NOVEMBER 15
Life, November 15, 1954
On the Cover: Gina Lollobrigida
|
UNANG LABAS
Sa kasaysayan ng komiks sa Pilipinas, ang Halakhak Komiks ang kauna-unahang babasahing pangmasa na maituturing na isang tunay na komiks. Sa babasahing ito rin nagsimula ang pamagat na “komiks” (halaw sa salitang English na “comics”). Una itong lumabas noong Nobyembre 15, 1946.
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II), kinailangan ng mga Filipino ng isang babasahing magbibigay ng saya matapos ang lungkot at lagim na idinulot ng digmaan. Sa pag-uugnayan at pagtutulungan ng kartunistang si Isaac Tolentino at ng may-ari ng Universal Bookstore na si Atty. Jaime Lucas nabuo ang konsepto ng Halakhak Komiks. Ang salitang “Halakhak” ay katumbas ng “malakas na pagtawa dahil sa matinding tuwa at saya” kaya ito ang napagkasunduan nilang ipangalan sa babasahin.
Si Atty. Lucas ang gumawa ng paraan upang makalikom ng sapat na salapi na gagamitin sa paglilimbag. Si Tolentino naman ang nangalap ng mga manunulat at dibuhista para sa komiks at nagsilbing patnugot nito hanggang ikawalong isyu (ang huling dalawang isyu ay pinatnugutan ni Tony Velasquez). Siya rin ang gumuhit ng unang taklob-pahina ng Halakhak.
Sa unang isyu, Halakhak lamang ang pamagat nito na may subtitle na “Kasaysayan, Katatawanan, Hiwaga.” Si Tony Velasquez ang nagbigay ng suhestiyon na idagdag ang salitang “komiks” sa titulo ng mga sumunod na isyu. Dahil sa kakulangan ng papel, inilimbag ang mga unang isyu ng Halakhak sa higit na maliit na sukat, halos wala pa sa kalahati ng long-size coupon bond. Mayroon itong 42 pahina at ang unang tatlong isyu ay nagkakahalaga ng 25 sentimos. Ang mga sumunod na isyu ay kasinglaki na ng nakaugaliang sukat ng komiks at nagkahalaga na ito ng 40 sentimos. Walang sariling printing press si Atty. Lucas, kaya ipinalimbag nila ang komiks sa Carmelo & Bauermann Company.
Ilan sa mga alamat sa kasaysayan ng komiks, katulad nina Tony Velasquez, Francisco V. Coching, Fred Carillo, Larry Alcala, Jose Zabala Santos, Francisco Reyes, Lib Abrena, Cris Caguintuan, Noly Panaligan, atbp., ang nagbandera sa mga pahina ng Halakhak.
Mababasa sa unang isyu ng Halakhak ang mga sumusunod: “Mga Hindi Sukat Akalain” ni Isaac Tolentino, “Bulalakaw” ni Francisco V. Coching, “Enyong Bohemyo” ni Cris Caguintuan, “Kidlat” nina Damy Velasquez at Jesse Santos, “Talahib” ni Francisco Reyes, “Si Pino” ni Jose Zabala Santos, “Teryong Alat” ni Hugo Yonson, “Binong Lambanog” ni Nolasco "Noly" Panaligan, “Doon daw sa Langit” ni Liborio "Gat" Gatbonton, “Indo” ni Maning de Leon, “Kasikoy” ni A. I. Roullo, at “Eto na si Tibo” ni Gene Cabrera.
Kung tutuusin, naging matagumpay ang Halakhak Komiks. Ang unang 10,000 kopya na inilimbag ay halos dagliang naubos. Ganoon din ang mga sumunod na isyu. Nagkaroon ng problema sa larangan ng pananalapi dahil sa mga hindi nakulektang pautang sa mga ahente. Maiksi lamang ang pisi ng kakayahang pananalapi ng manlilimbag na si Atty. Lucas. Kaya matapos ang 10 isyu tumigil na sa sirkulasyon ang Halakhak (ang ika-10 at huling isyu ay lumabas noong Abril 1, 1947).
Nobyembre 15 sa Kasaysayan ng Pilipinas
Noong Nobyembre 15, 1935, ginanap ang pasinaya ng pamahalaan ng Philippine Commonwealth ayon sa Tydings-McDuffie Law ng United States. Sina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña Sr ang itinalagang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa.
o O o
Personalities and celebrities born on November 15:
1948 – Teodoro “Teddyboy” Locsin Jr, lawyer, politician and journalist – in Manila.
1968 – Teddy Casiño (full name Teodoro A. Casiño), writer, journalist, political activist, partylist representative – in Davao City.
1970 – Susie Ibarra, Filipino-American contemporary composer and award-winning Percussionist – in Anaheim, California.
1989 – Jonalyn Viray (full name Jonalyn Roxas Viray), singer and actress – in Markina City.
Si Keira Knightley tampok sa taklob-pahina
ng S (Scottish) Sunday Express November 15,
2009 issue (contributed by Mila L.)
|
Larawang Tribiya
Alam niyo ba na sa unang pelikulang nilabasan ni Keira Knightley ay Kepia Knightley ang nakalagay na pangalan niya? Ito ay sa pelikulang Innocent Lies (1995) nang siya ay 10 taong gulang pa lamang. Noon namang 1999, lumabas siya bilang Sabe sa pelikulang Star Wars Episode I: The Phantom Menace. Pumaimbulog naman siya sa kasikatan sa pelikulang Pirates of the Carribean (2003).
Alam niyo bang noong 2009 lumabas din siya sa isang dula (play) sa West End sa London at sa isang short film? Ang dula ay ang adaptation ni Martin Crimp ng Moliere comedy na The Misanthrope. Ang short film ay ang The Continuing and Lamentable Saga of the Suicide Brothers kung saan gumanap siya bilang isang diwata.
o O o
No comments:
Post a Comment