Thursday, November 29, 2012

November 29



NOVEMBER 29
TV Guide, November 29 – December 5, 2003
On the Cover: Jennifer Gardner
 
Nobyembre 29 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Nobyembre 29, 1574, sinalakay ng mga piratang Intsik na pinamumunuan ni Limahong ang Parañaque upang gawin itong daan patungo sa tangkang pagsakop niya sa Intramuros, ang luklukan ng pamahalaang koloniyal ng mga Kastila, subalit matagumpay silang naitaboy ng mga mamamayan.
                                                          o     O     o


GLIMPSE FROM THE PAST
The president of the United States, John F. Kennedy (1917-1963)
on the cover of Life (November 29, 1963),
exactly one week after his assassination.
The patented red color of Life was replaced with black
to symbolize the mourning of his death.
 
Personalities and celebrities born on November 29:
1893 – Maria Ylagan Orosa, chemist, pharmacist and nutritionist – in Taal, Batangas (d. February 13, 1945).
1917 – Dioscoro L. Umali, plant breeder, university (University of the Philippines at Los Baños) administrator and National Scientist – in Manila (d. July 1, 1992).
1964 – Raymond Lauchengco, singer and actor – in Manila.
Raymond Lauchengco
on the cover of Jingle Songhits (May 1983).
  
1975 – Ricci Crisostomo (full name Richard Cleofas Crisostomo), actor – in Marikina City.
1982 – Paolo Ballesteros (full name Paolo Elito M. Ballesteros IV), actor, model and television host – in Cabanatuan City, Nueva Ecija.

1984 – Sitti Navarro (full name Sitti Katrina Navarro Baiddin), singer – in Las Piñas City.

1986 – Jerome Sala (full name Jerome Sala Ucab), singer – in Bacagay, Pilar, Bohol.



Isang caricature ni Adolf Hitler at ang Swastika
(na ginawang mga kamay at paa niya),
tampok sa taklob-pahina ng Vanity Fair
(November 1932, mula sa Morelos Collection).
Larawang Tribiya
          Ang Swastika ay ginawang sagisag ni Adolf Hitler at ng Nazi Germany, subalit alam niyo ba ang kahulugan ng bagay na ito? Ang salitang “swastika” ay halaw sa wikang Sanskrit, mula sa su o sva, na ang ibig sabihin ay “mabuti,” at asti(ka), na nagsasaad ng panukalang “upang maging.” Kaya ang isang pakahulugan dito ay “upang maging mabuti.” May isa pang pakahulugan, isang panalangin upang maitaas ang esensya ng sarili sa higit na mataas na antas.
          Ang pinakamatandang bagay kung saan natagpuan ang sagisag na ito ay sa isang pigurin na yari sa ivory ng mammoth (hayop na ninuno ng mga elepante) na tinatayang mula pa sa panahong paleolithic (10,000 B.C.). Bahagi naman ito ng relihiyon at kultura ng mga Hindu mula pa noong 2500 B.C.
          May Chinese character na ang pagkakasulat ay katulad ng hitsura ng swastika. Ang ibig sabihin nito ayon sa Kangxi Dictionary (1716) ay “hindi mabilang na dami,” na sa pakahulugan naman ng mga Buddhist ay “walang hanggan.”
          Sa matematika, sa geometry, ang hugis ng swastika ay isang icosagon o polygon na may 20 gilid (o side) at 20 siha (o angle).
          Ang swastika ang ginamit ng Nationalist Socialist German Workers (Nazi) Party at ni Adolf Hitler (1889-1945) bilang sagisag ng lahing Aryan at ginawang pigura ng kanilang watawat.
                                                          o     O     o







No comments:

Post a Comment