Showing posts with label Ernesto Lawagan. Show all posts
Showing posts with label Ernesto Lawagan. Show all posts

Sunday, October 1, 2017

Flashback: Campus Hassles and Dazzles


MOD 25th Anniversary Special, October 1999
On the cover: Reina Elizabeth Cobarrubias Escuadro


For MOD’s 25th Anniversary Special, I was assigned to write an article about the life of students, the quest for education, and the many “Campus Hassles and Dazzles” 25 years before and onward to 1999.

Also in this silver anniversary special are short write-ups, “Memories from Our (MOD’s) Contributors,” which included yours truly.



“Look straight ahead with honest confidence; don’t hang your head in shame. Plan carefully what you do, and whatever you do will turn out right.” – Proverbs 4:25-26, The Good News Bible in Today’s English Version.

Pinay Matematika: Mga Sinaunang Orasan


Pinay Digest Taon 2 Blg. 35, Oktubre 1-30, 1994

Tampok sa Pinay Matematika ang “Mga Sinaunang Orasan.”



“Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka’t ang panaho’y malapit na.” – Ang Apocalipsis ni Juan 1:3, Ang Biblia, Ang Banal na Kasulatan sa Wikang Tagalog.

Thursday, May 18, 2017

Fiction (Short Story): Sparrows in the Park


Mr. & Ms. Vol. 23 No. 4, May 18, 1999
On the cover: Lucy Torres-Gomez and her mom Julie Torres

This short story titled “Sparrows in the Park” (pp. 40-41), I wrote in memory of the infamous “Mendiola Massacre” (January 22, 1987) during the first year of President Cory Aquino. Farmers asking for genuine land reform rallying in the street going to Malacañang Palace were mercilessly fired upon and 18 of them were killed. The perpetrators of this heinous crime have yet been punished.



“.... He (or she) who does wrong will be repaid for the wrong which he (or she) has done, and there is no partiality.” – The Epistle of Paul the Apostle to the Colossians 3:25, Holy Bible, The New King James Version.


Sunday, April 30, 2017

Pinay Matematika: Paradoksiko



Pinay Digest Taon 2 Blg. 26, Abril 30, 1994
(First Anniversary Issue)


Ang pang-pitong isyu ng “Pinay Matematika” na ang paksa ay tungkol sa “Paradoksiko” (pp. 46-47).



“Lahat ng mga bagay ay nagsisidating na parapara sa lahat: may isang pangyayari sa matuwid at sa masama; sa mabuti, at sa malinis, at sa marumi; sa kaniyang naghahain at sa kaniyang hindi naghahain: kung paano ang mabuti, gayon ang makasalanan; at ang sumusumpa, gaya ng natatakot sa sumpa..... Ako’y bumalik, at nakita ko sa ilalim ng araw, na ang pag-uunahan ay hindi sa mga matulin, ni ang pagbabaka man ay sa mga malakas, ni sa mga pantas man ang tinapay, ni ang mga kayamanan man ay sa mga taong nag-uunawa, ni ang kaloob man ay sa matatalino; kundi ang panahon at kapalaran ay mangyayari sa kanilang lahat.” – Eclesiastes 9:2 & 11, Ang Biblia, Ang Banal na Kasulatan.

Saturday, April 8, 2017

Fiction (short story): Summer Clouds



Mr. & Ms. Vol. 20 No. 49, April 8, 1997
On the cover: Ina Raymundo

SHORT STORY: Summer Clouds.


“Look, He is coming on the clouds! Everyone will see Him, including those who pierced Him. All people on earth will mourn over Him. So shall it be!” – The Revelation 1:7, The Good News Bible in Today’s English Version.

Thursday, March 30, 2017

Pinay Matematika: Higit na Magaling ang mga Asiano & Noah, His Ark and the Great Flood are for Real


Pinay Digest Taon 1 Blg. 24, Marso 30, 1994

Sa aking kolum na “Pinay Matematika” ay inilahad ko ang mga Asiano, kabilang na ang mga Filipino, ay higit na matatalino kung matematika ang pag-uusapan.

 
 

Mr. & Ms. Vol. 22 No. 49, March 30, 1999
On the front cover: Kevin Costner
On the back cover: Mauro “Malang” Santos signing his painting
in the presence of his grandchildren, for the Nestle Bear Brand milk print ads.


“Noah, His Ark and the Great Flood: They are for Real” is a very popular Lenten article. It was twice published under the same title: (Celebrity World magazine’s April 8, 1996, and Mr. & Ms. magazine’s March 30, 1999 issues). An earlier shorter version titled “Noah and His Ark: Were They Real?” was published in MOD Filipina magazine’s April 17, 1992 issue. Additional, more recent discoveries and information were later added. Another abbreviated version (pertaining only to “The Construction of Noah’s Ark”) was published in MOD Girl magazine’s March 25, 2005 issue.



“I (GOD) am putting my bow in the clouds. It will be the sign of My covenant with the world. Whenever I cover the sky with clouds and the rainbow appears, I will remember my promise to you and to all the animals that a flood will never again destroy all living beings. When the rainbow appears in the clouds, I will see it and remember the everlasting covenant between me and all living beings on earth. That is the sign of the promise which I am making to all living beings.” – Genesis 9:12-17, The Good News Bible in Today’s English Version.

Wednesday, March 15, 2017

Pinay Matematika: Simpleng Pamamaraan




Pinay Digest Taon 1 Blg. 23, Marso 15, 1994
Ang aking kolum na “Pinay Matematika” kung saan tinalakay ko ang mga “Simpleng Pamamaraan” (pp. 46-47) ng pagsagot sa mga katanungang may kaugnayan sa matematika. Tinalakay ko rin sa isyung ito kung paanong sa pamamagitan ng matematika ay makaguhit ng hugis na korteng puso o cardioid.



“..... Sinabi ng PANGINOON kay Samuel, huwag mong tignan ang kaniyang mukha, o ang taas ng kaniyang kataasan...., sapagka’t hindi tumitingin ang PANGINOON na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka’t ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni’t ang PANGINOON ay tumitingin sa puso.” – Ang Unang Aklat ni Samuel 16:7, Ang Biblia, Ang Banal na Kasulatan, PBS.

Thursday, March 9, 2017

Throwback Thursday (March 9, 2017): Pahimakas ng Isang Pag-ibig & Unpublished Caricatures



Thomasian Engineer Vol. 20 No. 3, March, 1979

THROWBACK THURSDAY
PAHIMAKAS NG ISANG PAG-IBIG

Sa ibabaw ng mundong puno ng hapis;
Sa isang sulok ng paaralang liblib,
Natagpuan ko nililiyag ng dibdib,
Ng puso’t kaluluwang kagyat umibig.

Siya na gumising sa puso kong manhid,
Na ngayo’y di na mawalay sa panaginip,
At sa aking guni-guni’y umuukit,
Pagdaka’y bulong ng diwang di-maidlip.

Bawat dakuin isip kong naglalakbay;
Ano mang sandaling lumipas-sumilay,
Ang sinta ng puso ay di na mawalay
Sa kaluluwa kong pag-ibig ang kulay.

Tibok ng dibdib kung sadyang tatarukin,
Malalamang ang lakas ay walang supil.
Ano mang balakid ay handang harapin;
Walang pipigil bundok man ang hilahil.

Kung ganda niya’t asal ilalarawan
Sa madla ng mga engkantadang dilagan,
Walang ‘pinaka’ sa buong panitikan
Ang maibibigkas na pang-uring turan.

Siya na diwata ng bait at hinhin,
Tanglaw ng diwa ko sa gabing madilim.
Siya na mutyang pumupukaw sagimsim,
Sino mang pantas siya’y nanasang kamtin.

Kanyang mga matang tulad sa diyamante.
Na nangagkikinang sa lawak ng gabi.
Kanyang mga namumulang rosas na labi,
Na tumitighaw sa lungkot at pighati.

Sa bawat gabing malungkot at tahimik,
Laging ikaw ang nilalaman ng isip.
Larawan mo kapagdaka’y gumuguhit
Sa dalumat kong alipin ng pag-ibig.

Sa bawat araw na pakikipagtalik
Sa bagtas ng panahon, inog ng isip,
Pangarap ng puso ay huwag maamis,
Pagsinta sa iyong lubhang masigasig.

Mukha mong mala-anghel, ngiting kay tamis,
Ang bawat susulyap mata’y magniningkit.
“O adang sa puso ko ‘tumbas ay langit,
Nawa’y unawain tunay kong pag-ibig.”

Sa pag-ibig ko may babala’ng tadhana,
May bantang ligalig ang bawat ligaya.
Sadya kayang ganyan lihim na pagsinta,
Habang lumilipas nawawala’ng sigla.

Kaibigang lilo, magulang mahigpit,
Dalawang silakbong nag-uudyok pilit:
Tukso at pangaral ay nagpapanglupig
Sa gitna ng nilalangoy n’yang daigdig.

Umihip ang habagat noo’y nagbanta,
At nalagas ang mga dahon ng ligaya.
Siya’y nagbago, ngiti’y naging bula,
Ang dating matapat ngayo’y palamara.

Masalimuot nga ang landas sa lungsod,
Tahana’y matibay, pinto nama’y gapok.
Siya’s natangay sa malakas na agos,
Naging makabago at naging marupok.

Habang ‘nulat ko bahagi nitong tula,
Kaluluwa ko’y sa dilim lumuluha.
Ako’y nalulumbay, ika’y nagsasaya,
Sa pagkasi, may dupil man sadyang aba.

Damdaming nanangis sa bawat puntod,
Paraisong kay saya, ngayo’y kay lungkot.
Sa altar ng sawi ako’y nakaluhod,
Laging dalangin ang magbalik ka irog.

“O lakambining hiyas ng aking buhay,
Sa bisig ng siphayo ako’y hihimlay.
Ang tanging hiling ko aking sintang tunay,
Tanggapin tulang ito – munti kong alay.

Ngayon sinta ako man ay lilisan na;
Mananatili tangan kong alaala.
At kung sakaling magbago ang tadhana,
Maghihintay pa ring taos at malaya.         

 
Isinulat noong Pebrero 7-8, 1978, ang “Pahimakas ng Isang Pag-ibig” ay maituturing na isang pagliliwat sa Pilipino ng tula ko sa wikang English na “To Salve” (1975). Ang tula ay nagwagi ng Ikalawang Gatimpala sa Thomasian Engineer Second Annual Literary Writing Contest, Pilipino Poetry Category. (Naaalaala ko pa ang sinabi ng aking guro sa Pilipino, si Ms. Carminia Carrasco, na kung sa pagkakataong iyon ay “nadaig ng salapi ang pag-ibig,” marami pang darating na panahon na “ang pag-ibig ang siyang magwawagi.”) Inilathala ang “Pahimakas ng Isang Pag-ibig” sa Thomasian Engineer, October 1979.

 

MY CARICATURES
The first two caricatures, I drew when I was in fourth year college. I submitted them to Times Journal, but it was never published. The third, a sort of revision of the second caricature, is intended for a book titled It’s A FACT, still unpublished.






“If only you had been alert to my commandments, your happiness would have been like a river, your integrity like the waves of the sea. Your children would have been numbered like the sand, your descendants as many as its grains. Never would your name have been cut off or blotted out before me.” – Isaiah 48:18-19, The Jerusalem Bible.

Monday, January 30, 2012

January 30

 

January 30
Hiwaga Komiks Blg. 35, Enero 30, 1952
Tampok sa taklob-pahina ang "Diwani" nina Virgilio at Nestor Redondo

Enero 30 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Enero 30, 1899, ang Real Audiencia, ang pinakamataas na hukuman noong panahon ng mga Kastila ay pinalitan ng Kataastaasang Hukuman (Supreme Court), at si Cayetano Arellano (1847-1920) ang hinirang na kauna-unahang Punong-Mahistrado (Chief Justice).
                                                          o     O     o

          Pumutok ang Taal Volcano noong ika-30 ng Enero, 1911 na naging dahilan ng pagkawasak ng 13 nayon sa Batangas at kumitil sa buhay ng mahigit 1,300 katao.
                                                          o     O     o

          Matagumpay na napalaya ng magkasanib na puwersa ng mga Filipino guerillas at American rangers ang humigit-kumulang 500 prisoner of war (POW) sa kampo ng Hapon sa Cabanatuan, Nueva Ecija noong Enero 30, 1945.
                                                          o     O     o

          Nagsagawa ng isang local election noong Enero 30, 1980, kaugnay sa isang plebisito sa pagbabago ng Saligang Batas upang italaga ang retirement age ng mga mahistrado ng Korte Suprema at maging ng mga hukom ng mga lower courts sa edad na 70 anyos.
                                                          o     O     o


Pinoy personalities and celebrities born on January 30:
1945 – Boots Anson-Roa (birth name Maria Elisa Cristobal Anson), actress, columnist, editor and lecturer.
Boots AnsonRoa
on the covers of Tagalog Klasiks (January 8, 1976) and Starweek (May 14, 2006)
 
1957 – Rafael “Paeng” Nepomuceno, first Filipino Bowler listed in the Guinness Book of World Records for having won the Bowling World Cup a record three times – in Manila.

UNANG LABAS
          Ang Pinay Matematika ay isang kolum na tumatalakay ng mga interesante at natatanging paksa tungkol sa  matematika. Una itong lumabas sa mga pahina ng Pinay Digest noong Enero 30, 1994. Ayon kay Gng. Ernestina Evora-Sioco, editor-in-chief, kinagiliwan itong basahin ng mga mag-aaral, guro at magulang.
Ang unang labas ng Pinay Matematika sa Pinay Digest (Pebrero 30, 1994)

Picture Trivia
Three issues of Ace: January 1965, January 1968 and Annual 1969.
          The adult magazine Ace came out in the late 1950s and lasted up to the early 1980s. Subtitled “The Magazine of Men of Distinction,” it contains photographs of sexy girls. This is said to be one of the magazines that gave competition to High Hefner’s Playboy magazine.

                                                              o     O     o