|
Tatlong makakasunod na isyu ng The Daily Sun
Vol. 1 Nos. 100, 101 & 102, Hulyo 8, 9 at 10, 2013 |
Maliwanag naman ang sinasabi ng Banal na
Kasulatan tungkol sa homosexuality. Gayon din ang mga pagsasaliksik sa larangan
ng agham.
EDITORIAL
KADYOT
PAKALIKOT NI ESTONG PAYATOT
ABOMINASYON
Part I
Maraming
pumupuna, lalo na sa mga social media, sa paglaganap ng mga programa sa
telebisyon na hindi maganda ang mga temang nilalaman. Puro na lang daw tungkol
sa mga asuwang at kabaklaan ang mapapanood lalo na sa evening primetime. Ano na
nga ba ang nangyayari sa mundo natin ngayon at lumalaganap ang mga karumaldumal
o ang tinatawag sa Bibliya na abominasyon?
Kamakailan
lamang ay naglabas ng desisyon ang Supreme Court ng California, ang
pinakamalaking estado sa America, na pumapabor sa legalisasyon ng same-sex
marriage. Nauna rito, ang bansang France ay nagpatupad din ng kahawig na
deklarasyon. Anak ng alanganing tikbalang, mukhang tumitiwarik na nga ang
mundo!
Sabihin
pa, nagbunyi ang mga bakla at lesbiyana sa lahat ng mga nakatagong aparador sa
buong daigdig, kasama na ang Pilipinas. Ikinalungkot naman ito ng iba’t-ibang
relihiyon, kabilang na ang simbahang Katoliko kung saan nabibilang ang higit na
nakararaming Filipino.
Ayon
sa Bibliya, tatlong bagay ang itinuturing na abominasyon: Idolotriya o ang
pagsamba sa larawan, rebulto o diyos-diyosan, homosexuality o pagsiping ng
lalake sa kapuwa lalake, at bestiality o pagsiping sa hayop.
Maliwanag
na mula sa simula ay nagbigay na ng alituntunin ang Panginoong Diyos tungkol sa
mga bagay na lubha niyang kinamumuhian, at kabilang dito ang kabaklaan o
homosexuality: “Huwag kang sisiping sa lalake ng gaya sa babae: karumadumal
nga!” (Leviticus 18:22).
Mahigpit
ang parusang itinakda ng Diyos para sa mga lalabag sa kaniyang alituntunin: “At
kung ang isang lalake ay sumiping sa kapuwa lalake, na gaya ng pagsiping sa
babae, sila ay kapuwa nagkasala ng karumaldumal. Sila’y papatayin ng walang
pagsala, mabububo ang kanilang dugo sa kanila.” (Leviticus 20:13).
Alam
niyo ba na sa Middle East, ilang bahagi ng Africa, at Asia, ang parusa sa
nahuhuling homosexual acts ay life imprisonment o death penalty? Ganun! Kaya
doon sa mga kaibigan kong medyo alanganin, iwasan po ninyong mag-abroad sa mga
lugar na ito.
Sa
Bagong Tipan, ang homosexuality ay itinuturing na karumihan at kahalayan:
“Gayon ang mga lalake na nang iwan ang katutubong kagamitan sa mga babae ay
nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa’t-isa, na gumagawa ng
kahalayan ang mga lalake sa kapuwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng
kagantihan ng kanilang pagkakamali. At palibhasa’y hindi nila minagaling na kilalanin
and Diyos, ibinigay sila ng Diyos sa isang mahalay na pag-iisip upang gawin
yaong mga bagay na hindi nangararapat.” (Romans 1:27-28).
AMEN!