Showing posts with label Puro Wakas. Show all posts
Showing posts with label Puro Wakas. Show all posts

Wednesday, July 19, 2017

Komiks: Hindi Ba Sapat ang Pag-ibig?


Mga Kuwentong Puro Wakas Taon 4 Blg. 178, Hulyo 19, 1993
Tampok sa taklob-pahina ang kuwentong “Bukas ang Magpapasya..... Bukas ang Hahatol”
na isinulat ni Ysidore Rey Avila at iginuhit ni Ernie Ocampo

Isa pang wakasang kuwentong isinulat ko sa ilalim ng sagisag-panulat na Uriel Arkanghel at iginuhit ni Oscar Gotis. Ang “Hindi Ba Sapat ang Pag-ibig?” ay isang paghamon sa awiting “Sometimes Loves Just Ain’t Enough.” Ako’y nanininiwala na kung tunay ang pag-ibig, ito ay higit pa sa higit at umaapaw sa kasapatan.



“Ang pag-ibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pag-ibig ay hindi nananaghili; ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri; hindi mapagpalalo. Hindi nag-uugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama; hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan; lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis. ANG PAG-IBIG AY HINDI NAGKUKULANG KAILAN MAN: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil; maging mga kaalaman, ay mawawala.” – Ang Unang Sulat ni Pablo sa mga Taga Corinto 13:4-8, Ang Biblia, Ang Banal na Kasulatan sa Wikang Tagalog.

Wednesday, July 12, 2017

Komiks: Laban sa Kalikasan


Mga Kuwentong Puro Wakas Taon 4 Blg. 177, Hulyo 12, 1993
Tampok sa taklob-pahina ang kuwentong wakasang “Kapag Naghilom ang Sugat ng Puso”
na isinulat ni Jun Amador Malgapo.
Iginuhit sa taklob-pahina ni Jo Luna at sa pahiang pangloob ni Israel Daplas.

Isang wakasang kuwento, ang “Laban sa Kalikasan” ay naisip kong isulat (sa ilalim ng sagisag-panulat na Uriel Arkanghel) bilang maliit na ambag sa pagpapahalaga sa kalikasan.


“Kung magkagayo’y aawit ang mga puno ng kahoy sa gubat dahil sa kagalakan sa harap ng PANGINOON, sapagka’t siya’y naparirito upang hatulan ang lupa.” – Ang Unang Aklat ng mga Cronica 16:33, Ang Biblia, Ang Banal na Kasulatan sa Wikang Tagalog.


Wednesday, June 28, 2017

Komiks Story: Kapangyarihan vs. Tadhana


Mga Kuwentong Puro Wakas Taon 4 Blg. 175, Hunyo 28, 1993
Tampok sa taklob-pahina ang kuwentong “Naiibang Kasalan”
ni Leonard R. Roa na iginuhit ni Arnel Avetria

Ikinararangal kong isa sa nagturo sa aking sumulat ng komiks scripts ay si Martial “Uncle Mars” Ravelo. Siya, si Ginang Ernie Evora-Sioco, at ang punong-patnugot ng Atlas Publishing Komiks Department na si Ginoong Tony Tenorio ang naghikayat sa akin na pumasok sa larangan ng komiks. Nakagawa ako ng 14 na kuwento at nasubukan ko ring makapagguhit sa tatlo sa mga ito. Ang kuwentong “Kapangyarihan vs. Tadhana” ay isa sa mga kuwentong isinulat ko sa ilalim ng sagisag-panulat na Uriel Arkanghel.



 “Nalalaman ko, na anomang ginagawa ng DIOS, magiging magpakailan pa man; walang bagay na maidadagdag, o anomang bagay na maaalis; at ginawa ng DIOS, upang ang tao ay matakot sa harap Niya.” – Ecclesiastes 3:14, Ang Biblia, Ang Banal na Kasulatan sa Wikang Tagalog.

Thursday, July 19, 2012

July 19

Mga Kwentong Puro Wakas Taon 4 Blg. 178, Hulyo 19, 1993
Tampok sa taklob-pahina ang kuwentong “Bukas ang Magpapasya... Bukas ang Hahatol”
na sinulat ni Ysidore Rey Avila at iginuhit ni Ernie Ocampo.

GLIMPSE FROM THE PAST
Eva Marie-Saint (for the film Waterfront),
on the cover of Life July 19, 1954 issue.
 
Events that happened on July 19:
1969 – Gloria Diaz won the Miss Universe Beauty Pageant, the first Filipina to do so.
Miss Gloria Diaz, First Filipina and third Asian to be crowned Miss Universe,
on the cover of The Sunday Times Magazine (August 31, 1969).
 
Personalities and celebrities born on July 19:
1933 – Juancho Gutierrez, actor – in Manila (d. October 2, 2005).
1976 – Diether Ocampo, actor and model – in Bacoor, Cavite.

Diether Ocampo on the cover of Health Today April 2003 issue.
 
1984 – Alessandra de Rossi (real name Alessandra Tiotongco Schiavone), award-winning actress, singer and model – England.
Alessandra de Rossi on the covers of MOD (July 8, 2005),
Girlfriend (March 2007), and FHM Philippines (April 2008).


Brooke Burke on the cover of
TV Star Guide July 2005 issue.
Picture Trivia
          Do you know that Brooke Burke, the often bikini-clad host of Wild On! first appeared in the 1986 film The Wraith? She did a cameo of a waitress on roller skates at the age of 15. Prior to this, she won her first beauty pageant at age 14.
          In 2005, she hosted the six-part anniversary special of the Lifestyle Network, Life is Great With Brooke Burke, and the CBS summer reality show Rock Star. In that same year, she divorced her husband of four years, Garth Fisher. They have two daughters, Neriah (born March 2000) and Sierra Sky (born April 2002).
 
 
                                      o     O     o









Thursday, July 12, 2012

July 12



JULY 12

Mga Kuwentong Puro Wakas  Taon 4, Blg. 177, Hulyo 12, 1993
Nasa taklob-pahina ang Kuwentong “Kapag Naghilom ang Sugat ng Puso” ni Jun Amador Malgapo.


GLIMPSE FROM THE PAST
American singer at cowboy actor Roy Rogers and his palomino named Trigger
on the cover page of Life July 12, 1943 issue.


Events that happened on July 12:
2010 – The Bureau of Fire Protection (BFP) discovered a gas leak near basement 4 of the West Tower Condominium in Barangay Bangkal, Makati city. The gas leak emanated from pipelines of the First Philippine Industrial Corporation.


Personalities and celebrities born on July 12:
1911 – Juan C. Laya, writer, novelist and editor – in San Manuel, Pangasinan (d. August 3, 1952).
1949 – Tisha Abundo (born Teresita Patrick Dominguez), educator, athlete and 1969 Presidential Awardee as “Most Outstanding Female National Player” – in Manila.
1977 – Jejomar “Junjun” Binay Jr, politician – in Makati City.
1985 – Juliana Palermo (real name Alvi July Juanico), model and actress – Davao City.
Juliana Palermo
on the two covers of Playboy Philippines (July 2012)




Beauty queen Caroline Subijano
on the cover of MOD Filipina July 12, 1991 issue.
Larawang Tribiya
          Nagsimula ang fashion career ni Caroline Subijano nang magwagi siyang Supermodel of the World – Philippines. Nasundan ito ng pagwawagi niya ng titulong Bininibining Pilipinas – World (1994). Siya ang sumunod kay Ruffa Gutierrez na nagwagi ng titulong ito noong 1993. Sa Miss World Pageant, umabot siya sa Top 10 semifinalists.
                             o     O     o







Thursday, May 31, 2012

May 31



MAY 31
Puro Wakas Taon 4 Blg. 171, Mayo 31, 1993
Tampok sa taklob-pahina ang guhit ni Arnold Reña Cruz batay sa kuwento ni Ed Rejaalde Tuboran na “Love Me Tindeng, Love Me Dear.”


Events that happened on May 31:
1889 – The article “La Verdad para Todos” (“The Truth for All”) written by Jose Rizal was published in La Solidaridad. This was Rizal’s first article for the newspaper.
1968 – The first FM radio station in the Philippines, DZFX-FM, went on the air for its first broadcast.

1951 – The first Darna movie, directed by Fernando Poe Sr and starring Rosa del Rosario, was shown courtesy of Royal Films.
Rosa del Rosario starred as Darna and Mila Nimpa played the role of her alter-ego, Narda,
in the first Darna movie.

Personalities and celebrities born on May 31:
1858 – Trinidad Tecson, revolutionary worker known as “Mother of Biak-na Bato” – in San Miguel de Mayumo, Bulacan (d. January 28, 1928)
1931 – Perfecto V. Fernandez, lawyer, professor and writer – in San Fabian, Pangasinan.
1969 – Robert “Ace” Smith Barbers, politician and lawmaker.


WIKApedia
An illustration of the new meaning of the
word “interactive” on the cover of Newsweek
May 31, 1993.

          Ano ang puwedeng katumbas ng salitang “interactive,” na may makabagong kahulugang patungkol sa kalakaran sa larangan ng computer at Internet, sa salitang Filipino?
          Ang salitang English na “act” ay may tuwirang pagsasalin sa Wikang Filipino na kilos, galaw o gawa. Samantalang ang “active” kung ililiwat ay maraming katumbas na kahulugan sa Wikang Filipino: Buhay (o may buhay), kumikilos, gising, gumagalaw, gumagawa, may bisa, may pakinabang, nakikipag-ugnayan, tumutukoy, umiiral, atbp. Ang prefix naman na “inter” ay maaaring iliwat bilang katumbas ng salitang “ugnay” o “sugpong” sa isang banda at “iba” o “palit” sa kabilang banda. Isa pang katumbas nito ay ang salitang “pagitan.” Sa Wikang English, ito ay ginagamit upang ipahiwatig ang “pag-uugnayan” o “pag-iiba ng dalawa o higit pang mga bagay, gawa o pangyayari. Ilang halimbawa ay interagency (ugnayan ng mga sangay), intercourse (ugnayan sa pagitan ng mga bagay o tao), interchange (pagpapalitan sa pagitan ng mga bagay), at intermediate (pangyayari sa pagitan ng dalawang bagay).
          Sa salitang “interactive” na nangangahulugan ng kakayahang “makipagpalitang ugnayan” sa pagitan, halimbawa, ng computer at ng taong gumagamit nito, magagamit ang pagsasanib-salita ng “palit” at “ugnay” – palit-ugnay. Kaya ang pinakamalapit na pagliliwat ng salitang “interactive” ay “makakapagpalit-ugnayan.” Sa pagbuboo ng mga salita, ang maaaring ipanukala rito ay “palitugnay.”
                                                          o     O     o




“Facebook (...and how it’s redefining privacy)”
on the cover of Time May 31, 2010 issue.
Larawang Tribiya
          Umabot ng 500 million ang mga active members ng Facebook noong July 21, 2010. Sa ngayon (May 31, 2012) ay halos isang billion na ang registered users ng Facebook.
          Ang pelikulang The Social Network (2010) ay patungkol sa pagkakatatag ng Facebook. Ang script ay sinulat ni Aaron Sorkin batay sa aklat na sinulat ni Ben Mezrich noong 2009. Ayon kay Mark Zuckerberg, na founder ng Facebook, ang pelikula ay hindi makatotohanan. Walang sinoman na taga-Facebook ang nakasali sa pagbuo ng konsepto ng pelikula, bagama’t si Eduardo Saverin, isa sa mga co-founders ng Facebook, ay naging consultant sa pagbuo ni Mezrich ng kaniyang aklat.
                                      o     O     o