Sunday, August 19, 2012

August 19


Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Agosto

AUGUST 19

Pilipino Komiks Taon 16 Blg. 442, Agosto 19, 1965
Tampok sa taklob-pahina ang nobela ni Mars Ravelo na “Kiti-Kiti”
na iginuhit ni Jim Fernandez.
 
UNANG LABAS
Ang Philippine Free Press, isang lingguhang magasin sa wikang English, ay itinatag ng isang Amerikanong hukom na nagngangalang W. A. Kincaid. noong 1906. Sinasabing nabili ito ni Robert McCCulloch Dick (1873-1961) sa halagang isang piso. Muling sinimulan ni McCulloch-Dick ang paglilimbag ng mgazine noong noong Agosto 19, 1908. Sa ikalawang isyu ng magazine na ito (August 26, 1908) unang lumabas ang caricature ni "Juan de La Cruz," na sinasabing sumasagisag sa katauhan ng isang Filipino.  Madaling naubos ang puhunan ni McCulloch-Dick na 8,000 piso, subalit bago nabangkarote ang Philippine Free Press, kinuha niya si Theo S. Rogers na maging business managers.  Ang babasahing ito ay naging isang popular political magazine sa Pilipinas matapos ang World War II.
                                                            o     O     o

 

Sexy Movie Stars komiks magasin Blg. 1
na lumabas sa noong Agosto 19, 1997.
Tampok si Rosanna Roces bilang
ang una nitong cover girl.
Ang Sexy (Movie) Stars ay isang komiks magazine na unang inilabas sa sirkulasyon ng Atlas Publishing Co., Inc. noong Agosto 19, 1997, sa ilalim ng pamamatnugot ni Antonio S. Tenorio. Ayon na rin sa pagkakapahayag sa mga taklob-pahina nito, ang babasahin ay sinasabing may temang “seksi pero hindi bold.” Ang unang limang cover girls nito ay sina Rosanna Roces, Amanda Page, Ina Raymundo, Rita Magdalena at Ana Capri.
                                   o     O     o














Agosto 19 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Ang Dansalan (sa lalawigan ng Lanao del Norte) ay idineklarang isang siyudad (city) noong Agosto 19, 1940, sa pamamagitan ng Republic Act No. 592. Noong 1956, ang pangalang Dansalan ay pinalitan ng Marawi City sa pamamagitan ng Republic Act No. 1552. Sa Marawi City matatagpuan ang main campus ng Mindanao State University.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on August 19:
1831 – Mariano Alvarez, school teacher, revolutionary general and Katipunan officer – in Noveleta, Cavite (d. August 25, 1924).
1841 – Luis Yangco, nationalist businessman and philanthropist – in Bacoor, Cavite (d. October 16, 1907). 
1878 – Manuel Luis Quezon, statesman and first president of the Philippine Commonwealth – in Baler, Tayabas (now Aurora) (d. August 1, 1944).

President Manuel Luis Quezon on the covers of
Time Vol. XXVI No. 22 (November 25, 1935)
and 1898 Vol. II No. 15 (August 1998)

1902 – Jose Benedicto Luna Reyes, associate justice of the Supreme Courts – in Manila (d. December 27, 1994).
1959 – Maria Isabel Lopez, beauty pageant titlist, model and actress – in Cagayan de Oro City.

1998 – Ella Guevarra (full name Janella Denise Yuson Guevarra), actress – in Quezon City.




Si Maricar Reyes tampok sa taklob-pahina
ng Metro (August 2009)
Larawang Tribiya
          Noong 2009, unang namalas ng madla ang kariktan ni Maricar Reyes sa variety show na ASAP, kung saan ipinakilala siya bilang bagong talent ng Star Magic. Sumunod ay nakasama siya sa pelikulang And I Love You So na pinagbidahan nina Bea Alonzo, Sam Milby at Derek Ramsay at kung saan naging nominado siya sa Star Awards “New Movie Actress of the Year.”
          Nang sumunod na taon, siya ay kasama sa supporting cast ng Angel Locsin-John Lloyd Cruuz TV series na Imortal kung saan ginampanan niya ang papel bilang Samantha Imperial, ang anak ng pinuno ng mga bampira.
                              o     O     o

No comments:

Post a Comment