Thursday, October 11, 2012

October 11



OCTOBER 11
MOD Filipina Vol. 24 No. 1049, October 11, 1991
On the cover: Jeanette Chavez Ipapo
 
UNANG LABAS
Ang kauna-unahang arawang pahayagan sa wikang English – The Manila Times – ay itinatag ng Englishman na si Thomas Gowan noong Oktubre 11, 1898, upang tugunan ang pangangailangan ng isang pahayagan para sa mga sundalong Amerikano. Maraming beses nagpalipat-lipat ang pagmamay-ari ng pahayagang ito. Nagkaroon ng pagwewelga ng mga manggagawang Filipino noong 1918 at matapos ito ay nabili ni Mauel L. Quezon ang pahayagan. Noong 1921, ibinenta ito ni Quezon at naging pag-aari ni George H. Fairchild. Nabili naman ito ni Jacob Rosenthal noong 1927, nang magsara ito noong Marso 15, 1930, si Lorenzo Thibault na ang may-ari.
Sa kabilang banda, noong February 1945, matapos ang Ikalawang Digmaaang Pandaigdig, naging pag-aari ito ni Rafael Roces, at noong Mayo 27, 1945, inilimbag ni Roces ang unang labas ng The Sunday Times.  Mula sa pahayagang ito muling nagbalik sa sirkulasyon ang The Manila Times noong Setyembre 5, 1945.


UNANG LABAS         
Ang unang labas ng Hiwaka Komiks
(Oktubre 11, 1950), tampok ang obrang
“Berdugo ng mga Anghel” ni Mars Ravelo
na iginuhit ni Elpidio Torres.


Ang Hiwaga Komiks ay unang lumabas noong Oktubre 11, 1950. Ito ay inilimbag ng ACE Publications na pinatnugutan ni Tony Velasquez. Ito ang pangwalong komiks na lumabas sa sirkulasyon sa Pilipinas. Kabilang sa laman ng unang isyu ng Hiwaga Komiks ay ang mga sumusunod: “Berdugo ng mga Anghel” na isinulat ni Mars Ravelo at iginuhit ni Elpidio Torres (na siya ring nasa unang taklob-pahina), “Ang Bihag ni Lusiper” ni Pedro Villanueva, “Ang Multo sa Pasong Balite” na isinulat ni Ladislao Bella Subang at iginuhit ni Efren de Leon, “Ang Signo” ni Nestor Redondo, “Berong Barbero” ni Teny Henson, “Carmela” na isinulat ni Pablo Gomez at iginuhit ni Ben Alcantara, “Kayamanan sa Loob ng Balong Kastila” ni Jose Caluag, “Kasunduan ng Magkaibigan” ni Angel Ad. Santos, at “Tipin” ni Larry Alcala.
Noong huling bahagi ng 1960s, naging pag-aari ito ng Pilipino Komiks Incorporated, na naging Atlas Publishing Company.









Oktubre 11 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Oktubre 11, 1719, si Governor-General Mauel de Bustillo Bustamante, ay dinumog at pinaslang ng mga mamamayang sinulsulan ng mga prayleng Jesuit. Nauna rito, ipinadakip at ipinakulong niya ang archisbishop ng Manila.
                                                          o     O     o

 
Personalities and celebrities born on October 11:
1892 – Pio Kabahar, Visayan playwright, actor, composer and newspaperman – in Cebu.
1934 – Jose Nergua Nolledo, lawyer, constitutionalist and author – in Inagawan, Puerto Princesa City, Palawan.
1987 – Jason Francisco (full name Jason Veron Marasigan Francisco), actor-comedian – in Calapan, Mindoro.


An Ilustrative portrait of Marlon Brando
(as Napoleon Bonaparte), on the cover of
Time (October 11, 1954).
Picture Trivia
          Aside from his short height, Marlon Brando was tailor-made for the role of Napoleon Bonaparte in the film Desiree (1954). His leading ladies for the film were Jeans Simmons (as Desiree Clary) and Merle Oberon (as Josephine). It was said that Brando didn’t take his role as Bonaparte seriously, but Desiree earned more in the box office than his other 1954 film, On the Waterfront, where he won the Academy Best Actor Award.
                             o     O     o












No comments:

Post a Comment