na magkaroon ng kalayaan mula sa pananakop ng mga Amerikano.


Agosto 23 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 23, 1896, ang mga Katipuneros sa pamumuno ni Gat Andres Bonifacio ay nagpunit ng kanilang mga cedula bilang sagisag ng kanilang padtutol sa pamahalaang Kastila, at ito ang naging simula ng Himagsikan ng mga mamamayan sa Pilipinas laban sa Espanya. Sa simula tinawag itong “Sigaw ng Balintawak” subalit nang lumaon ay pinalitan ng mga mananaliksik ng kasaysayan at ginawang “Sigaw ng Pugadlawin” dahil naganap ito sa isang sitio sa Balintawak na tinatawag na Pugalawin.
                                                          o     O     o

          Ang mga Thomasites, ang pinakamalaking pangkat ng mga gurong Amerikano ay dumating sa Pilipinas noong Agosto 23, 1901. Binansagan silang “Thomasites” mula sa pangalang ng barkong nagdala sa kanila sa Pilipinas, ang U.S.S. Thomas.
                                                          o     O     o

          Noong Agosto 23, 1907, ipinag-utos ng pamahalaan ng mga mananakop na Amerikano ang pagbabawal ng pagtataas at pagpupugay sa watawat ng Pilipinas.
                                                          o     O     o

          Ang unang pelikulang ginawa sa Pilipinas – ang La Vida de Rizal (“Buhay ni Rizal”) ay ipinalabas sa Grand Opera House noong Agosto 23, 1912. Ang humigit-kumulang isang oras na pelikula ay pinatnugutan at binuo ni Harry Brown mula sa script na sinulat ni Edward Meyer Gross. Si Honorio Lopez ang gumanap bilang Gat Jose Rizal.
                                                          o     O     o

          Itinatag ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) noong Agosto 23, 1938. Ang mga orihinal na kasapi ng liga ay ang University of the Philippines (U.P.), University of Santo Tomas (U.S.T.), Far Eastern University (F.E.U.) at National University (N.U.).
                                                          o     O     o

          Noong Agosto 23, 2010, nangyari ang Manila Hostage Crisis kung saan walong turistang taga-Hong Kong ang napatay nang sugurin at walang habas paputukan ng mga otoridad ang bus na kinaruroonan ng mga turistang hostage at ng hostage taker na si Rolando Mendoza, isang nagpoprotestang police officer.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on August 23:
1848 – Felipe Buencamino Sr, member of Emilio Aguinaldo’s cabinet and Civil Service commissioner during the American Occupation – in San Miguel, Bulacan (January 6, 1929).
1925 – Alfredo P. Alcala, comic book artist – in Talisay, Negros Occidental (d. April 8, 2000).
1932 – Eddie Rodriguez (real name Luis Clemente Enriquez), actor ad director – in Zamboanga City (d. October 12, 2001).
1952 – Gabby Lopez (full name Eugenio Gabirel La'O Lopez III), businessman and corporate chief executive – in Manila.
1972 – Bal David (full name Bal Viray David Jr), professional pasketball player – in Cubao, Quezon City.
1979 – Michael Barroa Domingo, professional boxing champion – in Lebak, Sultan Kudarat.

1987 – Nikki Gil (full name Monica Pauline Santos Gil), singer, actress, television host, model and video jockey – in Manila.
Nikki Gil
on the cover of Manual (August 2008).

2001 – Zaijian Jaranilla, actor – in Manila.
Zaijan Jaranilla
on th cover of Bannawag (December 26, 2011)

 
Eight-year-old Drew Barrymore as Charlie McGee,
in the film Firestarter, on the cover of
Starburst Magazine (August 1984).
Picture Trivia
          Many auditioned for the role of Charlene “Charlie” McGee, the Firestarter, an unusual young girl with pyrokinesis, the ability to create fire by merely thinking of it. Among them Jennifer Connelly, Taylor Neff and Bridgette Andersen, but Drew Barrymore was chosen. She was only eight years old when she made the film Firestarter (1984), adapted from a novel of Stephen King with the same title.
                                      o     O     o

No comments:

Post a Comment