Monday, April 9, 2012

April 9

 
April issues of different magazines


April 9
Mr. & Ms. Magazine Vol. XXV No. 49, April 9, 2002
On the Cover: Dingdong Avansado & Jessa Zaragoza

Events that happened on April 9
1942 – The “Fall of Bataan,” which marked the beginning of total Japanese occupation of the Philippines during World War II. It was renamed “Araw ng Kagitingan” (Day of Valor) by President Marcos and declared a national holiday.


Personalities and celebrities born on April 9:
1969 – April Boy Regino (real name Dennis Regino Magdaraog), singer-songwriter – in Marikina.
April Boy Regino on his record album “Jukebox Idol”
 
1983 – Borgy Manotoc (full name Martin Borgy Marcos Manotoc), model and actor – Honolulu, Hawaii.
Borgy Manotoc with girlfriemd Georgina Wilson on the cover of Preview  March 2011 issue.


Larawang Tribiya
          Ang American actress na si Grace Kelly (1929-1982) ay unang napanood sa maliit na bahagi sa pelikulang Fourteen Hours (1951). Ang pangalawa niyang pelikulang nilabasan ay ang classic na High Noon (1952), kung saan gumanap siya bilang ang maybahay na Quaker ni Gary Cooper.
          Sa sumunod na apat na taon lumabas siya sa halos sunod-sunod na pelikulang pumatok sa takilya kabilang ang Mogambo (1953) ni John Ford, ang Dial M for Murder (1954) ni Alfred Hitchcock, ang The Country Girl (1954) kung saan nagwagi siya ng Academy Award para sa Best Actress sa pagganap bilang asawa ng isang lasenggo, ang Rear Window (1954) at ang To Catch a Thief (1955).
          Noong April 1955, nakilala ni Grace Kelly si Prince Rainier ng Monaco. Sinasabing ang prinsipe ay naghahanap noon ng kaniyang magiging kabiyak. Kinakailangan kasing magkaroon siya ng tagapagmana batay sa isang tratado (1918) sa pagitan ng France at Monaco; kung hindi ay mababalik sa France ang pamamahala sa Monaco.


On the left: Portrait of American actress Grace Kelly on the cover of Movie Secrets (April 1954).

On the right: Grace Kelly preparing to be a princess, ten days before her wedding
to prince Rainier of Monaco on the cover of Life (April 9, 1956).
          Nag-propose ng kasal si Prince Rainier noong December 1955 kay Kelly. Kinailangan ng pamilya ni Kelly na makapaglabas ng dalawang milyong dolyar na dowry upang matuloy ang kasal.
          Sa edad na wala pang 27-anyos, ipinasiya ni Kelly na iwanan ang kaniyang kasikatan at pagiging artista upang tanggapin ang pagiging prinsesa ng Monaco. Noong April 12, 1956, dumating si Kelly sa Monaco kasama ang kaniyang pamilya. Libo-libong katao ang pumuno sa mga lansangan ng Monaco upang salubungin ang nakatakdang maging prinsesa ng bansa.
          Noong April 19, 1956, ikinasal sina Prince Rainier at Grace Kelly. Ito ay isa sa pinakainilathalang kasalan sa kasaysayan ng daigdig. Nang taon ding yaon inilabas ng MGM ang huling pelikulang nilabasan ni Kelly, ang musical comedy na High Society, kung saan ang highlight ng pelikula ay ang pakikipagduweto ni Kelly kay Bing Crosby ng awit na “True Love.”
                                                               o     O     o






No comments:

Post a Comment