Thursday, November 22, 2012

November 22


November issues of different magazines

NOVEMBER 22
Superyor Komiks Magasin Blg. 59, Nobyembre 22, 1966
(Special Adventure Issue)
Tampok sa taklob-pahina ang kuwento ng “Everest”
 
Nobyembre 22 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Nobyembre 22, 1902, ang submarine cable na nag-uugnay sa bayan ng Romblon, Romblon, sa bayan ng Boac, Marinduque, ay inilatag.
                                                          o     O     o

          Ang Sultan Kudarat, na dating bahagi ng lalawigan ng Cotobato, ay ginawang isang bagong lalawigan sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 431 noong Nobyembre 22, 1973, bilang parangal sa bayani at sultan ng Maguindanao na si Muhammad Dipatuan Kudarat.
                                                o     O     o            


MUKHA NG NAKARAAN
Ang portrait ng American celebrity na si Tallulah Bankhead (1902-1968),
tampok sa vintage Time Magazine November 22, 1948 issue.



Personalities and celebrities born on November 22:
1877 – Cecilio Apostol, nationalist poet and writer in Spanish during the American Occupation – in Manila (d. September 8, 1938).
1894 – Jose Corazon de Jesus, Tagalog poet known as “Huseng Batute” and considered the “King of Balagtasan” – in Santa Cruz, Manila (d. May 26, 1932).
1913 – Cecilia Muñoz-Palma, jurist and first woman judge appointed to the Supreme Court (1973-1978), in Bauan, Batangas (d. January 2, 2006).
Chin Chin Gutierrez gracing the cover of Artista Magazine
March 25 1996 issue.











1972 – Chin Chin Gutierrez (full name Maria Carminia Lourdes Cynthia Arnaldo Gutierrez), award-winning actress and environmentalist – in Manila.











Si Ava Gardner tampok sa taklob-pahina ng Look Magazine
November 22, 1949 issue.

Larawang Tribiya
          Si Ava Gardner (1922-1990) ay isa sa mga itinuturing na pinakamagaling na aktres sa America na hindi nakapagwagi ng Academy Awards sa mahigit apat na dekada niyang pag-aartista.
          Gumanap siya bilang Isabel Lorrison sa pelikulang East Side West Side (1949), kasabayan ang mga artistang sina Barbara Stanwyck, James Mason at Van Heflin.
          Sa pelikulang Mogambo (1953), na-nominado siya sa Academy Best Actress Award, subalit napagwagian ito ni Audrey Hepburn para sa pelikulang Roman Holiday. Kabilang din si Gardner sa mga pangunahing artista ng mga hindi-malilimutang pelikula sa Hollywood: The Barefoot Contessa (1954), The Night of the Iguana (1964), Earthquake (1974), atbp.
                          o     O     o


No comments:

Post a Comment