Saturday, August 11, 2012

August 8

 
Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Agosto


AUGUST 8
Pioneer Komiks Taon 4 Blg. 97, Agosto 8, 1966
Nasa taklob-pahina ang nobela ni Pablo Gomez na iginuhit ni Nestor Leonidez


UNANG LABAS
Ang Del Suprior Gobierno, ang kauna-unahang pahayagan (newspaper) sa Pilipinas, ay lumabas sa sirkulasyon noong Agosto 8, 1811.
Agosto 8, 1920 naman ng itatag ang payagang Philippine Herald, ang kauna-unahang daily newspaper sa Pilipinas.


MUKHA NG NAKARAAN
Tampok sa taklob-pahina ng Say Magazine Vol. 1 No. 23, August 8, 1989 issue
ang portrait illustration ni Imelda Ongsiako Cojuangco bilang
ang pinakamayaman sa “Ten Richest Widows” sa Pilipinas.


Agosto 8 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 8, 1901, binuo ng American cavalryman na si Captain Henry T. Allen ang Philippine Constabulariy, at ito ay itinatag sa pamamagitan ng Act 175 ng Philippine Commission bilang isang local police force sa ilalim ng pamamahala ng Civil Governor.
                                                          o     O     o

          Ang Quezon Institute ay itinatag noong Agosto 8, 1938,
                                                          o     O      o
 
Sa paggunita ng ika 43-anibersaryo ng
pagkakatatag ng ASEAN, tampok sa
taklob-pahina ng Philippine Panorama
Magazine August 8, 2010 issue ang ASEAN
Secretariat at ang mga watawat ng 10
Kasaping bansa ng kapisanan.


          Ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay itinatag sa Bangkok, Thailand, noong Agosto 8, 1967 upang patatagin ang economic at cultural development, at mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon. Ang mga founding members nito ay ang Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailand.
                                                          o     O     o
















Personalities and celebrities born on August 8:
1928 – Luis Gonzales (real name Luis Mercado), actor – in Tondo, Manila (d. March 15, 2012).
On the left: Luis Gonzales during his early twenties.
On the right: Luis Gonzales as Senator Ferdinand E. Marcos in the film Iginuhit ng Tadhana (1965).

1948 – Presbitero J. Velasco Jr, jurist – in Pasay City.
Carmi Martin gracing the cover of Health and
Lifestyle (H&L) Magazine November-December
2008 issue.









1963 – Carmi Martin (full name Maria Carmita Martin), actress and model – in Manila.











1973 – Morris East, American-Filipino boxing champion – in Olongapo, Zambales.


MUKHA NG TUWA AT LIGAYA
Si Jolina Magdangal at ang kaniyang inang si Ginang Paulita
sa taklob-pahina ng Mr. & Ms. Magazine August 8, 2000 issue.



Si Donna Reed sa taklob-pahina ng TV Guide
August 9-14, 1959 issue.

Larawang Tribiya
          Nagsimula ang The Donna Reed Show, isang situation-comedy television series ng ABC noong 1958. Ang series ay umiinog sa buhay ni Donna Stone (na ginampanan ni Donna Reed), ang kaniyang asawang si Dr. Alex Reed (Carl Betz), isang pediatrician, at ang kanilang dalawang anak na sina Jeff (Paul Petersen) at Mary (Shelley Fabares). Tumagal ang sitcom ng walong seasons kung saan si Donna Reed ay nagawaran ng Golden Globe Award at nagkaroon ng apat na Emmy Award nominations para sa kaniyang pagganap.
                             o     O     o











No comments:

Post a Comment