Sunday, July 1, 2012

July 1


ALAM MO BA 'TO?
(Do You Know This?)




Ang Buwan ng Hulyo
          Ang buwan ng Hulyo o July ay ang pangpitong buwan sa Gregorian Calendar. Noong panahon ng mga Romano, ito ang panglimang buwan at tinatawag na Quintilis. Ito ay batay sa kalendaryong likha umano ni Romulus, ang legendary ruler ng Rome, at nagsimula noong 738 B.C. Noon namang 45 B.C. pinalitan ang pangalan nito ng July bilang pagpaparangal kay Julius Caesar, ang magiting na emperador ng Roma.
          Ang gitnang oras at araw ng buong taon ay nasa buwan ng Hulyo. Sa regular na taon, ang ika-2 ng Hulyo ang gitnang araw ng taon.
          Nang sinaunang panahon, onyx ang birthstone ng buwan ng Hulyo, subalit sa makabagong panahon ruby ang natatanging hiyas ng buwan. Ang larkspur at water lily naman ang mga bulaklak para sa buwan ng Hulyo.


JULY 1
Mars Ravelo Weekly Vol. 2 No. 95, July 1, 1978
On the cover: Vilma Santos
 
GLIMPSE FROM THE PAST
Irish film actress and singer Maureen O’Hara
 On the cover page of Silver Screen July 1942 issue.
 
Events that happened on July 1:
1875 – The first issue of Revista de Filipinas, a fortnightly newspaper in Spanish (edited by Jose Felipe and contained Ethnographic, historical and scientific studies pertaining to the Philippines, came off the press.
1902 – The Philippine Bill of 1902 known as the Cooper Law (sponsored by Congressman Henry Allen Cooper) was approved by the U.S. Congress. It provided for the establishment of civil government in the Philippines.
1947 – The Philippine Air Force was established.


Personalities and celebrities born on July 1:
1850 – Rafael Enriquez, painter and first director of the University of the Philippines College of Fine Arts (d. May 5, 1937)
1889 – Olivia Salamanca, pioneer woman physician and Secretary of the Philippine Anti-Tuberculosis Society – in San Roque, Cavite (d. July 11, 1913).
1918 – Pedro L. Yap, commissioner of the Presidential Commission of Good Government (PCGG), United Nation senior human rights officer, and 18th Chief Justice of the Supreme Court (April 18, 1888 – July 1, 1988) – in San Isidro, Leyte.


Si Maria Eva Duarte de Peron o Evita,
sa isang paglalarawan sa taklob-pahina
ng True Story (Sex News Komiks) Blg. 3
na may petsang Hulyo 1, 1985.
Larawang Tribiya
          Sa mga nakarinig na ng awiting “Don’t Cry for Me Agentina” ni Julie Covington, Olivia Newton-John at Madonna, ang babaeng tinutukoy ng awit ay si Maria Eva Duarte de Peron (1919-1952) na higit na kilala sa tawag na “Evita.” Siya ang pangalawang asawa ng naging pangulo ng Argentina na si Juan Peron (1895-1974). Mula sa isang mahirap na pamilya sa liblib na kabayanan ng Los Toldos, umangat si Evita hanggang sa naging first lady ng Argentina.
          Maraming kuwento ang naisulat tungkol kay Evita, at ilang beses na ring naisa-pelikula ang kaniyang buhay. Marami ring iskandalo ang naiugnay sa kaniya. Isa na rito ang diumano’y paggamit niya ng kaniyang alindog na puhunan upang umangat ang katayuan sa lipunan. Isa ang Literature Nobel Prize winner na si Vidiadhar Surajprasad Naipaul sa mga nagsulat hinggil dito. Nagpahiwatig pa si Naipaul na ang mga mapupulang labi ni Evita ay magaling sa sex act na fellatio.
          Ano’t-ano man, sa kasaysayan ng Argentina, nasusulat na marami siyang nagawang kabutihan para sa mga maralita, higit lalo sa mga kababaihan, ng kanilang bansa. Ayon kay Cristina Alvarez Rodriguez, ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Argentina, malaki ang pagkakautang ng mga babae ng kaniyang henerasyon kay Evita sa larangan ng pakikibaka.
                             o     O     o






No comments:

Post a Comment