Friday, August 31, 2012

August 31


AUGUST 31
Pilipino Komiks Taon 20 Blg. 495, Agosto 31, 1967
Tampok sa taklob-pahina ang iginuhit na pagsasalarawan ng kuwentong showbiz
tungkol sa awayang Lucita Soriano at Stella Suarez


Agosto 31 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 31, 1821, natapos ang paghihimagsik ng mga Boholano (Bohol Rebellion) laban sa mananakop na mga kastila. Ang himagsikan ito na tinatawag din sa kasaysayan na Dagohoy Revolt (Si Francisco Dagohoy ang nagsimula ng himagsikang ito) ang pinakamatagal sa kasaysayan ng Pilipinas.
                                                          o     O     o 

Isang commemorative stamp ng
Pangulong Ramon Magsaysay na
naglalaman ng kaniyang diwa.

          Ang Kauna-unahang Gawad Gantimpalang Ramon Magsaysay (Ramon Magsaysay Award) ay ipinagkaloob sa mga larangan ng government service, public service, community leadership, journalism and literature, at international understanding noong Agosto 31, 1958. Mula sa araw na ito, taunan ng ipinagkakaloob ang gawad na ito sa mga karapat-dapat at natatanging mga tao sa pag-alaala kay Pangulong Ramon Magsaysay.
                                                          o     O     o




          Ang Surigao (kabisera ng Surigao del Norte) ay idineklarang isa ng siyudad sa pamamagitan ng Republic Act No. 6134 noong Agosto 31, 1970.
                                                          o     o     o


Personalities and celebrities born on August 31:
1893 – Vicente Salumbides, pioneer in the film industry of the Philippines and delegate to the 1934 Constitutional Convention – in Lopez, Quezon (d. August 6, 1979).

1907 – Ramon Magsaysay, Seventh President of the Philippines (1953-1957) – in Iba, Zambales (d. March 17, 1957).

Ramon Magsaysay (as Secretary of Defense during President Elpidio Quirino’s term, 1948-1953),
on the cover of Time (November 26, 1951).


1917 – Ramon C. Aquino, 15th Chief Justice of the Supreme Court of the Philippines (November 20, 1985 – March 6, 1986) – in Lemery, Batangas.
1918 – Lucresia R. Kasilag, musician, composer, music teacher and National Artist for Music (1988).
1928 – Jaime Sin, cardinal of the Catholic Church and 13th Archbishop of Manila – in New Washington, Aklan (d. June 21, 2005).




Jayne Mansfield on the cover of
Beau August 1966 issue
(scan courtesy of anonymous contributor).
Picture Trivia
          Jayne Mansfield (real name Vera Jayne Palmer, 1933-1967) was the first female lead actress that appeared totally naked in a Hollywood mainstream film –  Promises! Promises! (1963). After her portrayal in the film, Mansfield was chosen to replace the then recently deceased Marilyn Monroe in Kiss Me Stupid (1964), a romantic-comedy, opposite Dean Martin. She declined because she was pregnant at the time. The role went to Kim Novak. In 1966, she did the film Single Room Furnished under the direction of her third husband Matt Cimber (real name Thomas Vitale Octaviano).
          Do you know where she get’s the name “Mansfield?” It’s from her first husband Paul Mansfield.
 
 
                                   o     O     o

Thursday, August 30, 2012

August 30



AUGUST 30
(Lingguhang) Darna Komiks Taon 9 Blg 384, Agosto 30, 1976
Tampok sa harapang pabalat sina Vilma Santos at Romeo Enriquez,
At sa likurang pabalat ang Smolbateribols ni Larry Alcala.

Agosto 30 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 30, 1896, naganap ang Battle of Pinaglabanan, kung saan ang mga kulang sa sandatang mga Katipunero sa pamumuno ni Gat Andres Bonifacio ay magiting na nakipaglaban sa mga sundalong Kastila sa isang pook sa San Juan (na noon ay bahagi ng lalawigan ng Rizal). Noong 1973, isang bantayog ang itinayo upang alalahanin ang mga nagbuwis ng buhay sa naturang pook na “Pinaglabanan.”
                                                          o     O     o

          Ang Mutual Defense Pact sa pagitan ng Pilipinas at America ay nagkaroon ng bisa noong Agosto 30, 1951. Layon ng kasunduang ito na magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng dalawang bansa at upang ipagsanggalang ang kapakanan ng bawat isa laban sa pagsalakay ng ibang bansa.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on August 30:
1850 – Marcelo Hilario del Pilar, leading propagandist during the Spanish colonization, editor of La Solidaridad, journalist, poet and writer in Tagalog and Spanish – in Cupang, Bulacan, Bulacan (d. July 4, 1896).
1886 – Rosauro Almario, writer, newspaper, politician and founder of the Aklatang Bayan – in Tondo, Manila (d. March 11, 1933).
1954 – Edgardo “Edgar” Mortiz, singer and actor, in Quezon City.
Edgar Mortiz (kasama si Vilma Santos)
sa taklob-pahina na Pilipino Reporter (Pebrero 8, 1974)
1980 – Antoinette Taus (full name Antoinette Cherish Flores Taus), actress, singer and commercial model – in Angeles, Pampanga.
Antoinette Taus (with Dingdong Dantes)
on the cover of Mr. & Ms. (March 2, 1999)
1982 – Gionna Jimenez Cabrera, model, Binibining Pilipinas-Universe 2005 and Miss Photogenic (2005 Miss Universe Beauty Pageant) – in Manila.
1985 – Kelly Misa (full name Raquel Denise Galvez Misa), model, beauty columnist and television host – in Manila.
Kelly Misa
on the cover of MOD (February 25, 2005) and Mobile Philippines (March-April 2007)


The T-1000 “Liquid Metal Terminator”
(portrayed by Robert Patrick),
in the film Terminator 2: Judgment Day,
on the cover of Entertainment Weekly
(August 30, 1991).
Picture Trivia
          Robert Patrick played the role of FBI agent John Doggett in the TV series The X-Files. In the episode titled “Salvage” (January 14, 2001), he mentioned “You only see metal men in movies.” This can be alluded to Patrick portraying the role of the T-1000, the extremely difficult to destroy liquid metal terminator, in the film Terminator 2: Judgment Day (1991).
          Incidentally, when the production of Terminator 2 was announced in 1984, the estimated budget was 12 million dollars. The production cost, however, reached 102 million dollars, the first film to exceed a 100-million-dollar budget.
o     O     o


Wednesday, August 29, 2012

August 29


AUGUST 29
Modern Komiks Taon 2 Blg. 31, Agosto 29, 1967
Tampok sa taklob-pahina si “Captain Modern” na kathang-isip ni Jul Calixto at iginuhit ni Al Sanchez.


Agosto 29 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 29, 1898, Hinalinhan ni Heneral Elwell Otis si Heneral Wesley Merritt bilang American military governor ng Pilipinas. Si Otis ay nakilala sa kasaysayan sa paggawa ng mga kalupitan at kabuktutan laban sa mga mamamayang Filipino nang panahon ng Philippine-American War.
                                                          o     O     o

          Ika-29 ng Agosto, 1981, nang maging World Junior Lightweight boxing champion si Rolando Navarrete matapos niyang mapatulog ang Ugandan-born na si Coenelius Boza-Edwards.
                                                          o     O     o

          Napasama si Eugene Torre sa grandmaster candidate match sa Mexico noong Agosto 29, 1982. Si Torre ang kauna-unahang Filipino at Asyano na naging grandmaster sa chess.
                                                          o     O     o 


Personalities and celebrities born on August 29:
1862 – Candido Tirona, revolutionary general, Secretary of War of the Magdalo Council and hero of the Battle of Binakayan – in Kawit, Cavite (d. November 10, 1896).
1930 – Caloy Loyzaga (full name Carlos Matute Loyzaga), basketball player known as the “Big Difference” – in Manila (d. January 27, 2016).
1935 – Luis Robredo Villafuerte Sr, politician – in Camarines Sur.
1954 – Neptali Medina Gonzales II, politician – in Mandaluyong City.
1958 – Chito Loyzaga (full name Joaquin Cuerva Loyzaga), basketball player – in Manila.
1988 – Iwa Moto (real name Aileen Quinodo Iwamoto), actress and model –  in Tagum City Davao del Norte.
Iwa Moto
on the covers of MOD (July 24, 2006), UNO (January 2008),
FHM Philippines (September 2008) and Playboy Philippines (August 2012).

Ang “Bondying”
Ang katha ni Mars Ravelo na “Bondying”
tampok sa taklob-pahina ng
Pilipino Komiks Blg. 163 (Agosto 29, 1953)
          Kakaiba sa lahat ng mga karakter sa komiks ang “Bondying” na likhang-isip ni Mars Ravelo. Ito ay kuwento tungkol sa isang taong lumaki na ang pag-iisip at pananalita ay nanatiling sa isang batang paslit, na bagama’t inosente ang pagkukuro ay may natatanging talino at katusuan. Ito ay dahil sa pagpapalaki ng kaniyang lola. Karaniwang tampulan ng katatawanan ang mga pangyayaring pumapalibot sa kapaligiran niya, lalo na ang hawak niyang napakalaking mamador. Datapuwa’t may drama ring aantig sa puso ng mga mambabasa.
          Ayon mismo kay Ginoong Ravelo, isa ang Bondying sa limang pinaka-paborito niyang obra. Maganda ang pagkakasulat ng kuwento na may naiibang kiliti na sinubaybayan ng mga mambabasa. Una itong lumabas sa mga pahina ng Pilipino Komiks Blg. 161 noong Agosto 1, 1954. Ito ay iginuhit ni Elpidio Torres.
          Mula sa panulat ni Ravelo, ilang pelikula rin ang ginawa na kinatampukan ng karakter na si Bondying. Ang una ay ang Bondying (1954) na tinaguriang “Ang Batang Laki sa Nuno.” Ito ay isinapelikula ng Sampaguita Pictures sa ilalim ng direksiyon ni Armando Garces at pinagbidahan ni Fred Montilla. Nasundan ito ng Tatay na si Bondying (1955) na si Fred Montilla pa rin ang gumanap sa pangunahing papel. Taong 1973 nang lumabas ang Ato Ti Bondying na pinatnugutan ni Celso Ad. Castillo, kung saan si Jay Ilagan naman ang gumanap na Bondying. Ang huli ay pinagbidahan ni Jimmy Santos – ang Bondying: The Little Boy (1989) – kung saan ang screenplay ay isinulat ni Jose Javier Reyes at ginawa sa ilalim ng direksiyon ni Mike Relon Makiling.
                                                          o     O     o



“Rogel Maglaya”

Ang nobelang-komiks na “Rogel Maglaya”
na kathang-isip ni Damy Velasquez
at iginuhit ni Celso Trinidad, tampok sa
Pinoy Komiks Blg. 8 (Agosto 29, 1963).
          Isang masalimuot na kuwento ng iba’t-ibang pakikibaka ang kathang-isip ni Damy Velasquez sa katauhan ng karakter na si “Rogel Maglaya”. Ito ay iginuhit ni Celso Trinidad at unang lumabas kasabay ng unang isyu ng Pinoy Komiks noong Mayo 23, 1963.
                             o     O     o

















 

Si Anne Curtis, tampok sa taklob-pahina ng
Gadgets 10th Anniversary issue (August 2010).
Larawang Tribiya
          Si Anne Curtis ay 12-anyos lamang nang siya ay madiskubre na maging artista. Ito ay habang nagbabakasyon siya sa Pilipinas galing ng Australia kung saan sila naninirahan ng kaniyang mga magulang. Si Anne Curtis ay anak ng isang abogadong Australian na nagngangalang James Curtis-Smith at ni Carmen Ojales, isang Filipinang may dugong Kastila.
          Noong 2010, dalawang pelikula ang nilabasan ni Anne Curtis kung saan mga ex-boyfriends niya ang naging katambal niya, si Sam Milby sa pelikulang Babe, I Love You at si Richard Gutierrez sa pelikulang In Your Eyes, kung saan napili siyang Best Supporting Actress sa 29th Luna Awards.
                             o     O     o

Tuesday, August 28, 2012

August 28



AUGUST 28
Espesyal Komiks Taon 3 Blg. 232, Agosto 28, 1961
Tampok sa taklob-pahina ang nobelang-komiks na “Nawaglit na Langit”
na isinulat ni Clodualdo del Mundo na iginuhit ni Fred Carillo

Agosto 28 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 28, 1901, itinatag ni Pascual H. Poblete ang Partido Nacionalista (Nationalist Party). Ang una nitong layunin ay hingin ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa mga mananakop na Amerikano.
                                                          o     O     o

          Sa panahon ng rehimeng Cory Aquino, Agosto 28, 1987, nang pangunahan ni Lt. Colonel Gregorio “Gringo” Honasan ang mga opisyal at sundalo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na dismayado sa panunungkulan ni Aquino sa isang armadong pag-aaklas o coup d’etat.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on August 28:
1844 – Agustine de la Rosa, propagandist, founder of Masonry in the Philippines and leader of the Union Espiritista de Filipinas – in Paco, Manila (d. June 2, 1918).
1851 – Nazaria Lagos, revolutionary worker and remembered as the person who secured the cloth to be sewn as the first Philippine flag – in Barunggan (now Jaguimit), Dueñas, Iloilo (d. January 27, 1945).
1873 – Jose Torres Bugallon, revolutionary leader and hero of the Battle of La Loma – in Salasa, Pangasinan (d. February 3, 1899).
1963 – Gerry Ortega (full name Gerardo Valeriano Ortega), veterinarian, journalist, community organizer, environmental activist, known for his works to promote crocodile-farming in the Philippines and his advocacy against mining on the island of Palawan – in Aborlan, Palawan (d. January 24, 2011).
1992 – Max Collins (Isabelle Abiera Collins), actress and model – in California.

Max Collins
on the cover of Bannawag (March 10, 2014)



Ang magkapatid na Alex at Toni Gonzaga,
tampok sa taklob-pahina ng MOD
(August 28, 2006).
Larawang Tribiya
          Ang agwat ng edad ng magkapatid na Toni at Alex (Cathy) Gonzaga ay apat na taon kulang ng apat na araw!
                             o     O     o

Monday, August 27, 2012

August 27



AUGUST 27
Prime Weekly Edition Vol. 2 No. 28, August 2, 1987
On the Cover: Lorna Llames
 
Agosto 27 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 27, 1847, sa pamamagitan ng isang royal decree, ang Malacañang ay ginawang summer residence ng Spanish governor general. Dito nagsimulang maging seat of power ang palasyo ng Malacañang.
                                                          o     O     o

          Ang National Artist Award (Visual Arts) ay ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand Marcos kay Vicente Manansala noong Agosto 27, 1981, limang araw pagkatapos na ito’y namayapa.
                                                          o    O     o

          Noong Agosto 27, 1993, inamin ng U.S. government ang pagkakaroon ng mga nakalalasong basura (toxic waste) sa dalawang military bases: Clark Air Base (sa Pampanga) at Subic Naval Base (sa Zambales).
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on August 27:
1839 – Licerio Cuenca Topacio, revolutionary hero (d. April 19, 1925).
1855 – Licerio Geronimo, revolutionary general and hero of the Battle of San Mateo (Rizal) during the Philippine-American War – in Sampaloc, Manila (d. January 16, 1924).
1886 – Pura Villanueva Kalaw, civic leader, writer and leading exponent of the women’s suffrage movement – in Molo, Iloilo (d. March 21, 1954).
1912 – Jose Bayani Laurel Jr, politician and Speaker of the House of Representatives (1953-1957, 1967-1971) – in Tanauan, Batangas (d. March 11, 1998).
1924 – Fernando Zobel de Ayala (full name Fernando Montojo de Torrontegui Zobel de Ayala), Spanish-Filipino painter, businessman and patron of the arts – in Ermita, Manila (d. June 2, 1984).
1940 – Amalia Fuentes (real name Amalia Muhlach), actress – in Manila. 
Amalia Fuentes
on the covers of Aliwan Komiks (June 4, 1966) and Zoom Komiks (August 3, 1968).
 
1942 – Benedicto Reyes Cabrera, painter and National Artist (2006) – in Malabon, Rizal (now part of metro Manila).
1950 – Pen medina (full name Crispin Medina Sr), actor and movie writer – in Manila.
1952 – Benjamin Saplan Lim, Chinese-Filipino politician and entrepreneur – in Dagupan City.
1959 – Leila Magistrado de Lima, lawyer and Secretary of Justice – in Iriga City.

1967 – Ogie Alcasid (full name Herminio Jhay Alcasid Jr, singer-songwriter, actor-comedian and parodist – in Manila.

Ogie Alacasid and his wife Regine Velasquez,
kissing on the occasion of “The Songwriter Marries the Songbird,”
featured on the cover of Yes August 2011 issue
(courtesy of Susan Ang-Sy Dy).
1970 – Pokwang (real name Marietta Subong), actress, comedienne, television host and recording artist.



Ang “Senyorita de Kampanilya”
ni Clodualdo del Mundo,
tampok sa taklob-pahina ng
Pilipino Komiks Blg. 215 (Agosto 27, 1955)
“Senyorita de Kampanilya”
          Ang “Senyorita de Kampanilya” (1955-1956) ay kuwentong isinulat ni Clodualdo del Mundo at iginuhit ni Fred  Carillo para sa Pilipino Komiks. Isinapelikula naman ito ng Sampaguita Pictures noong 1956 sa ilalim ng direksyon ni Jose de Villa. Si Rita Gomez ang gumanap sa pangunahing papel na Senyorita de Kampanilya. Ang iba pang mga bituin sa pelikula ay kinabibilangan nina Eddie Arenas, Tito Garcia, Barbara Perez at Ric Rodrigo.
                             o     O     o














Si Angel Locsin tampok sa taklob-pahina ng
MOD (August 2010).
Larawang Tribiya
          Noong Enero 28, 2008, nagsimula ang unang teleserye na pinagbidahan ni Angel Locsin (bilang Lyka Raymundo) sa ABS-CBN na may pamagat na Lobo. Tumagal ang teleseryeng ito tungkol sa mga taong-lobo ng halos limang buwan at kalahati, at nanguna sa evening primetime ratings. Makalipas ang dalawang taon, nagkaroon ng sequel ang teleserye, ang Imortal (2010-2011). Dito ipinagpatuloy ni Locsin ang pagganap bilang Lyka Raymundo Ortega at, sa layon ng kuwento, bilang Lia Ortega, ang anak ni Lyka. Muling pumaimbulog sa ratings ang teleserye, at nagkaroon pa ito ng “cult following” at naging popular sa Internet nang lumabas ang lingguhang webisode nito na Anino’t Panaginip: The Hidden Chapters of Imortal.
          Sa mga nagsasabing kinopya ang mga teleseryeng Lobo at Imortal sa pelikulang Twilight. Isa itong malaking pagkakamali. Halos magkasabay lang ginawa ang Lobo at ang Twilight. Na-nominado pa nga si Locsin sa Emmy Awards sa kaniyang pagganap bilang Lyka. Ang maaari pa ngang sabihin ay posibleng ang mga eksena sa Lobo ang kinopya. Halimbawa ay ang eksenang tumatalon si Lyka at nagiging isang malaking lobo, na napanood na sa Lobo noon pang 2008, ay nakita rin sa mga sequel pa ng Twilight na New Moon (2009) at Eclipse (2010).
                             o     O     o

Sunday, August 26, 2012

August 26


AUGUST 26
MOD Vol. 37 No. 1766, August 26, 2005
On the Cover: Erich Gonzales
 
Agosto 26 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 26, 1896, unang iwinagayway ng mga Katipunero sa pamumuno ni Andres Bonifacio ang watawat ng Katipunan.
                                                          o     O     o

          Ipinasa ng Philippine Commission ang Act No. 854 noong Agosto 26, 1903.  Ang batas na ito ang nagpapahintulot sa mga Filipino scholars na makapag-aral sa America.
                                                          o     O     o

          Ang Communist Party of the Philippines ay itinatag ni Crisanto Evangelista noong Agosto 26, 1930. Makalipas ang walong taon, nakipagkaisa ito sa Socialist Party ni Pedro Abad Santos. Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas, binuo nila ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon (Hukbalahap) na naging pangunahing kapisanang guerilla sa Luzon. Ang partidong ito ay muling itinatag ni Jose Maria Sison.
                                                          o     O     o


          Sa araw na ito – Agosto 26, 2012 – ang Philippine basketbal team na Smart Gilas 2 ay nagwagi ng kampeonato sa Jones Cup matapos talunin ang koponan ng United Satates 76-75. Ito ang ikaapat na pagkakataon na napagwagian ng koponan ng Pilipinas ang Jones Cup; ang huli ay noong 1998.

                                                          o     O     o

Si “Juan de la Cruz”
          Alam niyo ba na ang karakter na si Juan de la Cruz ay hindi likha ng isang Filipino? Ang “Juan de la Cruz” ay pangalang-sagisag na karaniwang ginagamit para sa mamamayang Filipino gaya ng ang “Uncle Sam” ay sumasagisag sa isang Amerikano. Ginagamit din itong katumbas ng “John Doe” patungkol sa isang bangkay na lalaki na hindi kilala.
          Ang karakter na ito ay likhang-isip ng Scottish-born journalist na si Robert McCulloch Dick (1873-1961). Una niya itong nabanggit nang siya ay isang reporter na nagsusulat sa The Manila Times noong 1905, matapos madiskubre na ang pinakakaraniwang pangalang natatala sa mga police blotters at court dockets sa Manila at sa mga kalapit nitong lungsod ay “Juan.” Inangkupan naman niya ito ng apelyidong “de la Cruz” dahil sa nakita niyang pagiging relihiyoso ng mga Filipino.
          Noong August 26, 1908, unang nakita ang caricature ni “Juan de la Cruz” sa pahina Philippine Free Press na nabili ni McCulloch Dick mula kay W. A. Kincaid. Ang caricaiture, na unang iginuhit ni Jorge Pineda, ay larawan ng isang lalaking nakasuot ng salakot, camisa de chino at nakapaa. Sa makabagong panahon, napalitan ng Barong Tagalog ang kaniyang suot at nagkaroon ng tsinelas o sapatos ang kaniyang mga paa.
          Sa kasaysayan naman ng mga santong Katoliko, mayroong isang nagngangalang Juan de la Cruz na naging santo. Siya ay isang Spanish mystic na naging pangunahing pigura sa Catholic Reformation.
                                                          o     O     o

Personalities and celebrities born on August 26:
1906 – Ceferino Garcia, champion professional boxer and inventor of the “Bolo punch” – in Naval, Biliran (formerly part of Leyte) (d. January 1, 1981).

Boxer Ceferino Garcia (an illustration with a backdrop of a farmer using a bolo)
on the cover of The Ring (September 1939).
1908 – Rufino Jiao Santos, first Filipino cardinal of the Catholic Church – in Guagua, Pampanga (d. September 3, 1973).
1954 – Efren “Bata” Reyes (full name Efren Manalang Reyes), world champion professional billiards player known as “The Magician” – in Angeles City, Pampanga.
World billirards champion Efren “Bata” Reyes
on the cover of Billiards Digest (November 2006).
 
1977 – Barbie Almalbis-Honasan (born Yvette Barbra Hontiveros Almalbis), singer and songwriter – in Roxas City, Capiz.
1980 – Dorothy Delasin, American-born Filipino champion golfer – in Lubbock, Texas, U.S.A.
1988 – Niña Jose (real name Marie Claire Jose), actress and model – in Manila.
Niña Jose
on the covers of Maxim Philippines (February 2009) and Bannawag (June 4, 2012).

 
Ang Hara-Siri ni Gregorio C. Coching
Ang mala-epikong kuwentong “Hara-siri”
na isinulat at iginuhit ni Gregorio C. Coching,
tampok ang katapusang labas sa taklob-pahina
ng Tagalog Klasiks Blg. 30 (Agosto 26, 1950).
Ang kaniyang anak na si Francisco V. Coching
ang gumuhit ng taklob-pahinang ito.
          Ang mala-epikong kuwentong “Hara-Siri” ay kathang isinulat at iginuhit ni Gregorio C. Coching tungkol sa isang Muslim Sultanate noong panahon ng Madjapahit Empire sa Asia. Si Hara-Siri ay isang anak ng tulisang-dagat na Turko na naging isang malupit na sultana. Umibig siya kay Ramdit Arawari, na anak ni Sultan Marikudo, ang naghahari sa mga lupaing nasasakupan ng emperyo ng Madjapahit. Unang lumabas ang kuwentong ito sa mga pahina ng Tagalog Klasiks Blg.22 noong Mayo 6, 1950 at nagtapos noong Agosto 26, 1950.
                             o     O     o
















Christopher Reeve on the cover of
Time (August 26, 1996) during his
“heroic battle to rebuild his life and
champion the quest to cure
spinal-cord injuries.”
The Tallest Superman
          Christopher Reeve (1952-2004) is the third Hollywood actor to portray the role Superman. He first donned the costume of the “Man of Steel” in Superman (1977), which was followed by three sequels. The last, Superman IV: The Quest for Peace (1987), he directed himself. Reeve, with a height of 6’-4” (1.93-meter), is the tallest Hollywood actor to play the role of Superman.

                              o     O     o
 

 











Mia Farrow on the cover of Look
(August 26, 1969).
Picture Trivia
          American-born actress Mia Farrow (real name María de Lourdes Villiers Farrow) is the daughter of film director John Farrow and actress Maureen O’Sullivan. She was first married to singer-actor Frank Sinatra in 1966, but it lasted only two years. Sinatra wanted her to stop making the controversial film Rosemary’s Baby (1968), and instead join him in the film The detective. Farrow refused, so in the actual set of Rosemary’s Baby, Sinatra gave her their divorce papers.
                           o     O     o