Saturday, August 4, 2012

August 4

Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Agosto

AUGUST 4
Screen Komiks Taon 1 Blg. 18, Agosto 4, 160
Nasa taklop-pahina ang artista ng LVN Pictures na si Lourdes Medel

MUKHA NG NAKARAAN
Ang ika-35 pangulo ng America na si John F. Kennedy,
nasa taklob-pahina ng Life Magazine August 4, 1961 issue,
ilang buwan matapos ang nabulyayasong paglusob
at tangkang pananakop sa Cuba (Bay of Pigs, April 1961).


Agosto 4 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 4, 1964, inaprubahan ang pagpapalit ng petsa ng pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan ng Hunyo 12 mula Hulyo 4. Ito ay sa pamamagitan ng Republic Act 4166. Subalit tuluyan lamang itong ipinatupad noong Hunyo 12, 1966 sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos.
                                                          o     O     o

          Ang bayan ng San Jose sa Nueva Ecija ay idineklarang isang lungsod sa pamamagitan ng Republic Act 6051.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on August 4:
Phil Younghusband on the cover of Garage
Magazine April-May 2011 issue. (Courtesy
0f Ana Marinette S. Abe)









1987 – Phil Younghusband (full name Philip James Placer Younghusband), English-Filipino football player – in Ashford, Surrey, England.











1995 – Jessica Sanchez (full name Jessica Elizabeth Bugay Sanchez), American-born Mexican-Filipino singer and 2012 American Idol runner-up dabbed as the “World Idol” – in Chula Vista, California.


Larawang Tribiya
Ang batikang actor na si Samuel L. Jackson
(sa pelikulang Snakes on a Plane), nasa
taklob-pahina ng Entertainment Weekly
August 4, 2006 issue. Pansinin ang winikang
sipi ni Jackson sa naturang pelikula: “I’ve had
it with these motherfucking snakes on this
motherfucking plane!”
          Noong 2006, nagbida si Samuel L(eroy) Jackson sa pelikulang Snakes on a Plane bilang ang FBI agent na si Neville Flynn. Alam niyo ba kung gaano karaming ahas ang ginamit sa pelikula? Humigit-kumulang 450 iba’t-ibang uri ng ahas, kabilang ang isang 22-talampakang Burmese python na binansagan ng production crew na “Kitty.” Datapuwa’t karamihan sa mga napanood na ahas ay idinadag digitally.
          Sa taong 2006, halos kasabay na nagbida rin si Jackson sa pelikulang Black Snake Moan. Wala namang kaugnayan sa mga ahas ang pelikulang ito, at ang pamagat ng pelikula ay halaw lamang sa awit ng American blues singer at guitarist na si “Blind” Lemon Jefferson noong 1927. Sa pelikulang ito, ginampanan ni Jackson ang papel na Lazarus, isang dating blues musician na iniwan ng kaniyang asawa, at ang istorya ay umiinog sa pagtulong niya kay Rae (Christina Ricci), isang dalagitang malaon ng inaabuso ng kaniyang mga magulang.
                                      o     O     o

No comments:

Post a Comment