Friday, November 16, 2012

November 16


November issues of different magazines


NOVEMBER 16
November 16 (2004): Mr. & Ms. Magazine Vol. XXVIII No. 3
On the Cover: The Incredibles



Nobyembre 16 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Nobyembre 16, 1904, ang Yguahat Penal Settlement (na nang lumaon ay tinawag na Iwahig Prison and Penal Farm) ay itinatag ng Philippine Commission sa Puerto Princesa, Palawan. Ang Amerikanong si K. J. Shields and kauna-unahan nitong tagapamahala.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on November 16:
1890 – Elpidio Quirino, second President of the Republic of the Philippines (1948-1953) – in Vigan, Ilocos Sur (d. February 29, 1956).
1934 – Isagani M. Yambot, journalist and newspaper publisher – in Tagbilaran City, Bohol (d. March 2, 2012).
1943 – Pedro Adigue Jr. world champion boxer – in Bontod, Palanas, Masbate.
1950 – Manuel “Way Kurat” E. Zamora, agriculturist, farmer and politician – in Compostela Valley.
1982 – Nonito Donaire, Filipino champion professional boxer known as “The Filipino Flash” – in Talibon, Bohol.



Ang “Tsismosang Pipi”
Ang “Tsimosang Pipi” ni Antonio S. Velasquez,
tampok sa taklob-pahina ng Hiwaga Komiks
Blg. 134 (Nobyember 16, 1955) na iginuhit
ni Alfredo Alcala.
          Masasabing isang kakaibang kuwento ang “Tsismosang Pipi,” dahil sa pamagat pa lamang ay malilito na ang isipan ng makakarinig. Unang lumabas ang nobelang komiks na ito noong Nobyembre 16, 1955 sa mga pahina ng Hiwaga Komiks. Ito ay isinulat ni A. S. Vel (buong pangalan Antonio S. Velasquez) at iginuhit ni Alfredo “Fred” Alcala at (sa ibang pagkakataon) ni Teny Henson.
                             o     O     o














Sina Anthony Geary (bilang Luke Spencer),
Genie Francis (Laura Webber) at Elizabeth
Taylor (guest character Helena Cessadine)
para sa television soap opera na General
Hospital, tampok sa taklob-pahina ng
People Weekly November 16, 1981 issue.

Larawang Tribiya
          Ang television series na General Hospital ang itinuturing na “longest runnibg soap opera” sa America (nagsimula ito noong April 1, 1963). Ang mag-asawang manunulat na sina Frank at Doris Hursley ang gumawa ng konsepto ng soap opera na ito na umiinog ang mga pangyayari sa isang “general hospital” kaya ito ang napiling pamagat.
          Alam niyo ba na ang pamosong aktres na si Elizabeth Taylor ay isang masugid na tagahanga ng General Hospital? Kaya naman sa isang kapana-panabik na episode ay naging bahagi siya ng soap opera. Nangyari ito noong November 17, 1981 episode kung saan ikinasal ang mga karakter na sina Luke Spencer (na ginampanan ni Anthony Geary) at Laura Webber (Genie Francis). Sa naturang kasal nagbigay ng isang tungayaw o sumpa si Helena Cessadine, na ginampanan ni Taylor. Naitala ang episode na ito bilang “most-watched event in daytime soap opera history.”
                             o     O     o


No comments:

Post a Comment