Showing posts with label Daily Sun. Show all posts
Showing posts with label Daily Sun. Show all posts

Monday, July 31, 2017

Dapat bang Binabayaran ang mga Ito?


Dalawang magkasunod na isyu ng The Daily Sun
Vol. 1 Nos. 111 and 112, Hulyo 31 at Agosto 1, 2013

Sa isyung ito ng Kadyot Pakalikot ni Estong Payatot, tinalakay ko ang mga bayaring dapat suriin ng taong-bayan at pamahalaan kung dapat nga bang bayaran, ang mga ipinapatong na singilin na mga utility companies na wala sa katuwiran. Ang tanong uli, “Dapat Bang Binabayaran ang mga Ito?”




“Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita;
At huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan.
Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao:
Sa gayo’y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.”
          – Mga Awit 119:133-134, Ang Biblia, Ang Banal Na Kasulatan sa Wikang Tagalog.

Wednesday, July 26, 2017

Kadyot Pakalikot ni Estong Payatot: Ang Kapal!


The Daily Sun Vol. 1 No. 108, Hulyo 26, 2013
Tampok sa bungad-pahina ang headline na
“Ilang Senador at Kongresista Idinawit sa Anomalya sa Customs!”
na isinulat nina Bobby C. Ticzon at Jo de Guzman.

Ang tila baga kinagigiliwang editoryal ko noon sa The Daily Sun na Kadyot Pakalikot ni Estong Payatot na may subtitle na “Ang Kapal!”


“Bumabantay ang katuwiran sa matuwid na daan; nguni’t inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan.” – Mga Kawikaan 13:6, Ang Biblia, Ang Banal na Kasulatan sa Wikang Tagalog.

Sunday, July 16, 2017

Kadyot Pakalikot ni Estong Payatot: Abominasyon


Tatlong makakasunod na isyu ng The Daily Sun
Vol. 1 Nos. 100, 101 & 102, Hulyo 8, 9 at 10, 2013


Maliwanag naman ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa homosexuality. Gayon din ang mga pagsasaliksik sa larangan ng agham.

EDITORIAL
KADYOT PAKALIKOT NI ESTONG PAYATOT

ABOMINASYON
Part I

          Maraming pumupuna, lalo na sa mga social media, sa paglaganap ng mga programa sa telebisyon na hindi maganda ang mga temang nilalaman. Puro na lang daw tungkol sa mga asuwang at kabaklaan ang mapapanood lalo na sa evening primetime. Ano na nga ba ang nangyayari sa mundo natin ngayon at lumalaganap ang mga karumaldumal o ang tinatawag sa Bibliya na abominasyon?
          Kamakailan lamang ay naglabas ng desisyon ang Supreme Court ng California, ang pinakamalaking estado sa America, na pumapabor sa legalisasyon ng same-sex marriage. Nauna rito, ang bansang France ay nagpatupad din ng kahawig na deklarasyon. Anak ng alanganing tikbalang, mukhang tumitiwarik na nga ang mundo!
          Sabihin pa, nagbunyi ang mga bakla at lesbiyana sa lahat ng mga nakatagong aparador sa buong daigdig, kasama na ang Pilipinas. Ikinalungkot naman ito ng iba’t-ibang relihiyon, kabilang na ang simbahang Katoliko kung saan nabibilang ang higit na nakararaming Filipino.
          Ayon sa Bibliya, tatlong bagay ang itinuturing na abominasyon: Idolotriya o ang pagsamba sa larawan, rebulto o diyos-diyosan, homosexuality o pagsiping ng lalake sa kapuwa lalake, at bestiality o pagsiping sa hayop.
          Maliwanag na mula sa simula ay nagbigay na ng alituntunin ang Panginoong Diyos tungkol sa mga bagay na lubha niyang kinamumuhian, at kabilang dito ang kabaklaan o homosexuality: “Huwag kang sisiping sa lalake ng gaya sa babae: karumadumal nga!” (Leviticus 18:22).
          Mahigpit ang parusang itinakda ng Diyos para sa mga lalabag sa kaniyang alituntunin: “At kung ang isang lalake ay sumiping sa kapuwa lalake, na gaya ng pagsiping sa babae, sila ay kapuwa nagkasala ng karumaldumal. Sila’y papatayin ng walang pagsala, mabububo ang kanilang dugo sa kanila.” (Leviticus 20:13).
          Alam niyo ba na sa Middle East, ilang bahagi ng Africa, at Asia, ang parusa sa nahuhuling homosexual acts ay life imprisonment o death penalty? Ganun! Kaya doon sa mga kaibigan kong medyo alanganin, iwasan po ninyong mag-abroad sa mga lugar na ito.
          Sa Bagong Tipan, ang homosexuality ay itinuturing na karumihan at kahalayan: “Gayon ang mga lalake na nang iwan ang katutubong kagamitan sa mga babae ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa’t-isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa kapuwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali. At palibhasa’y hindi nila minagaling na kilalanin and Diyos, ibinigay sila ng Diyos sa isang mahalay na pag-iisip upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat.” (Romans 1:27-28).
 



 
AMEN!

Saturday, July 8, 2017

Kadyot Pakalikot ni Estong Payatot: Baha Republic


Tatlong makakasunod na isyu ng The Daily Sun
Vol. 1 Nos. 94, 95 & 96, Hulyo 8, 9 at 10, 2013

Ang ikatlong labas ng Kadyot Pakalikot ni Estong Payatot na may subtitle na “Baha Republic.” Hinati ito sa tatlong bahagi.



“Narito, ang PANGINOON ay may isang makapangyarihang at malakas na sugo, parang bagyo ng granizo na manggigibang bagyo, parang unos ng bumubugsong tubig na bumababa, ay ibubuwal niya sa lupa sa pamamagitan ng malakas na kamay.” – Ang Aklat ng Propeta Isaias 18:2, Ang Biblia, Ang Banal na Kasulatan sa Wikang Tagalog.
 


Tuesday, June 27, 2017

Kadyot Pakalikot ni Estong Payatot: "K" Para sa Kamangmangan


The Daily Sun Vol. 1 Nos. 87 & 88, Hunyo 27 & 28, 2013

Tampok sa magkasunod na isyu ng The Daily Sun ang aking tudling (editorial) na Kadyot Pakalikot ni Estong Payatot, na pinamagatang “K Para sa Kamangmangan,” at tumalakay sa baluktot na programang pang-edukasyon na K-12.


“Ang ituwid ang baluktot ay hindi magagawa,
Hindi rin naman mabibilang ang sadyang wala!”
          – Ecclesiastes 1:15, Banal na Kasulatan
          (Isang kathang pagliliwat)

Sunday, June 18, 2017

Kadyot Pakalikot ni Estong Payatot: Hayop na Buhay


The Daily Sun Vol. 1 No. 80, Hunyo 18, 2013
Tampok sa pabalat ang headline na “Contact Numbers ni P-Noy Na-Hack!”
na isinulat ni Kristopher Loyola.

Ito ang unang pagkakataon na ang isang editorial na isinulat ko ay nailimbag sa isang pahayagan, The Daily Sun (Hunyo 18, 2013), bagama’t ako ay nakapagsulat na bilang “ghostwriter” ng ilang editorials noon pa mang ako ay nasa 5th year college sa pamamatnugot ng dalawang batikang mamamahayag na sina Alejandro “Tito Anding” R. Roces at Ginoong Louie Beltran. Nakapagsulat na rin ako ng semi-editorial column sa Men’s World na may pamagat na Humor & Rage (Tignan ang susunod na post).
Ang Kadyot Pakalikot ni Estong Payatot ay naisip kong isang nakatutuwang pamagat na nakatatawag pansin rin sa mga mambabasa, bukod sa ako rin naman ay may kapayatan. Maituturing na ang “kadyot pakalikot” ay isang pariralang may “double meaning,” manapa’y ang isang pahiwatig ay seksuwal ang dating. Sa higit na malalim na hiwatig, ang nais kong ipakahulugan dito ay “punang malalim at humahalukay.” Para sa unang kadyot, pinuna ko ang mga “kahayupan” ng paligid at pagkakataon.



“May tatlong bagay na maganda sa kanilang lakad, oo, apat na mainam sa lakad: Ang leon na pinakamatapang sa mga hayop, at hindi humihiwalay ng dahil sa kanino man; ang asong matulin; ang kambing na lalake rin naman; at ang hari na hindi malalabanan.” – Mga Kawikaan 30:29-31, Ang Banal na Kasulatan sa Wikang Tagalog.

Saturday, June 10, 2017

Dagdag Kaalama: Intsik na Kasapi ng Katipunan, atbp.


Dalawang magkasunod na isyu ng The Daily Sun
Vol. 1 Nos. 74 & 75, Hunyo 10 at 11, 2013

Tampok sa “Dagdag Kaalaman” ang “Intsik na Kasapi ng Katipunan,” “Pangulong Hindi Inihalal,” at “Bangkaroteng Hari.”



“Kayo’y nagtanim ng marami at umani ng kakarampot;
Kayo’y kumakain ngunit hindi nabubusog;
Kayo’y umiinom ngunit patuloy na nauuhaw;
Kayo’y nagdaramit ngunit patuloy na giniginaw;
At siya na kumikita sa gawang pinagpaguran,
Walang natitipon dahil may butas ang lalagyan.”
          – Ang Aklat ni Hagai 1:6, Banal na Kasulatan
          (Isang kathang pagliliwat)

Saturday, May 27, 2017

Dagdag Kaalaman: Mga Kakatwang Hayop


Dalawang magkasunod na isyu ng The Daily Sun,
Vol. 1 Nos. 64 & 65, Mayo 27 at 28, 2013


Mga kakatwang hayop ang mababasa sa magkasunod na labas ng “Dagdag Kaalaman.”



“Mga dakilang gawa Niya’y di natin mauunawaan, mga kababalaghan Niya ay walang katapusan.” – Ang Aklat ni Job 5:9, Magandang Balita Biblia, Tagalog Popular Version.

Tuesday, May 23, 2017

Dagdag Kaalaman: Samu't-Saring Paghahambing


Dalawang parehong pang-Miyerkules na isyu ng The Daily Sun,
Vol. 1 Nos. 61 & 66, Mayo 22 at 29, 2013.



Mga samu’t-saring paghahambing sa “Dagdag Kaalaman” sa The Daily Sun, Mayo 22 at 29, 2013.




“..... Isa pang talinhaga ang isinalaysay ni Jesus sa kanila. ‘Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kaniyang bukid. Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, ito’y nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagiging punongkahoy, kaya’t nakakapagpugad ang mga ibon sa mga sanga nito.” – Ang Magandang Balita Ayon Mateo 13:31-32, Magandang Balita Biblia, Tagalog Popular Version.

Tuesday, May 9, 2017

Dagdag Kaalaman: Samu't-saring Tribiya


Dalawang magkasunod na isyu ng The Daily Sun,
Vol. 1 Nos. 52 & 53, Mayo 9 at 10, 2013.

Sa tabloid na The Daily Sun, inilathala ang maiksing info & trivia column ko na “Dagdag Kaalaman.” Narito ang dalawang magkasunod na isyu.



“Ang kaluwalhatian ng DIYOS ay ipinapahayag ng kalangitan!
          Ang ginawa ng Kaniyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!
Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang,
          patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman.”
          – Mga Awit 19:1-2, Magandang Balita Biblia, Tagalog Popular Version.

Sunday, March 19, 2017

Dagdag Kaalaman: Ang Kulay Bughaw


The Daily Sun, Vol. 01 No. 17, Marso 19, 2013 Nasa bungad-pahina ang headline na “Misis ni Binay Hinarang sa NAIA!”
na isinulat ni Alvin Madan.
Tampok din ang “Photo Balita” tungkol sa pagsasagawa ng “Black Protest”
ng mga mag-aaral ng University of the Philippines laban sa pagtaas ng tuition fees
kasabay na panawagan ng katarungan
para sa nagpakamatay na estudyante na si Kristel Tejada.

Ang kolum na “Dagdag Kaalaman” tampok ang tungkol sa “Kulay Bughaw.”


“Kahit baha ay di kayang pigilin itong paggiliw,
          buhusan man nitong tubig, di makuhang palamigin.
Subukin mong ang pag-ibig ay sa yaman mo daanin,
          baka nga ang mangyari ay ikaw pa ang siyang kutyain.”
                    – Ang Awit ni Solomon 8:7, Magandang Balita Biblia,
                       Tagalog Popular Version.



Sunday, March 12, 2017

Dagdag Kaalaman: Ang Salitang "Sinta"


The Daily Sun, Vol. 01 No. 12, Marso 12, 2013
Nasa bungad-pahina ang headline na “Suplay ng Bigas Titiyaking Sapat”
na isinulat ni Jipper San Diego.
Tampok din ang mga larawan nina
Marian Rivera, Angel Locsin, Yeng Constantino at Vic Sotto.

Ang “Dagdag Kaalaman” ay aking kolum sa pahayagang tabloid, The Daily Sun, na nagsimula noong Pebrero 27, 2013. Ito ay naglalaman ng mga kawili-wiling mga kaalaman at trivia sa iba’t-ibang larangan. Tampok sa isyu na ito (Marso 12, 2013) ang salitang “Sinta” (p. 10).



“O pagsintang labis ang kapangyarihan....! Pag ikaw ang nasok sa puso ninoman, hahamaking lahat masunod ka lamang.” – Ika-80 saknong ng epiko ni Francisco “Balagtas” Baltazar (1788-1862) na Florante at Laura.


“Kay ganda mo, aking mahal; kay ganda mo, aking sinta,
          Sa akin ay nagdudulot ka ng galak at ligaya.
Kay hinhin ng iyong kilos tulad ng punong palmera,
          Ang dibdib mong ubod yaman ay tulad sa buwig niya.
Puno niya’y aakyatin upang bunga ay pitasin.
Sa tingin ko ang dibdib mo’y buwig ng ubas ang kahambing,
          Hininga mo ay mabango, mansanas nga ang katuring.
Ang tamis ng iyong labi ay katulad ng inumin,
          Dahan-dahang tumatalab habang ito’y sinisimsim.”
          – Awit ni Solomon, Magandang Balita Biblia, Tagalog Popular Version