Sunday, July 16, 2017

Kadyot Pakalikot ni Estong Payatot: Abominasyon


Tatlong makakasunod na isyu ng The Daily Sun
Vol. 1 Nos. 100, 101 & 102, Hulyo 8, 9 at 10, 2013


Maliwanag naman ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa homosexuality. Gayon din ang mga pagsasaliksik sa larangan ng agham.

EDITORIAL
KADYOT PAKALIKOT NI ESTONG PAYATOT

ABOMINASYON
Part I

          Maraming pumupuna, lalo na sa mga social media, sa paglaganap ng mga programa sa telebisyon na hindi maganda ang mga temang nilalaman. Puro na lang daw tungkol sa mga asuwang at kabaklaan ang mapapanood lalo na sa evening primetime. Ano na nga ba ang nangyayari sa mundo natin ngayon at lumalaganap ang mga karumaldumal o ang tinatawag sa Bibliya na abominasyon?
          Kamakailan lamang ay naglabas ng desisyon ang Supreme Court ng California, ang pinakamalaking estado sa America, na pumapabor sa legalisasyon ng same-sex marriage. Nauna rito, ang bansang France ay nagpatupad din ng kahawig na deklarasyon. Anak ng alanganing tikbalang, mukhang tumitiwarik na nga ang mundo!
          Sabihin pa, nagbunyi ang mga bakla at lesbiyana sa lahat ng mga nakatagong aparador sa buong daigdig, kasama na ang Pilipinas. Ikinalungkot naman ito ng iba’t-ibang relihiyon, kabilang na ang simbahang Katoliko kung saan nabibilang ang higit na nakararaming Filipino.
          Ayon sa Bibliya, tatlong bagay ang itinuturing na abominasyon: Idolotriya o ang pagsamba sa larawan, rebulto o diyos-diyosan, homosexuality o pagsiping ng lalake sa kapuwa lalake, at bestiality o pagsiping sa hayop.
          Maliwanag na mula sa simula ay nagbigay na ng alituntunin ang Panginoong Diyos tungkol sa mga bagay na lubha niyang kinamumuhian, at kabilang dito ang kabaklaan o homosexuality: “Huwag kang sisiping sa lalake ng gaya sa babae: karumadumal nga!” (Leviticus 18:22).
          Mahigpit ang parusang itinakda ng Diyos para sa mga lalabag sa kaniyang alituntunin: “At kung ang isang lalake ay sumiping sa kapuwa lalake, na gaya ng pagsiping sa babae, sila ay kapuwa nagkasala ng karumaldumal. Sila’y papatayin ng walang pagsala, mabububo ang kanilang dugo sa kanila.” (Leviticus 20:13).
          Alam niyo ba na sa Middle East, ilang bahagi ng Africa, at Asia, ang parusa sa nahuhuling homosexual acts ay life imprisonment o death penalty? Ganun! Kaya doon sa mga kaibigan kong medyo alanganin, iwasan po ninyong mag-abroad sa mga lugar na ito.
          Sa Bagong Tipan, ang homosexuality ay itinuturing na karumihan at kahalayan: “Gayon ang mga lalake na nang iwan ang katutubong kagamitan sa mga babae ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa’t-isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa kapuwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali. At palibhasa’y hindi nila minagaling na kilalanin and Diyos, ibinigay sila ng Diyos sa isang mahalay na pag-iisip upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat.” (Romans 1:27-28).
 



 
AMEN!

No comments:

Post a Comment