Wednesday, April 11, 2012

April 11

  
April issues of different magazines

April 11
Hiwaga Komiks Taon 1 Blg. 14, Abril 11, 1951
Tampok sa taklob-pahina ang kuwentong tapusan na “Melodina”
na isinulat ni Pablo S. Gomez at iginuhit ni Tony Zuñiga.

Abril 11 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong ika-11 ng Abril 1898, umupo sa kaniyang katungkulan ang gobernador-heneral na si Basilio Agustin. Sa kaniyang termino nagdeklara ng digmaan ang Espanya laban sa America.
                                                          o     O     o

          Sa pamamagitan ng Republic Act No. 603, pinalitan ang pangalan ng Capiz, kabisera ng lalawigan ng Capiz, ng Roxas City bilang parangal kay Pangulong Manuel A. Roxas noong Abril 11, 1951.
                                                          o     O     o

          Itinatag ang Radio Veritas bilang kauna-unahang Catholic-run Radio station sa Southeast Asia noong Abril 11, 1969.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on April 11:
The Leonor Rivera that Rizal fell in love with.


1867 – Leonor Rivera, cousin and fiance of Philippine National Hero Dr. Jose Rizal, in Camiling, Tarlac (d. August 28, 1893).


 












1933 – Bienvenido Lumbera, literary critic, poet, educator and Ramon Magsaysay awardee (1993) – Lipa City, Batangas.




Larawang Tribiya
Italian actress Silvana Mangano on the cover of Life
April 11, 1960 issue.
          Marami marahil ang hindi nakakikilala kay Silvana Mangano (1930-1989). Siya ang Italian actress na nagsimulang sumikat matapos gawin ang pelikulang Bitter Rice (1949), kung saan ang nagsisimula pa lamang na sumikat na producer nito na si Dino de Laurentis ay kaniyang napangasawa. Bagama’t hindi niya napantayan ang kasikatan ng mga naging kasabayan niya noong 1950s na sina Sophia Loren at Gina Lollobrigida, itinuturing pa rin siyang isang bituin sa loob ng tatlong dekada (1950-1970).
          Noong 1960, lumabas siya sa dalawang pelikula: Crimen at Branded Women.
                             o     O     o









No comments:

Post a Comment