Saturday, December 8, 2012

December 8




DECEMBER 8
Mr. & Ms. Vol. 22 No. 32, December 8, 1998
On the Cover: Regine Velasquez
 
UNANG LABAS
Ang Playhouse Men’s Magazine ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Disyembre 8, 2007 (Bagama’t sa editorial box ay nakalagay ang petsang January 1, 2008). Ito ay inilimbag ng Atlas Publishing Inc. Kaiba sa mga nagsulputang franchised men’s magazine katulad ng FHM Philippines, Maxim Philippines at Playboy Philippines, ang Playhouse ay isang orihinal na babasahing panlalaki sa titulo at konsepto – ideyang Filipino subalit pang-International ang kalidad. Hindi rin ito limitado sa mga seksing larawan lamang ng mga babae kundi naglalaman din ito ng mga naiibang full featured articles (Sa unang isyu kabilang ang mga cover stories na “Lesbian Lovers” at “Female Centaur” ni Aidan Garcia, “Bobbittised” ni Liam Rodriguez, at “Inside Women’s Fantasies” ni Ernee Lawagan). Kabilang sa mga regular columns nito ay ang ““Playhouse Conversations” (panayam sa mga kilalang personalidad), “Ernee Lawagan’s Sexopedia” (isang compilation ng daan-daang termino at trivia tungkol sa sex), “Calvento Files Crime Classics” (pagbabalik-tanaw sa kuwento sa likod ng mga bantog at sensational crimes buhat sa tala ng pamosong investigative columnist na si Tony Calvento), “Sex Lives of Animals” (mga pagsasalarawan at kuwento tungkol sa pagtatalik ng mga iba’t-ibang klase ng hayop), “Playhouse Playroom” (tungkol sa mga bagong gadgets at gamit panlalaki), “Book You” (maiksing review ng mga bagong labas na aklat), at “Playhouse Sports” (tungkol sa mga pinag-uusapang personalidad, kaganapan at pangyayari sa larangan ng palakasan). Ang target readers nito ay ang mga tinaguriang "baby boomer" na siyang nagpapagalaw ng ating daigdig sa iba't-ibang larangan, nasa edad 40 hanggang 60 anyos, bagama't pumatok din ito sa mga panlasa ng mga young adults at middle-age readers. Ang nakatalang unang editor-in-chief nito ay si Zak Zorro Zamora.
Ang dalawang taklob-pahina ng unang isyu ng Playhouse Men’s Magazine.
Tampok si Claire Barberis bilang "Female Centaur" sa unang cover.
Ang unang dalawang isyu nito, na may dalawang magkaibang taklob-pahina (cover page), ay pumatok sa mga mambabasa. Ito ay dahil sa naiiba at makatawag-pansin nitong pagsasalarwan at nilalaman na paksa. Datapuwa’t sa di-mawaring dahilan binago ang konsepto nito sa ikatlo at lalo pa sa ika-apat at huling isyu. Ang dating mapagbago o revoltionary men’s magazine ay naging “ordinary” at ang dating mga kapanapanabik na paksa ay naging nakababagot. Isa ito sa ilang babasahin inilimbag ng Atlas na nakapanghihinayang ang pagkawala.


Disyembre 8 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Disyembre 8, 1941, sinalakay ng mga Japanese bombers and Clark Air Base sa Pampanga at ang mga kampo militar ng mga Amerikano sa Aparri, Baguio at Davao, na naging simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pacific.
                                                          o     O     o

          Ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay itinatag sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 78 noong Disyembre 8, 1972. Pinalitan nito ang Weather Bureau.
                                                          o     O     o

          Nagwagi si Manny “Pacman” Pacquiao sa pamamagitan ng technical Knockout laban kay Oscar “Golden Boy” de la Hoya sa labang tinawag na “The Dream Match.” Sumuko si de la Hoya sa ikasiyam na round dahil sa sobrang bugbog na inabot niya kay Pacquiao.
                                                          o     O     o


GLIMPSE FROM THE PAST
General Douglas MacArthur on the cover of Life (December 8, 1941).
The cover date of the magazine is also the same date the Japanese invaded the Philippines.
 
Personalities and celebrities born on December 8:
1959 – Dennis Roldan (real name Mitchell Yap Gumabao), actor – in Quezon City.

1978 – Pia Arcangel, television newscaster and journalist.
1981 – Ranidel Rozal de Ocampo, basketball player – in Tanza, Cavite.
1981 – Richard Huang Poon, Filipino-Chinese singer-songwriter – in Makati City.

1984 – Hero Angeles (full name Hero Gervacio Angeles), actor and director – in Pasig City.
Hero Angeles (with Sandara Park)
on the cover of Mr. & Ms. (December 14, 2004).
 

Martial arts master Jet Li on the cover of
Time (December 8, 2008).
Picture Trivia
          Jet Li and his family had a harrowing experience while they were vacationing in the Maldives when an Indian Ocean-wide tsunami hit the island after the Indonesian earthquake (December 26, 2004). After that life and death experience, Li established a foundation – The One Foundation – the objective of which is to help in international disaster relief with the Red Cross. (SEETsunami Survivor Jet Li LeadsRelief Concert,” April 1, 2017 post)

                             o     O     o


No comments:

Post a Comment