Friday, November 30, 2012

November 30


Mga komiks (comics) na lumabas sa buwan ng Nobyembre


NOVEMBER 30
Mabuhay Komik Taon 4, Blg 85, Nobyembre 30, 1954
Tampok sa taklob-pahina ang kuwentong “Regina Zafra (Ang Kuba sa Gulod)"
ni Dominador Ad. Castillo na iginuhit ni Virgilo Mariano.


UNANG LABAS
Ang taklob-pahina ng unang isyu ng Scene Magazine
(November 30, 1982) tampok si Elizabeth Oropesa.
Ang Scene Magazine ay isang sexy-adult magazine sa wikang English na inilimbag ng Ejor Promotions and Publications at unang lumabas sa sirkulasyon noong November 30, 1982 sa ilalim ng pamamatnugot ni Yolanda Rodriguez. Sa unang labas nito ay itinampok ang mga larawan ni Elizabeth Oropesa at Karen Lopez. Kabilang din sa unang isyu ang mga artikulong “Nudity as Art,” “Hospitality Girls All in a Row,” “The Present Score on RP Basketball” at “Revolution, Anyone?”












Nobyembre 30 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Nobyembre 30 1929, ang batong-panulok ng bantayog ni Gat. Andres Bonifacio sa Grace Park, Kalookan ay inilatag.
                                                          o     O     o

          Ang Kabataang Makabayan (KM), isang makabayang samahan ng mga kabataan, ay itinatag nina Jose Maria Sison at Nilo Tayag sa Pamantasan ng Pilipinas noong Nobyembre 30, 1964.
                                                          o     O     o

          Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Mabuhay ang Filipino Movement noong Nobyembre 30, 1972, kasabay ang pagdiriwang ng ika-100 kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on November 30:
1856 – Manuel Luna, violin virtuoso and brother of Juan and Antonio Luna – in Badoc, Ilocos Norte (d. July 15, 1883).
Isang larawan ni Gat Andres Bonifacio
na iginuhit ni Egai Fernandez para sa
taklob-pahina ng aklst ni Sylvia Mendez
Ventura na Supremo: The Story of Andres
Bonifacio.











1863 – Andres Bonifacio, founder of the Katipunan and Father of the Philippine Revolution – in Tondo, Manila (d. May 10, 1897).











1915 – Emmanuel Neri Pelaez, lawyer, statesman and vice-president (1961-1963) – in Medina, Misamis Oriental (d. July 27, 2003).
1928 – Andres dela Rosa Narvasa, 19th Chief Justice of the Supreme Court (Decmber 8, 1991 – November 30, 1998) – in Manila.
1970 – Andre Garcia Tiangco, stage actor and director – in San Fernando, Pampanga.


Larawang Tribiya
Si Jon Bon Jovi tampok sa taklob-pahina ng
Circus Magazine November 30, 1985 issue.
          Kilala si Jon Bon Jovi (tunay na pangalan John Francis Bongiovi Jr) bilang magaling na singer-songwriter at lead singer ng rock band na Bon Jovi. Alam niyo ba ang pamagat ng kaniyang unang professional recording? Nagtrabaho si Jon Bon Jovi bilang janitor sa recording studio ng kaniyang pinsang si Tony Bongiovi noong siya ay 17-taong gulang. Noong 1980, nang nagre-recording si Meco ng “Christmas in the Stars: The Star Wars Christmas Album,” inirekomenda ng pinsan niya na si Bon Jovi ang kumanta ng “R2-D2 We Wish You A Merry Christmas.” Ito ang kauna-unahan niyang professional recording at ginamit niya ang pangalan John Bongiovi.
                             o     O     o

No comments:

Post a Comment