JULY 23
Holiday Komiks Taon 4 Blg. 88, Hulyo 23, 1966
Nasa taklob-pahina ang “Buhay Tin-edyer” ni Ading Gonzales
|
UNANG LABAS
Ang unang labas ng “Varga” na katha ni Mars Ravelo sa Bulaklak (Hiyas ng Tahanan) Taon 4, Blg. 17, Hulyo 23, 1947. |
Marami
ang nakakaalam na ang kinikilalang paboritong superheroine ng bayan na si Darna
ay mula sa naunang katha ni Mars Ravelo na Varga. Alam niyo ba na ang
konsepto ng isang babaeng superhero ay unang sumagid sa isip ni Mars Ravelo
noong 1939, matapos niyang masubaybayan ang paglitaw ni Superman sa Action
Comics? Si Superman ang naging inspirasyon ni Ravelo sa paglikha sa isang
original Filipino superheroine na una niyang tinawag na Suprema, ang
“Kamangha-manghang dilag” (“The Wonder Woman”). Ang pangalang Suprema ay halaw
sa salitang “Supremo” o “pinakamataas na pinuno” na siyang pangalang-sagisag na
ginamit ni Andres Bonifacio. Tataglayin ni Suprema ang kakayahang katulad ng
kay Superman.
Binago
ni Ravelo ang pangalang Suprema dahil sa payo ng isang kaibigan na nagsabi sa
kaniya na baka may magalit at sabihin pang iniinsulto niya si Bonifacio.
Taga-Cavite kasi si Ravelo at nang panahon iyon ay mainit pa ang usapin sa
nangyari sa magkapatid na Bonifacio. Ang pangalan ngang ipinalit niya ay Varga.
Si Varga ay lubhang napakalakas, nakalilipad at ang costume ay mala-watawat ng
Pilipinas. Inialok ni Ravelo ang kaniyang konsepto sa mga American at Filipino
publishers subali’t hindi ito agad binigyang pansin. Ang sabi nila, hindi raw
bebenta ang isang babaeng superhero.
Noong
huling bahagi ng 1939, inalok ni Ravelo sa magasing Liwayway ang “Varga” subali’t hindi ito tinanggap. Kaya
pansamantala itong itinago ni Ravelo hanggang matapos ang World War II. Noong
1947, muling inialok ni Ravelo, sa pagkakataong ito, ang kaniyang nilikhang
superheroine sa magasing Bulaklak.
Unang nabasa ang pakikipagsapalaran ni “Varga” sa Bulaklak (Hiyas ng Tahanan) Taon 4 Blg 17, Hulyo 23, 1947.
Ang
“Varga” ay isinulat at iginuhit mismo ni Ravelo, na ang paraan ng pagdidibuho
nang panahon yaon ay pinaghalong mga istilo ng kaniyang iniidolong Irish
cartoonist na si George McManus (1884-1954) at ng Jewish-American animator na
si Max Fleischer (1883-1972). Subali’t naging malikot ang tadhana kay Ravelo, hindi
nagtuloy-tuloy ang kabuuang kuwento ng Varga dahil nagkaroon siya ng
di-pagkakasundo sa kaniyang editor, at ang pagmamay-ari sa kaniyang katha ay
napunta sa Bulaklak.
Nang
ilipat niya sa Pilipino Komiks ang
kaniyang superheroine, kinailangan niyang baguhin ang pangalan nito. Ang
“Darna” taliwas sa mga hakahaka, ay hindi nagmula sa “Ibong Adarna” ng
panitikang Pilipino. Ito ay mula sa anagram ng “Narda” na pangalan ng batang
babaeng alter-ego ni Varga.
Events that happened on July 23:
1935 – The first Commonwealth election was approved.
Personalities and celebrities born on July 23:
1815 – Apolinario de la Cruz (better known as Hermano Pule), founder of the Cofradia de San Jose, a messianic organization – in Lucban, Quezon Province (d. November 4, 1841)
1864 – Apolinario Maranan Mabini, revolutionary thinker, political philosopher and the “Brain of the Philippine Revolution” – Talaga, Tanauan, Batangas (d. May 13, 1903).
1954 – Bernard Fabiosa, basketball player known as the “Sultan of Swipes” – in Bohol.
Bernard Fabiosa on the cover of Sports Weekly Magazine (July 24, 1981). |
1971 –
Maureen Mauricio, actress and model – Olongapo, Zamabales.
Maureen Mauricio on the back cover inside spread of Pinoy Erotika Extra Hot No. 2 (March 1989) |
1971 – Eugene Domingo (full name Eugena Roxas Domingo), actress-comedienne and television host – in Malate, Metro Manila.
1982 – Zanjoe Acuesta Marudo, actor and model – in Tanauan, Batangas.
Do you know that the film Green Lantern (2011) was conceptualized
as early as 1997? Warner Brothers approached filmmaker and comic book writer
Kevin Smith to write the script for the first Green Lantern film, but he
declined. A few directors were also offered to do the film including Greg
Berlanti and Zack Snyder but it didn’t push through. Many actors were also
being eyed to portray the role including Sam Worthington, Chris Pine, Brian
Austin Green, Bradley Cooper, Justin Timberlake at Jared Leto. Finally, Greg
Berlanti, Michael Green and Marc Guggenheim wrote the script while Geoff Johns
became creative consultant. Martin Campbell took the helm as director, and in
2009, Ryan Reynolds was chosen to portray the role of Hal Jordan and his
alter-ego superhero the Green Lantern.
o O o
o O o
No comments:
Post a Comment