Isa pang wakasang kuwentong isinulat ko sa
ilalim ng sagisag-panulat na Uriel Arkanghel at iginuhit ni Oscar Gotis. Ang
“Hindi Ba Sapat ang Pag-ibig?” ay isang paghamon sa awiting “Sometimes Loves
Just Ain’t Enough.” Ako’y nanininiwala na kung tunay ang pag-ibig, ito ay higit
pa sa higit at umaapaw sa kasapatan.
“Ang pag-ibig ay mapagpahinuhod, at
magandang-loob; ang pag-ibig ay hindi nananaghili; ang pag-ibig ay hindi
nagmamapuri; hindi mapagpalalo. Hindi nag-uugaling mahalay, hindi hinahanap ang
kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama; hindi nagagalak
sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan; lahat ay binabata, lahat ay
pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis. ANG PAG-IBIG AY HINDI
NAGKUKULANG KAILAN MAN: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga
wika, ay titigil; maging mga kaalaman, ay mawawala.” – Ang Unang Sulat ni Pablo
sa mga Taga Corinto 13:4-8, Ang Biblia,
Ang Banal na Kasulatan sa Wikang Tagalog.
No comments:
Post a Comment